AFTER A THOUSAND YEARS, WHERE ARE THEY NOW??? ALEXIS Akala ko wala nang naghihintay na liwanag sa madilim naming mga buhay. Minsan naisip ko na lang ang sumuko dahil sa tuwing pinaglalaban ko kung ano sa tingin ko ang tama parating na uuwi sa wala at trahedya na kailangan pang may magbuwis ng buhay. Ilang beses akong tumawag pero pakiramdam ko hindi niya naman pinapakinggan ang bawat hinaing ko. At iyon ang maling paniwala ko sa sarili. Kailangan mo lang palang habaan ang iyong pasensya at yung faith mo sa kanyang kakayahan. At kung talagang naniniwala kang may diyos at higit na naniniwala na siya'y makapangyarihan, sinasagot niya ang iyong mga dalangin. Imagine, after all those ups and downs that my family went through here we are, tinatamasa ang kasiyahan na ni sa panaginip hinding h

