Tinanghali ng gising si Andrea. Kung Hindi pa ito ginising ni Mike malamang di pa ito magigising. "Si Mia nasa sala at kanina pa yun naghihintay dahil aalis daw kayo. Hindi naman daw niya alam kung Anong oras kayo aalis.." "Kanina pa ba siya dumating...?" "Hahaha, sabi ng mga guards madilim dilim pa daw nasa labas na. Ayaw naman pumasok kaya nag antay sa car." Napabalikwas naman ito ng bangon. "Oh my gosh mahal! Nakakahiya at hindi pa ako nakaligo." "Hmm, hayaan mo na. Ikaw ang amo kaya maghintay siya. Hahaha! Matakaw kasi sa tulog ang amo niya eh." biro sa asawa kaya umirap na lamang si Andrea. "Paano mahal mauna na ako ha, pupunta kami ng Bacabac eh, may kakausapin doon si Papa na maging kaalyado niya. Kayo after ng racing saan kayo pupunta?" "Maybe mag movie. Showing kasi yung

