Matapos nilang kumain, nagdecide silang bumalik sa ICU kung saan kitang kita nila ang madaming apparatus na nakakabit sa katawan ng matanda. Malungkot na pinagmamasdan ng binata ang kanyang Lola na humihina na ang katawan. Tanging tunog ng monitor lamang ang kanilang naririnig. Naupo muna sila sa may family room at hintayin kung ano man ang sasabihin ng doctor sa kanila. Pinapatulog ni Brooke ang anak at nakalean ito sa dibdib ni Timmy. Hanggang sa nakapikit na din ang misis niyang si Brooke. Nag uusap usap naman ang mag asawa. "Ilang weeks pa lang na nagkaron tayo ng baby IRA, si Mama gusto na din magpaalam.."turan ni Alexis. Usapan ng mag asawa. "Pero nakita ko naman na nahihirapan na din siya." "Yeah, I'm sure ramdam na ni Mama na her times is up. And besides nakita niya naman na okay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


