Matapos mapick up ni Alexis ang asawa sa nasabing bar, agad din nilang nilisan ang lugar at umuwi sa kanilang nirerentahang bahay. Tatawa tawa naman ang dalawa habang nagkukuwentuhan sa kanilang pinag gagawa sa lalaki. Si Alexis ang nagmamaneho. Si Yana naman walang tigil sa pagbubunganga at makikita sa mukha nito ang poot at galit niya sa lalaki. "Kulang pa yan kung tutuusin. Wala pa yan sa kalahati ang mga ginawa ko. Ngayon Alam ko na kung saan ko siya uunti-untiin. Takot ka pala sa multo ng taong pinatahimik niyo ha." Napalingon sandali sa kanya si Alexis. Naguguluhan sa kanyang sinabi. Muling binalik ang paningin sa daan ngunit hindi siya matahimik hanggat di naitanong sa kasama ang tungkol sa sinabi nito. "What do you mean by that?" Si Alexis. "Mean about what baby?" balik tanon

