Mahigpit na inakap ni Mike ang mga bata. Hindi naman nakakibo ang dalawang babae sa nakitang reaksyon ng mga bata na napayakap sa inaakalang ama nila. Dahil nakafocus ang dalawa sa mga anak, hindi nila napansin ang paghawak sa dibdib ng ama ni Alexis. Dala ng sobrang pagkagulat dahil sa pangyayari, inatake sa puso ang ama nito. Saka lamang sila natauhan at nilingon ang matanda ng mapasigaw si Timmy. "Grandpaaaa!!" Gulat na gulat din ang dalawa lalo na si Alexis kaya tinakbo at dinaluhan ang amang nakahawak sa dibdib. "Daaadddd!! Daddyy!Wake up! Dadalhin ka namin sa hospital!"nagpapanic na turan nito. Ngunit unti unti nang pumipikit ang matanda at nag iiba na ang kanyang kulay. "Babyy, iligtas mo ang mga anak natin, akong bahala dito!! Pleaseee... Ibalik mo ang mga bata!! Mangako ka ba

