Pagdating sa sasakyan ng dalawa, natanaw pa nila ang grupo ni Mike na nasa kani-kanilang sasakyan na parang may hinihintay. Agad na binuhay ni Yana ang makina at nilisan ang parking lot. Napansin niyang nagsikilos din ang mga tauhan ni Mike. Lihim itong napangiti. Samantala, mabilis na sumakay sa kanilang sasakya ang grupo ni Mike at palihim na pinasundan ang sasakyan ng dalawang babae. "Javier, sundan mo lang sila..."utos nito sa driver. "Boss, bakit natin sila susundan?" usisa nito sa amo. "At kilan ka pa nagkaron ng bayag na alamin ang mga plano ko ha?"nasa boses nito ang pagkairita. "Sorry boss."hingi niyang paumanhin at nagfocus sa pagmamaneho. "Now, just drive and follow them!" "Yes boss..." ******** "They're following us.."sambit ni Yana. Nakita naman ni Alexis ang nasabing

