Naka-yakap lang ako sa sarili ko habang dinadama ang malakas na hangin na humahampas sa paligid. Nakatulog na si Nene, yong batang kasama ko rito sa selda. Nagsimula nang bumagsak ang malakas na ulan. Mukhang nagkaka-gulo na rin sa labas dahil sa sobrang lakas ng ulan. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng selda. Si Joaquin! Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Salamat sa Diyos at ligtas ka, Binibini," umiyak na ako ng sobra sa balikat niya. "Kailangan na nating umalis, Binibini," hinila na ako ni Joaquin pero binitawan ko muna ang kamay niya. "Teka lang, 'yong batang kasama ko rito—" natigilan ako nang wala na si Nene sa hinihigaan niya kanina. "Wala na tayong oras, Binibini." hindi na ako nakapag-salita at sumunod na lang kay Joaquin. Anong na

