Mga ilang oras rin ang nagdaan bago kami dumating sa Heneral Santos. Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng simpleng shirt at pants. Dahil baka magmukha akong tanga na nakasuot pa ng baro't saya if ever. "Papaano sina Percy?" tanong ko kay Joaquin na itinatago na ang bangka sa gilid ng mga punong malapit dito sa isla na binabaan namin. "Ang iyong mga kaibigan ay ligtas na, Binibini, huwag kang mag-alala." hinawakan niya ang kamay ko at inaya na akong maglakad. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad akong nagbihis ng mas komportableng damit. Mabuti na lang rin at hindi ko tinapon ang nga damit ni Joaquin kaya may nabigay pa ako sa kanyang pamalit niya dahil ang dungis na naming dalawa at amoy alat pa kami. Tinawagan ko rin agad sina Mama at ang nga Tiyahin ko gamit ang tele

