Nakikinig lang kami sa kwento ni Tita Helen. Ikini-kwento niya kung papaano sila nagkakilala ni Don Antonion na Ama ni Joaquin. "Dahil isa akong dalaga na mahilig sa kasaysayan ay kadugtong rin nito ang hilig ko sa paglalakbay saan mang sulok ng bansa. Mapa-Luzon man at ang mga kasulok-sulokan nito ay napasukan ko na," "Ibig niyo pong sabihin, bata pa ho kayo 'e mahilig na ho kayo sa history?" curious na tanong ni Bryan. "Oo naman, lalo na sa mga pinagmulan ng bawat lugar sa bansa," pumaypay na naman si Tita Helen. "Petmalu na petmalu naman pala kayo!" nag-thumbs up itong si Fifth kay Tita kaya napalo nito ang daliri niya. "H'wag mo nga akong paandaran ng mga Gen Z words niyo. Magke-kwento pa ba ako o lalagyan ko ng stapler yang mga bibig niyo," agad namang nagtakip ng bibig itong sin

