Nang makarating kami sa Isla de Maharlika ay agad kaming sinalubong ni Ligaya at Gabriel. Nagkainitan pa ang magkapatid na Joaquin at Gabriel. "Nagagalak kaming makita na ligtas ka, Ate," napangiti naman ako sa sinabi ni Ligaya. Lumapit rin sa akin si Gabriel. "Ang ganda ganda mo talaga, Binibini," kinuha ni Gabriel ang kamay ko at akmang hahalikan na pero agad na tinakpan ni Joaquin ang bibig nito. "Aray naman, Kuya!" reklamo ni Gabriel saka tiningnan ng masama si Joaquin. "Tandaan mo, Gabriel na mahigpit na ipinagbabawal sa isla natin ang paghalik sa kamay ng ibang dilag na may iniirog ng iba," parang royal king na sabi ni Joaquin sa kapatid. Napa-iling iling naman ako sa pagka-isip bata ng isang 'to. Pati kapatid niya aawayin niya. Hay nako, Ginoong Joaquin. "Bakit? May iniirog na

