Hindi ko alam kung effective 'yong sinabi ko basta ini-snob na lang ako 'nong Nurse at dire-diretso na siyang umalis. Nakataas noo naman ako at nakangiting tagumpay. "Buti nga sayo, bleh!" pagtawa ko pa sa kanya. Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Joaquin. "Totoo ba ang iyong sinabi, Binibini?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinabi ko? Ah? Ah, yong nobya niya ako. Ay shuta! Nanlaki naman ang mata ko at dahan-dahan na umiwas ng tingin pero abot langit na ang ngiti ni Joaquin sa akin kaya mas lalo akong namula at umiwas sa kanya. "Wala ng bawian 'yon, Binibini, ah!" hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang akong lumabas ng ospital. Hanggang sa makaabot kami sa parang hardin nitong lugar ay sinundan niya pa rin ako at tinutukso. "Heh! Tumigil ka na nga," saway ko sa

