Siniko ko na man si Joaquin dahil sa sobrang straightforward niya sa mag-asawa. Nagulat naman sila sa sinabi ni Joaquin at unti-unti ng naluha si Ginang Rosario. "Ginoo, humihingi po kami ng tulong sa iyo. Tulungan niyo pong makamit ang hustisya sa pagkamatay ng aming anak na si Susan. Hindi po namin lubos akalaing may taong gagawa nito sa kanya," iyak na ng iyak si Ginang Rosario, mabuti na lang at may dala akong malinis na panyo kaya inabot ko sa kanya ito. Tinanggap niya naman at pinunasan ang kanyang mga luha. "Isang karumal dumal ang pagkamatay niya, Ginoo. Handa akong dumanak ang dugo ko mahuli lamang ang nagsamantala at pumatay sa kanya," napayukom ng kamao si Ginoong Jose. Pero nagkatinginan kami ni Joaquin dahil sa sinabi niya. "Pinagsamantalahan po si Binibining Susan?" hind

