Kinuwento ni Joaquin kay Kael ang experience niya na pagpunta sa siyudad. Namamangha si Kael at natatawa kay Joaquin. Lumubog na ang araw kaya medyo matagal tagal ring nagkwento si Joaquin. "Ang ibig mong sabihin ay mag kasama kayo sa iisang bubong na natutulog? Kayong dalawa lang?" umiwas naman ako ng tingin si Kael at namula naman si Joaquin bigla. "Woah! Teka lang, teka lang. Bakit hindi mo pa pakasalan si Binibini?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kael at nabulunan naman sa sariling laway si Joaquin. "Anong bang pinagsasasabi mo diyan?" umubo ubo si Joaquin at tumingin sa akin pero umiwas ako agad ng tingin. "Kapag nalaman yan ng Ama't Ina mo Joaquin, nako. Baka mauna ka pa sa aking ikasal, sinasabi ko sayo." "Ayos lang naman sa akin," sabi ni Joaquin. Kaya mas lalong nanl

