Pagkatapos naming magmuni-muni ni Amelia sa dalampasigan ay naisipan na naming umuwi na dalawa. Hindi pa rin dumarating sina Percy kaya hindi ko alam kung anong kaganapan ang mayroon sila. Nanatili muna ako sa kwarto ko para makapag-pahinga. Sa pagpikit pikit ko ay narinig ko naman ang tunog ng mga kalesa kaya agad akong sumilip. Sila Percy pababa ng kalesa habang nanatili naman si Joaquin na nakangiting aso. Ano na naman kayang ginawa ng mokong na 'yon? Nang mapa-tingin siya sa bintana at nakita niya ako ay nag-iba ang ngiti niya. Ngiting nakakabihag ng puso ng kahit sinomang babae. Hay nako, Joaquin, tigil tigilan mo ang pag-landi sa akin ha. Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay agad na pumasok si Percy. Dali-dali siyang lumapit at hinala ako palayo sa bintana, agad niya ring sinara

