Ilang araw na kami rito sa isla at ngayon na ang nakatakdang araw na pag-alis namin. Nakasuot na kami ng mga modernong damit namin at papunta na kami sa tabing dagat kasama sina Amelia, maliban kay Joaquin na hindi pa raw nakakabalik. Suot ko na ulit ang jacket ni Percy at naka-akbay siya sa akin habang naglalakad kami. Hindi ko na rin binanggit sa kanila ang pag-uusap namin ni Amelia, lalo na ni Joaquin. Sa ngayon, mas nais kong makabalik kami sa siyudad dahil paniguradong nag-aalala na sina Lienel sa amin. Baka kung ano na ang isipin ng mga pamilya namin. Kamuntikan ko pang makalimutan na mayroon kaming mga pamilya na uuwian. Hays, isa talaga 'to sa mga rason kung bakit hindi kami pwede ni Joaquin. Lols, ang assumera ko naman. Isa isa na kaming sumakay sa yate na dala namin. Tinulunga

