Pagkatapos naming kumain ay nag-desisyon na kaming umuwi para makapag-ayos na at makapag-pahinga. Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan kong lumabas na lang muna at magpa-hangin sandali.
Naglakad lakad lang ako sa hardin ng mga Maharlika. Hindi naman ganoon kadilim dahil maliwanag naman ang buwan at maraming alitaptap. Nakakamangha tuloy dahil hindi ko na alam kung kailan ako huling nakakita ng ganito.
Hindi na rin kailangan pa ng jacket dahil sa suot ko palang 'e nakaka-init na ng katawan pero malinis naman ang simoy ng hangin kaya ayos lang.
"Hindi ka makatulog, Binibini?" nagulat ako bigla nang may mag-salita sa likod ko.
"Amelia..ibig kong sabihin, Binibining Amelia pala," napakamot pa ako sa batok ko dahil hindi pa rin ako sanay sa pagtawag nila.
"Ayos lang, alam kong mahirap makapag-adjust sa aming lenggwahe," napatango-tango naman ako pero natigilan nang mapansin kong nag-taglish siya.
Tiningnan ko siya tapos tumawa siya bigla, kaya lalong nanlaki ang mga mata ko!
"Nakaka-intindi ka ng english?" gulat na tanong ko sa kaniya.
"Oo naman, Binibini. Pasensya ka na dahil hindi namin ito masyadong ginagamit rin sa isla upang mapanatili pa rin ang wikang Filipino," jaw drop literal. Nakakagulat naman!!
"I-Ikaw lang ba ang..nakakaintindi ng ingles?" pagdududang tanong ko.
"Ang dalawa kong Kuya ay marunong rin, lalo na si Kuya Joaquin dahil nag-aral siya ng medisina noon, maliban sa ingles ay maalam rin sa wikang Español, Nihongo at Latin," another jaw drop!
"Napaka-hilig kasi ng Kuya Joaquin namin ang pagbabasa kaya bata palang ay marami na siyang natutunan," patuloy ni Aelia sa pagkwento.
Natahimik naman ako at inalala 'yong mga panahong tinuturuan ko si Joaquin ng ingles. Bakit siya nagpanggap na hindi siya marunong mag-english? Ayaw niya ba akong mapahiya o gusto niyang tinuturuan ko siya?
"Binibini, huwag mo sanang ipagkakalat itong sinabi ko, strikto kami sa paggamit ng ibang lenggwahe rito sa isla dahil nais naming ipagpatuloy sa mga susunod na henerasyon ang wikang Filipino," tumango-tango naman ako kay Amelia.
"Maaasahan mo ako sa bagay na yan," ngiting pilit pa rin ako dahil gulat pa rin ako sa nalaman ko. Nag-aral rin ng medicine si Joaquin? Mygosh, kaya pala napapansin ko noon na parang may gumagalaw ng mga med books ko!
Natahimik naman kami ni Amelia sa paglalakad hanggang sa naabot namin ang hardin ng mga rosas. Napakaliwanag ng sinag ng buwan kaya naman sobrang ganda pa rin ng mga tanawin.
"Alam mo bang si Kuya Joaquin at Binibining Gabriella dapat ang ikakasal at hindi si Kuya Dante?" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Amelia. Natawa pa siya sa naging ekspresyon ko.
What the f? So, ibig sabihin hindi pa kasal si Joaquin? Wala siyang asawa?
"Nang nawala si Kuya Joaquin ay labis ang pagda-dalamhati ng mga tao rito sa isla, lalo na si Binibining Gabriella dahil bago umalis si Kuya Joaquin ay umamin ito ng nararamdaman sa kanya," parang lumungkot naman ako sa sinabi ni Amelia.
So, si Gabriella ang babaeng tinutukoy ni Joaquin na naiwan niya rito sa isla at naghihintay sa kanya. Napansin kong nakatitig sa akin si Amelia at may pilyong ngiti.
"Ba--Bakit?" umiwas ako ng tingin sa kanya at nag-kunwaring may iniisip na iba.
"Hindi na mahal ni Kuya Joaquin si Gabriella pagbalik niya rito sa isla dahil may isang babaeng dayuhan siyang inibig noong panahong napunta siya sa ibang lugar,"
Napalunok naman ako sa sinabi ni Amelia at tiningnan siya.
"Si Gabriella ang nagpumilit na ikasal siya kay Kuya Joaquin at pati si Ama, ngunit napansin naming lahat na may hindi pagkaka-intindihan si Ama at Kuya Joaquin kung kaya't mas ninais ng aming mga angkan na ipakasal si Gabriella kay Kuya Dante,"
"Malakas rin ang angkan ni Gabriella rito sa isla kung kaya't nais nina Ama at Ama ni Gabriella na ipagpatuloy ang layon ng bawat angkan sa pagsasanib pwersa upang mas mapa-unlad ang isla, si Kuya Joaquin ang nararapat na susunod na tagapag-alaga nitong isla ngunit malakas niya itong tinanggihan,"
Napatango-tango na lang ako sa pagkwento ni Amelia. Pinagsi-sink in ko sa utak ko ang mga sinasabi niya.
"Kung kaya't ikinasal si Binibining Gabriella at Kuya Dante dahil akala ni Binibining Gabriella ay gusto pa rin siya ni Kuya Joaquin," napakagat naman ako ng labi sa sinabi ni Amelia.
Si Gabriella pala ang ibig sabihin ni Joaquin noon na naghihintay sa kanya sa isla.
"Mauuna na akong pumasok, Binibini, pupunta pa ako ng Sta. Ursula bukas para sa isang pagtitipon,"
"O sige, Binibining Amelia, maraming salamat sa iyong pag-sama sa akin rito," ngumiti rin ako sa kanya.
"Walang anuman, Binibini, hangad ko ang ikakaginhawa ng iyong isip at dibdib," sasagot pa sana ako sa kanya kung anong ibig niyang sabihin pero tinalikuran niya na ako at naglakad na pabalik ng mansion.
Napa-buntong hininga na lang ako at napa-tingin ulit sa langit. Ang ganda ng mga tanawin na 'to, oras na makabalik kami sa siyudad paniguradong pollution na naman ang kahaharapin namin.
Naging normal na lang talaga sa siyudad ang pollution, ni hindi man lang naisip ng iba na mas maganda pa rin ang manirahan sa lugar na walang mabahong eskinita at mga usok ng sasakyan.
“Ang ganda ng tanawin,” pagmumuni ko pa habang ginagalaw ang mga bulaklak ng rosas at naglalakad lakad.
“Oo nga,” napatalon naman ako sa gulat nang may narinig akong sumagot sa likuran ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatayo sa hindi kalayuan si Joaquin at nakatitig sa akin. Ngumiti naman siya bigla at dahan dahan na lumapit sa akin.
“G-Ginoo,” napa-yuko pa ako sa harap niya at iniiwasan ang tingin niya.
“Napaka-formal mo naman tingnan, Binibini,” natawa pa siya kaonti kaya nahiya naman ako. Oo nga, mukhang nahawa na rin ako sa kanila rito, which is gusto ko naman dahil new experienxe rin 'to, sobrang wholesome na experience na nangyari sa buong buhay ko.
“Ba-Bakit gising ka pa?” uutal-utal pa ako! Jusko, nakakahiya, baka kung anong isipin ni Joaquin.
“Hindi ako makatulog,” naka-tingin na sa langit si Joaquin at dinadama ang hangin sa kanyang mukha kaya nahahanginan ang buhok niyang kulay itim.
Ngayon ko lang napansin na medyo nagka-laman na siya at mas naging makisig ang dating niya. Sobrang bagay rin ng damit na suot niya ngayon sa kanya.
“Baka gusto mo ng litrato ko, Binibini?” nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Sobrang pilyo niya pa rin!
“Babalik na ako,” aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila paharap sa kanya kaya nagkadikit kaming dalawa bigla.
“Maaari ba kitang hagkan, kahit sandali lamang?” napalunok naman ako habang nakatingin sa mga mata niya. Para siyang bata na nangungulila ng pagmamahal.
Sasagot pa sana ako pero naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap sa akin.
“Patawad, Binibini, hindi ko gustong iwan ka,” narinig ko na ang paunti-unting hikbi niya habang yakap niya pa rin ako.
“Bakit ka umalis? Bakit hindi ka man lang nag-paalam?” lakas loob kong tanong sa kanya. Kumalas na siya sa yakap naming dalawa at tiningnan ako sa mata nang maigi
"Pinilit ako ni Ama na umuwi na sa isla dahil may kinakaharap silang problema sa isla at kailangan na nila ako,” pinunasan ko ang nagba-badya niyang luha.
"Hindi ko gustong iwan ka, Binibini, maniwala ka, gustong-gusto ko nang bumalik sa iyo ngunit ikinukulong nila ako rito sa isla. Hanggang sa nalaman ko ang balitang naka-labas ka na sa pagamutan at maayos na ang iyong kalagayan. Roon lamang ako kumalma at tumigil dahil may mga litratong ipinakita sa akin si Ama na kasama mo ang isang Ginoo, at masaya na kayong dalawa na magkasama,"
"Walang namamagitan sa amin ni Percy," sagot ko sa kanya dahil ayaw kong mag-isip siya ng kung ano dahil yon naman talaga ang totoo.
"Pero bakit ka niya hinalikan, Binibini? Halos madurog ang aking puso nang makita kong hagkan ka niya, sobrang saya ko pa 'non dahil kahit nasa malayo ay nakita kita ngunit hindi ko akalaing ganon ang aking maabutan pa," bumagsak naman ang bibig ko sa sinabi ni Joaquin.
"Isa ka sa mga mangingisdang nakita ko noon?" tumango siya nang marahan at hinawakan ang aking pisngi.
"Gusto kong maging gahaman sa iyo, Binibini, ngunit hindi ko alam kung nararapat pa rin ako para sa iyo,"
Ako rin, Joaquin pero nakita ko na ang buhay na pinagmulan mo. Hindi ko na alam kung pwede rin bang maging tayo.
Sasagot na sana ako pero biglang may mga guwardiyang dumating kaya lumayo ako bigla kay Joaquin.
"Ginoo, ipinapatawag ho kayo ni Heneral sa munisipyo. Importanteng-importante raw po,"
"Susunod ako," aniya ni Joaquin.
Umalis naman ang guwardiya agad. Hinawakan ni Joaquin ang kamay ko at minasahe ito kaonti.
"Ikaw pa rin ang puso ko, Binibini," sabi niya na may ngiti sa mga labi.
"Sige na, sumunod ka na roon papasok na rin ako," tumango-tango lang siya at nagpaalam na rin. Hindi na rin ako nagtagal sa labas dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumungaw muna ako sandali sa bintana. Nakita ko si Joaquin na kakasakay lang sa kalesa at nakasuot na ng tuxedo. Ganitong oras na ngunit kinakailangan pa rin siya ng kataas-taasan nila.
Nararapat pa ba tayo para sa isa't-isa, Joaquin? Sobra ang pagkakaiba ng landas nating dalawa, ngayong narito ka na, mas lalo naman akong natakot sa mga maaaring mangyari.