Kabanata 29

1860 Words
Napaka-awkward ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba kay Joaquin o dahil kay Percy. Nagsimula na kaming magdasal at kumain na rin kami agad. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil mukhang nagtatakha na sina Amelia sa ikinilos ni Joaquin kanina. "Asan nga pala ang mga magulang ninyo?" tanong ni Vernon. Napatingin tuloy ako sa kanya, siguro gusto niya lang basagin ang tahimik na paligid. "Nagpunta sa pinakadulo nitong Isla na Bayan sina Ama't Ina dahil may tinatrabaho silang problema roon." sagot naman ni Amelia. "Nais ko sanang malaman kung papaano kayo napadpad rito sa Isla namin?" tanong naman ni Ligaya. Nagkatinginan pa kaming anim at nagtu-turuan gamit ang mga mata namin kung sinong magsasabi. Napa-buntong hininga naman 'tong si Percy. "Nagpunta kami sa isang beach resort na magkakaibigan, 'nong gabi na 'yon inaya ko si Hannah na maglakad-lakad kami dahil gusto kong pagaanin ang loob niya ng araw na 'yon. Ang hindi namin alam, sinundan nila kaming dalawa sa yateng sinakyan namin at pinababa pa nila 'yong nagpapa-andar sa Yate. Kaya nawala kami sa pinakagitna ng dagat at nakita namin ang mga ilaw sa isla ninyo kaya napag-desisyunan naming humingi ng tulong." paliwanag ni Percy. Napatango-tango naman 'yong magkakapatid maliban kay Joaquin na nakakunot ang noo at nilalaro ang pagkain niya. Problema niya? Tss. "Ibig sabihin magkasintahan kayo ni Binibining Hannah?" nagulat naman ako sa tanong ni Gabriel. "H-Hindi." sagot ni Percy na mas lalong ikinagulat ko. Napayuko naman siya agad tapos inayos niya rin ang sarili niya. "Matalik na magkaibigan lang kami ni Percy." sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa kanya. "Talaga? Ibig sabihin maaari akong umakyat ng ligaw sayo, Binibini?" Akala ko ako lang ang masasamid sa sinabi ni Gabriel pero hindi, kaming lahat maliban sa kanya at kay Joaquin na napahinto lang sa ginagawa niya. "Gabriel!" sabay sabay na saway ng mga kapatid niya sa kanya. "Bakit ba? Nasa wastong edad na rin naman ako ah! At wala namang kasintahan si Binibini." tapos ngumiti siya sakin ng sobrang lapad kaya natawa ako ng kaonti. "Wag mo na lang pansinin ang sinabi niya, Binibini." sabi naman ni Ligaya sa akin kaya tumango-tango lang ako. "Kung ganoon, wala kang kasintahan?" napahinto naman ako sa pagkain nang magtanong si Joaquin. "G-Ganoon nga." nakayuko kong sagot. Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Percy sa baro ko kaya napatingin ako sa kanya. Ito ba ang kinakatakot niya? Na oras na bumalik sa akin si Joaquin 'e mawawalay siya sa akin? Percy….pasensya ka na. "Ngunit mukhang nagkaka-ibigan kayo ni Ginoong Percy." Joaquin "May minamahal ng iba si Hannah." Napasinghap ako sa sinabi ni Percy at napa-iwas ng tingin na lang. Alam kong guilty ako sa bagay na 'yon at alam kong alam ni Percy ang nararamdaman ko. "Talaga? 'E ikaw, Ginoo?" Joaquin na naka-ngising nakakaloko pa! "A-Anong ibig mong sabihin?" "Wala, baliwalain mo na lang ang aking sinabi." Hindi ko alam kung trip lang ba ni Joaquin na itanong 'yon kay Percy o may hinanakit siya kay Percy. As far as I know, nagkita na sila noon. "Ako lang ba ang na-awkward?" rinig kong bulong ni Fifth kay Bryan. Umiiling-iling na lang ako at tahimik na lamang na kumain. Wala na ring nagsalita at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Joaquin at nahuhuli ko naman siyang nakatingin rin sa akin kaya umiiwas agad ako ng tingin sa kanya at nagpapa-patay malisya na lang. Sina Amelia na lamang ang nagsasalita tungkol sa isla. Maliban kay Joaquin ay sobrang uncomfortable rin ng pakiramdam ko dahil pakiramdam ko ay jina-judge ni Gabriella ang buong pagkatao ko. Napapansin ko kasing tinitingnan nya ako ng sobra at mukhang kinikilatis. Baka gusto niyang malaman ang skin care routine ko? O baka na-engganyo siya sa kilay ko? Sabi kasi nila, natural na kilay on fleek ako palagi. Sinusubukan ko na lang ngumiti ng pilit sa kanya pero tinataasan niya lang ako ng kilay niya. Ang suplada naman, ganda niya pa naman. Pagkatapos naming kumain ay inimbita kami ni Amelia sa simbahan nila. Merong misa raw dahil pista raw ni Andres, ang Apostol. "Isa siyang santo ng mga mangingisda kaya naman pinapahalagahan namin aming ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan," paliwang ni Amelia sa amin habang naglalakad kami pasakay ng kalesa. Dahil hindi naman kami magka-kasyang lahat ay pinaghiwa-hiwalay muna kami. Nauna nang sumakay si Percy sa akin kaya inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong maka-akyat. Kukunin ko na sana ito ngunit mas naunang kunin ni Amelia ang kamay ni Percy, na ikinagulat ko naman. "Nais ko sanang maka-kwentuhan si Ginoong Percy, kung maaari. Ayos lang ba iyon, Binibining Hannah?" napalunok pa ako at napa-tingin kay Percy na kahit siya ay nagulat. "A-Ayos lang naman," pagsagot ko kahit na alanganin ako roon dahil hindi ko alam kung kanino ako sasabay. "Kuya Joaquin, sa iyo na sasabay si Binibining Hannah dahil nais kong makipag-kwentuhan sa Ginoong ito," may pilyang tono ni Amelia na sabi kay Joaquin. Napakunot naman ang noo ni Joaquin at nagpa-balik balik ang tingin sa akin at kina Amelia. Kahit si Percy ay wala na ring nagawa. Napakamot naman ng ulo si Joaquin at tumango na lang sa kanyang kapatid. "Ha-Halika na, Binibini," halatang may halong kaba ang boses ni Joaquin. Hindi niya siguro ine-expect na makakasama niya ako agad-agad. Inalalayan niya akong maka-akyat ng kalesa at maka-upo. "Salamat," mahinang sabi ko sa kanya kahit na sa kabilang banda ako naka-tingin. Umalis na kami sa hacienda nila at pumunta na sa simbahan. Habang buma-biyahe naman kami ay tahimik lang kami ni Joaquin. Pero kapansin-pansin talaga ang amoy niyang nakaka-miss. Jusko, mag-hunos dili ka, Hannah. "Bagay sa iyo ang iyong baro't saya, Binibini," parang tumigil naman sa pagtibok ang puso ko sa sinabi niya. "Ma-Maraming salamat," kinurot ko pa ang sarili ko nang patago para pigilan ang sarili kong maka-ngiti. Nako, Joaquin, mag-hinay hinay ka sa mga compliment mo, ha. Di pa tayo bati. "Masaya ako sa mga naabot mo, Binibini," napa-tingin naman ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin ng matamis at inayos ang hibla ng buhok ko na sumasagi sa mukha ko. "Sana'y huwag mong damdamin ang pag-iwan ko sa'yo, sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong makapag-paliwanag, Binibini ko," napalunok naman ako at hindi makapagsalita. Mukhang napipi ata ako. Huminto na ang kalesa at naramdaman ko naman ang paghawak ni Percy sa kamay ko, nakita kong napasulyap doon si Joaquin bago siya bumaba ng kalesa. "Anong sinabi niya sayo?" umiling na lang ako kay Percy dahil ayaw ko munang isipin ang sinabi ni Joaquin. Nang makalapit kami kay Amelia ay binigyan niya kami ng tig-iisang kandila. Sa tuwing nadadaanan namin ang ibang tao ay talagang nagbi-bigay respito sila sa pamilya nina Joaquin, at talagang mahahalata na tinitingala nila ang pamilyang Maharlika. Kahit ako ay namamangha dahil sa textbooks at videos ko lang nakikita ang mga taong nakasuot ng baro't saya at mga barong tagalog, pero ngayon, nandiritio silang lahat sa harapan ko. At pati ako ay nakasuot ng katulad nila. Umupo kami sa bandang unahan dahil mukhang magsi-simula na ang misa. Mayroon pang play na naganap tungkol sa mga mangingisda. Halos mga dalaga at binata ang nagpe-perform, pinapakita nila ang buhay ng mga mangingisda at ang mga kinakaharap nitong problema kapag nasa laot na sila. Kung tutuusin sobrang underrated minsan ng mga mangingisda at farmers sa panahon ngayon. Minsan hindi na sila nabibigyang importansya. Maliit na lamang ang nakakapagpahalaga sa mga bagay na ginagawa nila. Pagkatapos ng performance na naganap ay pormal ng nagsimula ang misa. Napa-reflect naman ako bigla sa sarili ko, paminsan ay napapatingin ako sa paligid ko, at halos puno ang simbahan sa dami ng mga taong nagsimba. Nakakatuwa naman dahil kahit nasa isla lang sila ay halatang malaki pa rin ang paniniwala nila sa Diyos. Tapos na ang misa at naka-tambay na lang kami sa labas ng simbahan. Nakapagsindi na rin kami ng kandila kanina. Kahit papaano malaki rin ang grasya na bigay nitong pagpadpad namin rito sa isla nila. Ang rami kong natututunang bagay na nakaligtaan ko na. Ngayon lang ako natuwa kay Cleo dahil sa walang sense of direction niya. Nakita ko ulit si Joaquin at ang kanyang kalagayan. Masaya naman ako sa kung ano siya ngayon. Naglalakad na kami sa labas ng simbahan at maraming nagbebenta ng mga kung ano-ano. Medyo malayo naman sa entrance ng simbahan at nasa kabilang daan naman, mukhang nire-respito rin nila ang bahay ng Diyos. Napansin ko pang nag-tatalo si Joaquin at Amelia sa bandang likuran namin pero hindi ko na lang pinansin. Nagtitingin-tingin ako ng mga hair clip habang busy rin ang iba kong kasama sa ibang mga bagay. Tumabi naman sa akin si Percy at tinulungan akong mamili. "Ito, sa tingin ko bagay 'to sayo," dinikit niya pa sa buhok ko at tiningnan nang mabuti. Ngumiti-ngiti naman ako at fineel rin ang moment kung bagay ba talaga sa akin. "Bagay na bagay ho iyan sa iyong kasintahan, Ginoo. Mas lalo ho kayong bagay na isa't-isa," naubo naman sina Fifth at Bryan na nasa likod lang rin namin. Napatingin tuloy sina Joaquin sa amin. "Nako, hindi po kami mag-kasintahan,"tumawa pa ako ng peke at pasimpleng tiningnan ang reaksyon ni Joaquin pero busy siya sa kakatingin sa paligid. Napa-pout tuloy ako, nakakainis naman. "Bakit naman ho hindi?" tumawa pa ng malakas 'tong si Manong pero di na lang namin pinansin. Dumiretso naman kami agad sa isang kainan dahil nagugutom na rin kami sa kakalakad. Naka-round table kami kaya kitang-kita namin ang reaksyon ng bawat isa. Katabi ko si Percy at Cleo, habang nasa bandang harap ko naman si Joaquin. Umalis na rin ang mag-asawang sina Dante at Gabriella dahil may pupuntahan pa raw silang celebration. Sobrang gara talaga nila, sinundo pa sila ng parang punong-guwardiya dahil si Andres raw ang susunod na tagapag-alaga ng isla kaya ingat na ingat sila sa kaniya. "Si Ginoong Andres ba ay dating militar?" curious na tanong ni Bryan habang kumakain kami. Napansin kong natawa naman si Ligaya at Gabriel. "Isang guro si Kuya Dante rito sa isla, siya ang susunod na tagapag-alaga kaya naman marami siyang inaasikasong bagay dahil dapat niyang aralin ang bawat sulok at problema ng aming lugar," paliwanag ni Amelia sa amin. "Si Kuya Joaquin naman talaga dapat ang magiging punong-bantay rito 'e, kundi lang dahil sa..teka ano ngang dahilan 'non? Ah 'yong babaeng—" hindi na natuloy ni Gabriel ang sinabi niya dahil tinakpan na ito ni Ligaya. "Masyado lang madaldal, Gabriel, hindi ka dapat nakikisali sa usapan nang matatanda," ngumiting alanganin si Ligaya sa amin at sinaway ang kapatid. Teka, si Joaquin dapat ang magiging punong-bantay ng isla? Pero bakit napasa kay Dante? Sinong babaeng dahilan? Argh, nakaka-curious naman ng sobra! "Nais ko nga palang sabihin sa inyo na makakauwi na kayo bukas sa inyong lugar. May mga mangingisdang sasabayan kayo sa inyong pag-uwi," napatigil naman ako sa sinabi ni Joaquin. Tuwang-tuwa sina Vernon dahil sa balita ni Joaquin pero bakit ako hindi? Parang ang bigat sa pakiramdam. Napatingin tuloy ako kay Joaquin pero iniwasan niya ang lang ang titig ko. Hindi na ba kita ulit makikita? Huling salo-salo na ba natin 'to? Bakit ang bilis naman, Joaquin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD