Kabanata 28

2209 Words
Mabuti na lang at nakabalik agad ako sa bahay na tinutuluyan namin. Nadatnan ko naman ang lima na naka-upo sa sala at nag-uusap. "Saan ka galing?" sabay-sabay nilang tanong lima. "Choir ba kayo?" natatawang tanong ko habang paupo sa tabi ni Percy. "Hinanap ka kaya namin!" napatingin naman ako kay Bryan na nakapamewang sa harap ko. "O sige na, sorry pooo!" tapos nag-bow ako na parang prinsesa sa harap niya kaya natawa sila sa akin. "Kumain ako ng hilaw na mangga." masayang sabi ko sa kanila. "Ang duga mo naman, Hannah. Kaya pala iniwan mo kami." parang batang sabi ni Cleo tapos nag-pout pa. "Napadpad lang ako talaga 'don kasi naman ang iingay niyo kaya." reklamo ko naman. "Sabi ni Dante, mamayang hapunan 'don rin tayo sa kanila kakain." sabi naman ni Percy na nasa tabi ko lang at nilalaro ang dulo ng buhok ko. "Nanlalambing si Manoy!" Bryan "Hays, ang sakit niyo sa mata!" Fifth "Verns, gusto ko ng hilaw na mangga." Cleo "Sige, hahanap tayo--Cleo, wag mong kagatin 'yang dulo ng barong mo!" Vernon Pinanood lang namin sila ni Percy habang palabas sila. "Papano mo sila natagalan?" takhang tanong ko habang nakatingin 'don sa apat na nakalabas na. "Hindi ko rin alam." tapos sinubsob ni Percy ang ulo niya sa braso ko. "Natatakot ako." parang bata niyang sabi. Natawa naman ako sa kanya tapos hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at hinarap sa akin. "Bakit ka naman natatakot? Ikaw kaya ang pinaka-fighter na nakilala ko." Parang baliw kasi 'tong isang 'to. E ang galing galing nga niyang makipaglaban. "Ako nga, hindi natatakot 'e. Kasi alam ko naman na magagaling kayong makipaglaban 'e. Tapos ikaw--" "Hindi naman 'yon ang ikinakatakot ko 'e." inalis niya ang kamay kong nakahawak sa magkabilaang pisngi niya tapos hinawakan niya ang kamay ko. "Natatakot ako na baka mawala ako sa buhay mo oras na makita mo ulit si Joaquin." ewan ko ba pero kahit ako natigilan sa sinabi ni Percy. Sa loob ng dalawang taon, si Percy ang palaging nasa tabi ko. Hindi niya ako iniwan kahit kailan kahit na ilang beses ko ng nireject ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Siya 'yong laging to the rescue ko kapag kailangan ko ng tulong. Pero hindi na kami pwede ni Joaquin 'e. May asawa na siya at hindi na akong pwedeng umeksena pa. "Perce, nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo sa akin sa loob ng dalawang taon. At isa pa, hindi na kami pwede ni Joaquin, remember, may asawa na siya?" sinusubukan kong ngumiti para mapagaan ko ang loob niya. "Papaano kung walang asawa si Joaquin at susubukan niya ulit na bumalik sa buhay mo?" Para akong tinamaan 'don ng ilang beses. Papano nga ba? Kung mangyayari 'yon, talagang mahihiwalay sa akin si Percy dahil paniguradong masasaktan siya. Pero ayaw kong makita siyang nasasaktan kasi malaki ang utang na loob ko sa kanya. "H-Hindi ko alam." napayuko na lang ako sa sobrang hiya kay Percy. Ang sama-sama ko siguro para saktan siya ng ganito. Siya 'yong laging nasa tabi ko pero what if bumalik nga si Joaquin? Edi maiiwan ko na siyang mag-isa. "Ang selfish ko ba kapag sinabi kong sakin ka na lang?" napatingin ulit ako kay Percy dahil sa sinabi niya. Napaka-seryoso niya sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. I'm torn between my love for Joaquin, na dalawang taon kong hinintay or my love for Percy, na dalawang taon na nasa tabi ko. "Just don't answer. Halika na at baka kung ano na naman ang ginagawa 'nong apat." Hinila niya na ako patayo saka kami lumabas ng bahay. "Sorry, Percy." mahinang sambit ko habang nakatalikod siya sa akin at naglalakad. -- Nandito kaming anim sa mga puno ng mangga dahil gusto rin nilang kumain na lima. Ako naman naka-upo lang at nakasandal sa isang puno habang pinapanood sila na parang mga bata. "Akin na kasi 'yan, Fifth!" Bryan na inaagaw 'yong manggang hilaw na nasungkit ni Vernon. "Hintayin mo 'yong susunod na makukuha ni Vernon!" Fifth na nilalayo kay Bryan 'yong manggang hilaw. "Verns, ayan ayan!" Cleo na tagaturo ng manggang hilaw kay Vernon. "Cleo, babalatan pa natin 'yan! Aish!" Vernon na taga-sungkit at the same time taga-pigil kay Cleo na kainin 'yong manggang hindi pa nababalatan. "Ang iingay niyo!" Percy na taga-reklamo at taga-salo ng mangga. Para akong Yaya na nagbabantay ng limang bata. Jusko! Ang sakit nila sa ulo. "Hannah, si Percy nangunguha ng mangga!" rinig kong sigaw ni Bryan. "H-Hoy hindi ah! Ako ang nakasalo niyan 'e!" Percy na sinusubukang batukan si Bryan. "Baby naman wag mo na ngang landiin si Percy." Fifth in malandi mode na naman. Ganito ba nagagawa ng pagiging broken sa kanya? "Kadiri ka, Fifth!" Percy sabay layo kay Fifth. "Sige na nga, Baby. Selos ka naman agad." Bryan na niyakap agad si Fifth. "Ahm, guys, mukhang hindi na mangga ang nasungkit ni Verns." Cleo na nakatingin sa kawayan na hawak ni Vernon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong hindi na nga manggang hilaw ang nakuha ni Vernon. Kundi bahay ng mga bubuyog! "Takbo na tayo mga Tsong!" sigaw ni Bryan kaya agad akong tumayo at hinila na nila ako kasi hinahabol na kaming anim ng mga bubuyog. Waaaah! "Ayokong masira ang pogi kong mukha!" Bryan "Gusto ko pang maging foreigner!" Fifth "Baka makagat nila ang labi ko! Waah!" Cleo "Cleo, dito tayo na daan!" Vernon "Magtago tayo doon!" sabay turo ko sa isang bahay na di kalayuan sa amin. Dali-dali kaming tumakbo at pumasok sa bahay na anim at dali-daling nagtago. "N-Nakagat ba kayo?" alalang tanong ko kahit na hingal na hingal pa rin ako. Umiling naman silang lima at hinahabol pa rin ang hininga nila. "Sino kayo? " napa-atras naman kaming anim nang may magsalita sa likod namin kaya humarap kami sa kanya. May isang matandang naka-suot ng brown na mahabang damit, parang Pari ata siya base sa kanyang suot tapos may kwintas rin siya na cross. "P-Pasensya na po. Hinahabol kasi kami ng mga bubuyog kaya nagtago kami dito." paliwanag ko sa kanya. "Ganoon ba? Maupo muna kayo dito at magpahinga. Ako nga pala si Padre Juan Maharlika." Maharlika rin siya? Grabe, kakaiba talaga 'tong hacienda nina Joaquin. Sobrang lapad. Naupo naman kami tulad ng sabi niya tapos binigyan niya rin kami ng tubig na maiinom namin. "Ako po pala si Hannah, at ito naman po ang mga kaibigan ko. Si Percy, Fifth, Vernon, Cleo at Bryan." pagpapakilala ko sa kanya ng mga sarili namin. Ngumiti naman siya at naupo sa harap namin. "Nagagalak akong makilala kayo." tapos ngumiti siya sa amin. "Sobrang lapad po pala talaga ng hacienda Maharlika. Kasi ilang bahay ang meron dito." sabi ni Bryan tapos uminom siya ng tubig. Inabutan naman ako ni Percy ng tubig kaya kinuha ko rin 'to. "Itinayo talaga ito ni Don Antonio Maharlika, ang aking kapatid, para sa mga bisita ng kanilang pamilya. Katulad ninyo at katulad ko rin." paliwanag niya. Sino naman si Don Antonio? Hindi kaya siya ang Papa ni Joaquin? "Bisita lang po kayo dito?" tanong naman ni Percy tapos tumango si Padre Juan. "Kanina lang rin ako nakarating dito dahil sinabayan ko sa pag-uwi si Ginoong Joaquin dahil galing kami ng kabilang bayan at namigay ng kaonting tulong roon." pare-pareho naman kaming natigilan ng banggitin ni Padre Juan si Joaquin. Napatingin tuloy silang lima sa akin. "Si Ginoong Joaquin po?" paninigurado ni Vernon. "Oo, nagkakilala na kayo ni Ginoong Joaquin?" nagkatinginan naman kaming anim sa tanong ni Padre Juan. "Ah--" "Aalis na po kami, Padre. Dahil papalubog na po ang araw at baka hinahanap na kami nina Dan--este Ginoong Dante." pagputol ko sa sasabihin ni Fifth. "Maraming salamat po, Padre." sabay sabay naming sabi. "Mag-iingat kayo sa inyong dadaanan." sabi niya pa sa amin kaya tumango kami at naglakad na pabalik sa Mansion ng Maharlika. "So, andito nga si Joaquin? At tama nga ang hinala kong kaya familiar ang Maharlika." rinig kong sabi ni Fifth. "Ano ka ba, Fifth, may nasasaktan!" binulong pa ni Bryan 'yon pero rinig na rinig pa rin namin kasi sobrang tahimik naman ng paligid. "Sinong masasaktan?" inosenteng tanong ni Cleo. "Ikaw, Cleo, kapag di mo pa tinigil kaka-kagat 'yang kwelyo ng barong mo!" Vernon na pinipigilan si Cleo. Hindi na lang kami nagsalita ni Percy. Pagkarating namin sa Mansion ng mga Maharlika sinalubong agad kami ni Ligaya at Gabriel. "Magandang gabi, Binibini at mga Ginoo." magalang na bati ni Ligaya sa amin. "Magandang gabi rin sa inyo, Binibining Ligaya at Ginoong Gabriel." bati ko naman. 'Yong lima namang kasama ko ngumiti lang sa kanilang dalawa. "Kahit sa papalubong na araw, mas lalo kang gumaganda, Binibini." na-fluttered naman ako sa compliment ni Gabriel. Kahit na sobrang bata niyang tingnan parang napaka-mature niya namang tingnan. "Mukhang may nainlove na naman kay Hannah." Bryan "May karibal na naman si Manoy." Fifth "Hindi pa ba kakain?" Cleo "Cleo, wag ka munang magmadali--teka, wag mong kagatin ang kamay ko!" Vernon "Hindi ba kayo titigil?" Percy "P-Paumanhin sa inasal ng aking kapatid, Binibini, dahil pilyo talaga 'to kahit kailan." tapos pinalo ulit ni Ligaya ang likod ni Gabriel, napa-aray tuloy si Daniel. Pfft, ang cute nila. Pinaupo naman kami ni Ligaya habang hinihintay namin sina Dante dahil nagbibihis pa daw 'yong mag-asawa. Andito rin kaya si Joaquin at ang asawa niya? Hays, naghahanap lang talaga ako ng sakit 'e. Sinasaway pa rin ni Percy ang lima dahil sobrang ingay pa rin nila at ang gugulo. Nasa kanang side ko si Percy, tapos katabi niya si Vernon at sunod naman si Cleo. Sa kaliwang side ko naman katabi ko si Fifth then si Bryan. Kaharap ni Gabriel si Cleo at kaharap naman ni Vernon si Ligaya. Para ngang reflection ni Vernon at Cleo sina Ligaya at Gabriel. Sinasaway pa rin kasi ni Vernon si Cleo at ganun rin si Ligaya kay Gabriel. Maya maya pa dumating na sina Dante, Gabriella at Amelia. Asan kaya si Joaquin? Aish! Iniling-iling ko ang ulo ko. Paniguradong magkasabay rin si Joaquin at ang asawa niya. Hays. Naupo silang tatlo pero nag-iwan sila ng isang space ng upuan, which is sa harap ko. Umupo kasi si Amelia sa tabi ni Ligaya, so kaharap siya ni Percy. At ang mag-asawang Dante at Gabriella 'e nasa harap naman nina Bryan at Fifth. "Ahm, bakit kayo nag-iwan ng space sa gitna?" takhang tanong ni Bryan. "Loko, espasyo, di ka nila maiintindihan." saway ni Fifth. "I mean--este, bakit walang naka-upo sa gitna?" ulit na tanong ni Bryan. "Ah dito kasi umuupo si Kuya--oh andyan na pala siya!" nakangiti si Amelia at tumayo nang makita niya ang dumating sa harap ng pinto kaya pati kami napalingon. "Nahuli na ba ako sa inyong salo-salo?" tapos ngumiti si Joaquin..sa akin. Oo, sa akin siya naka-titig. Ngayon ko lang natitigan ang kasuotan niya, naka-tuxedo siya na kulay itim kaya sobrang formal niyang tingnan tapos may salamin pa siya na sobrang bagay sa kanya. Ang lakas na naman ng t***k ng puso ko. Nababaliw na naman ata dahil sayo Joaquin. Naglakad siya palapit sa amin tapos pumunta siya sa upuang may space, which is sa harap ko! "Kuya, sila nga pala 'yong mga dayuhan na napadpad sa Isla." paliwanag ni Amelia. Pero ako titig na titig pa rin kay Joaquin. Hindi ko na rin alam kung anong reaksyon ng lima. "Talaga? Maaari ko ba silang makilala?" tapos napatingin siya sa akin, umiwas agad ako ng tingin nang mapansin kong umarko 'yong gilid ng labi niya. Oo, naka-ngisi ang mokong sa akin! "H-Hindi mo ba kami kilala?" rinig kong tanong ni Bryan. Umiling naman si Joaquin tapos uminom siya ng tubig. "Bryan, hindi niya talaga tayo kilala, remember, si Lienel at Josh lang nakausap natin tungkol sa kanya? at chaotic 'yong time na nakita natin siya." mahinang bulong ni Fifth pero rinig ko naman kasi nasa tabi niya lang ako. So, ibig sabihin, 'yong oras na nakidnap ako hindi pa talaga silang magkakilala kundi sa mukha lang. At si Joaquin lang ang kilala nilang lima? Sabagay, dahil si Lienel at Josh lang nga ang nakakasama ko 'nong oras na napadpad si Joaquin sa amin at isa pa, hindi pa kami close nitong lima. "Ako si Percy, Percy Salazar." napatingin naman kami sa nagpakilalang si Percy. Nakipagkamayan rin siya kay Joaquin. Akala ko nga hindi kukunin ni Joaquin ang kamay niya pero tinanggap naman ito ni Joaquin. "Ako si Vernon, ito naman si Cleo--Cleo, hindi pa nag-dadasal. Pasensya na." "Ako naman si Fifth." "Ako naman si Bryan, pinaka-pogi sa kanilang apat." tapos nag-pogi pose pa si Bryan kaya nabatukan siya ni Fifth. Natawa na lang sila Dante sa dalawa. "Ikaw, Binibini?" napatingin ako agad sa gagong mokong na 'to! Ano bang binabalak niya? Bakit ba nagpe-pretend siyang hindi niya ako kilala? Bwisit talaga 'to. "Ha? A-Ako?" napatingin naman ako sa kanila kasi mukhang hinihintay nila na magpakilala ako kay Joaquin. "A-Ako si Hannah, Hannah Flores." sabi ko kahit na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "At ako naman si Joaquin Maharlika, Binibini. Nagagalak akong makilala ka." tulad ng ine-expect ko kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Natulala naman ako sa kanya tapos nakita ko ang pag-arko ng gilid ng labi niya. Waaah! Nag-iinit na naman ang mukha ko. Bwisit ka talagang gagong mokong kaaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD