Totoo nga ang sinasabi ni Joaquin sa akin, totoo ang Isla de Maharlika. Totoo ang lugar kung saan napre-preserba ang dating anyo ng Pilipinas noong panahon ng mga Hapon. At ang Isla de Maharlika ang lugar na 'to.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng isang malaking salamin, first time kong makapag-suot ng baro't saya na walang special occassion. Alala ko huling suot ko nito 'e highschool pa ako, 'nong nagperform ako ng folk dance.
Dinala kami ni Amelia sa isang bahay na nasa likod ng mansion nila at dito raw muna kami mananatili pansamantala. At pinagbihis niya rin kami ng mga damit na katulad sa kanila dahil kelangan raw namin maki-ayon sa lugar nila.
Napagsabihan na kami kanina ni Dante na tutulungan niya kaming makauwi pero kelangan raw naming manatili muna alinsunod sa patakaran nila dahil mga dayuhan kami sa lugar nila. Noong una ay hindi kami pumayag dahil paniguradong nag-aalala na ang mga pamilya namin pero wala daw kaming magagawa dahil hinold rin nila ang yate namin.
Kung tatakas naman daw kami mas lalong delikado dahil may mga pirata raw minsan sa dagat at swerte na lang namin dahil wala kaming nakasalubong papunta sa isla nila. Kaya wala kaming choice kundi ang sumunod sa kanila.
Pero nagtataka pa rin ako dahil hindi ko nakita si Joaquin. Umaasa pa rin akong makikita ko siya, kahit na alam kong kasal na siya sa iba. Hays.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na rin sa sala. Natawa naman ako nang makita ko silang lima.
"Nagmukha kayong tao." sabi ko sa kanilang lima kaya ang sama ng tingin nila sa akin.
"So, anong akala mo sa amin noon?" nakapamewang na tanong ni Bryan sa akin.
"Aliens?" sagot naman ni Cleo.
"Infairness, bagay sayo." sabi ni Vernon sa suot ko kaya umikot ako sa harap nila at nag-bow na parang prinsesa.
"Inlove na naman si Manoy!" Fifth na binatukan agad ni Percy.
"Pinapatawag kayo nina Ginoong Dante." natigil kami sa pagkukulitan nang may dumating na babae sa harap ng pinto.
"Saan po?" magalang na tanong ko. Tapos tinaasan niya ako ng kilay. Aba!
"Sumunod na lang kayo sa akin." tapos tumalikod na siya sa amin. Napangiwi na lang ako at sumunod na rin sa kanya.
Manghang-mangha talaga ako sa lugar nila. Puno ng mga halaman at puno kaya napasimoy ng hangin, ngayon naiintindihan ko na si Joaquin, kung bakit hindi siya sanay sa lugar na puno ng air pollution.
Pumasok ulit kami sa mansion ng mga Maharlika at tumambad sa amin ang napakaraming pagkain sa mahabang mesa. Nandoon ulit silang magkakapatid pati 'yong asawa ni Dante.
"Nagagalak akong makita na napakagandang tingnan sa inyo ng aming mga kasuotan." sabi ni Amelia. Ang ganda niya talaga.
"Maupo kayo at samahan kami sa pagkain." sabi ni Dante kaya naupo naman kami agad.
Tanghaling tapat na kaya. Hindi pa kami kumain kaninang umaga, samahan pa ng sobrang kabadong scenario.
At tulad ng ine-expect ko, nagdasal muna kami. Halata namang nagulat 'yong lima pero sumunod rin naman sila.
"Huwag kayong mahihiya at kumain lang ng kumain." sabi ni Gabriella kaya kumain agad kami.
"Maaari ko bang malaman ang inyong mga pangalan?" tanong ni Dante habang kumakain kami.
"Ako nga pala si Hannah Flores. Siya naman si Percy Salazar, Vernon Del Valle, Bryan Rivera, Fifth Marquez at Cleo Saldivia." pagpapakilala ko sa kanila.
"Nagagalak akong makilala ka, Binibini." nagulat ako ng kunin ni Gabriel ang kamay ko at halikan ito.
Naalala ko tuloy kung paano kami nagpakilala ni Joaquin sa isa't-isa noon. Ganitong-ganito rin 'yon. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Gabriel, magkalayo ang agwat ng edad ninyo ni Binibining Hannah." saway ni Dante kay Gabriel. Napa-ubo naman 'tong mga kasama ko sa sinabi ni Dante.
"Pagpasensyahan niyo na ang aming kapatid dahil pilyo talaga ito." sabi naman ni Ligaya at pinalo ang likod ni Gabriel.
"Ate naman!" reklamo ni Gabriel kaya natawa ako sa kanya. Kaharap ko kasi siya ngayon sa hapag kainan.
--
Pagkatapos naming kumain ay pinag-tsaa pa nila kami kaya nandito pa rin kami ngayon sa hapag-kainan nila. Nagkwe-kwentuhan pa rin sila Dante at ang mga lalaking kasama ko. Nagtatanong sila tungkol sa mga pamumuhay ng mga tao sa isla dito. Mukha ngang curious na curious sila.
Nagulat naman ako nang hawakan ni Percy ang kamay ko.
"B-Bakit?" bulong ko sa kanya.
"Para kasing panaginip ang lahat." bulong niya pabalik kaya natawa ako sa sinabi niya at di na lang siya sinagot. Inalis ko naman ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Maaari kayong maglibot-libot dito sa hacienda. Huwag kayong mahihiya." sabi ni Dante sa amin pagkatapos naming mag-tsaa.
"Maraming salamat." sabi ko sa kanila na magkakapatid. Ngumiti naman sila sa akin.
Tapos lumabas na kami ng mansion nila at naglibot-libot.
"Grabe ang ganda talaga ni Amelia." Bryan
"Mas maganda pa rin si Joe." Fifth
"Ang lapad talaga ng hacienda nila." Vernon
"Ang sarap ng pagkain nila." Cleo
"Ang iingay niyo." Percy
Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na ako palayo sa kanilang lima.
Nakarating ako sa isang lugar na puro puno ng mangga. Sobrang lawak at sobrang dami ng mga punong mangga, marami rin itong bunga. May hinog at hilaw na mga mangga.
"Magandang araw, Binibini. Nais niyo po ba ng hinog na mangga?" napalingon naman ako sa likod ko. May isang matanda na naka-straw hat tapos nakasuot siya ng puting damit na mahabang sleeve tapos walang kwelyo.
"Magandang araw rin po. Pwede po bang humingi? Kahit isa lang po." nahihiyang tanong ko.
"Oo naman, Binibini. Sandali lang at kukuhaan ko kayo." tapos may kinuha siyang kawayan.
"Gusto ko po sana ng hilaw na mangga." sabi ko sa kanya tapos natigilan siya at napatingin sa akin.
"Buntis ka, Binibini?" nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya.
"P-Po? H-Hindi po!" agad kong sagot tapos nag-iinit na ang mukha ko sa sobrang hiya.
"Akala ko pa naman nagdadalang-tao ka, Binibini. Kaya nga natigilan ako dahil ang bata mo pa tingnan. Paumanhin, Binibini." sabi niya tapos kinukuha niya na 'yong hilaw na mangga gamit ang kawayan na hawak niya.
"A-Ayos lang po." nahihiyang sagot ko. Maya-maya pa binaba niya na 'yong kawayan na hawak niya tapos may dalawang mangga na nakasabit sa maliit na sanga na nakuha ng kawayan. Astig!
"Ito, Binibini." abot niya sa akin ng hilaw na mangga. Eh? Paano ko 'to kakainin? Wala naman akong kutsilyo.
"Ahm, meron po kayong kutsilyo?" Nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman siya sakin.
"Maupo ka na lang muna, Binibini at ako na ang magbabalat para sayo." kaya naupo ako agad. Hindi naman madudumihan ang saya na suot ko kasi puno naman ng mga d**o ang lupa.
Umupo rin sa harap ko ang matanda.
"Maaari ko po bang malaman ang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya habang binabalatan niya 'yong mangga.
"Ako si Mang Jose, taga-pag alaga ako ng mga puno dito sa Hacienda Maharlika." nakangiti niyang sabi tapos inabot niya sa akin mangga na binalatan niya.
Kinain ko naman at waaah! Napakasarap ng asim ng manggang hilaw na 'to.
"Ang sarap po ng mangga!" sabi ko kahit na ang asim.
"Nagagalak akong malaman yan, Binibini. Isa ka bang dayuhan?"
"Ah opo. Napadpad po kami dito kagabi ng mga kasamahan ko. Mukhang hindi na po kayo nagulat?"
"Ah oo. Marami talagang dayuhan ang hindi sinasadyang mapadpad sa isla namin. Kaya hindi na bago sa akin ang makasalamuha ng isang dayuhan."
"Bakit po pala ninyo nasabing nagda-dalang tao ako 'nong humingi ako ng hilaw na mangga?" nacurious ako 'e.
"Ganoon kasi ang pagkakaalam namin rito, Binibini. Kapag ang isang Binibini ay naghahanap ng hilaw ng mangga, nalalaman agad namin na nagda-dalang tao ito." Ahhh, ang weird naman ng palatandaan nila.
"Sige, Binibini. Maiwan na kita dito dahil marami pa akong gagawin." Tumayo naman ako agad.
"Maraming salamat po." sabi ko sa kanya.
"Ah sandali po, Mang Jose. May itatanong lang sana ako."
"Ano iyon, Binibini?"
"Narito po ba si G-Ginoong Joaquin Maharlika?" kabadong tanong ko.
"Ang rinig ko ay pauwi na raw si Ginoong Joaquin galing ng Sta. Ursula. Kaya't baka narito na rin siya maya maya."
"S-Sige po. Maraming salamat ulit."
So, kumpirmado nga. Nandirito si Joaquin.
Napabuntong hininga naman ako at naglakad lakad ulit ako. Nang maubos ko na ang mangga na kinakain ko 'e tinapon ko naman agad sa tamang lalagyan.
Teka, asan na kaya 'yong lima? Potek, nawili ako kakakain ng mangga nakalimutan ko na sila.
Naglakad lakad pa ulit ako at natigil ako nang mapadpad ako sa sobrang daming pulang rosas.
"Wow!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi hawakan ang mga rosas. Ang gaganda!
First time kong makakita ng ganito kalapad na mga rosas. Parang walang katapusang mga pulang rosas. Sa sobrang tuwa ko ay naglakad pa ako upang tingnan ang dulo ng mga pulang rosas na 'to.
Nahinto lang ako nang may nakita akong tao na naka-upo sa dulo ng daanan. Ang hangganan ng hardin ng pulang rosas 'e isang ilog.
Babalik na sana ako kasi ayokong maka-istorbo sa pagda-drama ng lalaking 'to pero gusto kong maki-usyoso sa kanya. Curious ako kung paano mag-emote ang mga tao dito sa lugar na 'to.
Lumapit ako ng kaonti sa likod niya at pinakinggan siya.
"Labis pa rin ang pagmamahal ko sa iyo. Kahit nagdaan man ang ilang taon, ikaw pa rin ang tinitibok ng aking puso."
Ang cheesy niya naman! Tapos sobrang emote pa. Aalis na sana ako pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo tapos humarap sa akin.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang mawalan ako ng balanse sa sobrang gulat. Nahawakan niya agad ang bewang ko kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Halos sumabog ang puso ko nang magkatitigan kaming dalawa.
"N-Nanaginip ba ako?" wika niya habang magkalapit pa rin ang mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin.
"Nababaliw na ata ako ngayon." sabi ko naman na hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Ikaw ba talaga yan, Binibini?" tanong niya sa akin. Marahan akong tumango.
"P-Pero paano?" takhang tanong niya. Gustong maglupasay ng puso ko sa sobrang tuwa dahil nasigurado kong nasa maayos na kalagayan si Joaquin ngayon.
Bigla namang pumasok sa isip ko na ikinasal na siya. At hindi na kami pwede para sa isa't-isa.
Agad kong nilayo ang mukha niya sa mukha ko at lumayo sa kanya. Umiwas rin ako ng tingin.
"Pa-Pasensya na. Naligaw kasi ako sa daan. Aalis na ako." tumalikod na ako sa kanya pero hinila niya ako pabalik at isang mahigpit na yakap ang ginawa niya.
"Nagpapasalamat ako sa Diyos at nasa maayos kang kalagayan."
Sobrang ganda sa pakiramdam ang mayakap siya. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko na makayakap siya kahit ilang minuto lang saka ako kumalas sa yakap niya.
"Maraming salamat kung ganoon. M-Maiwan na kita dahil baka may makakita pa sa atin at baka kung ano pa ang sabihin ng ibang tao kapag nakita ka nilang may kasamang ibang babae at maisumbong ka pa sa asawa mo."
Tumalikod na ako agad at hindi na siya nilingon pa kahit na narinig kong tinawag niya pa ako.
Masaya na akong nakita kitang nasa mabuting kalagayan, Lalaki.