Kabanata 26

1528 Words
Napayakap na lang ako sa sobrang takot ko kay Percy nang makarating kami sa isang kulungan. Mabuti na lang nga at hindi masyadong marumi ang kulungan nila kay naka-upo kami sahig na anim. "Potek naman! Ano bang lugar 'to?" reklamo ni Bryan at ginulo-gulo ang buhok niya. "Aba malay namin, ano? Sama-sama naman tayong napunta dito." frustrated na sagot rin ni Fifth. "Manahimik na lang nga kayo at hindi ako makapag-isip ng maayos." Vernon "Meron ba kayong pagkain?" Cleo "Shh!" saway ni Percy sa kanila. Napatingin naman siya sa akin tapos inalis niya ang jacket na suot niya at pinasuot sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at niyakap ang sarili ko dahil nagta-taasan ang balahibo ko sa lugar na 'to. "Nilalanggam na tayo dito oh!" tiningnan ko naman ng masama si Bryan kaya tinikom niya na ang bibig niya. "Huwag kayong maingay dyan at matulog na lang. Haharap pa kayo bukas sa aming Don at Donya." sabi ng isang guwardiya kaya nagtakha kaming anim. Pero wala ng may nagsalita dahil baka matodas pa kami dito 'e. Napasandal na lang ako sa balikat ni Percy at pinikit ko na lang ang mata ko sa sobrang pagod. -- Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Pagmulat ko ng mata ko nasa kulungan pa rin kami at nakita ko 'yong guwardiya na pinapalo ng bakal 'yong dingding na bakal kaya sobrang ingay. Nagising na rin sina Percy dahil sa ingay. "Tumayo na kayo at sumunod sa akin." tapos binuksan ng isang guwardiya 'yong pinto ng selda namin kaya sumunod kami 'don sa lalaki. Ngayon ko lang napansin na kami lang ang tao sa selda na 'yon dahil wala namang laman ang ibang kulungan. Dumaan kami sa isang paakyat na hagdan at pagkarating namin sa taas, hindi namin mapigilang mapatingin sa paligid namin. Napaka-vintage style ng bahay na 'to. Nakaka-lula sa sobrang laki at ang disenyo ng bahay. Para kami nasa isang set ng pelikula na history ang theme. Ano ba 'tong lugar na pinasok namin? "Potek, nagtime travel ba tayo?" tanong ni Bryan sa amin. Ang mga guwardiya sa palapag na 'to naka-lumang style rin na army na suot. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami. Pakiramdam ko nakita ko na ang lugar na 'to pero napaka-imposible naman. Napaniginipan ko kaya 'to? Duh, na-predict yarn? Mas lalo kaming nagulat sa nakita namin nang makalabas kami sa bahay na 'yon. Halos lahat ng babae naka-suot ng baro't saya, habang ang mga lalaki naman 'e nakasuot ng barong. Napapatingin sila sa amin at nagtatakha ang tingin nila. Mukhang chinichismis nila kami, jusko. Parang pinandidirian nila kami. Mabuti na lang at naka-long leggings ako at nakasuot rin ng jacket. See through pa naman ang suot kong upper dahil nga galing kami ng beach, ano. "Sapakin niyo nga ako. Asan ba tayo?" sabi ni Bryan na parang mababaliw na rin. Wala ka ring makikita na mga sasakyan dahil puro kalesa. "Sakay." utos ng guwardiya sa amin kaya sumakay kami sa kalesa na nasa harap namin. Hinati kami sa tatlong kalesa na anim, hawak hawak ko naman ang kamay ni Percy dahil kinakabahan ako sa lugar kung asan kami ngayon. Hindi ko na makita ang dagat dahil puro bahay na ang nakikita at nadadaanan namin. Para ngang hindi mo aakalain na nasa isang isla ang lugar na 'to. Mga ilang minuto kaming nakasakay sa kalesa at kahit na pisilin ko man ng ilang beses ang sarili ko. Totoo talaga lahat ng nakikita ko. Tumigil ang kalesang sinasakyan namin pero hindi kami pinababa ng guwardiya. Siya lang ang bumaba tapos nag-bow siya sa isang babae na nakasuot ng baro't saya. Ang ganda niya at napaka-Maria Clara. Potek! Baka nagtime-travel talaga kaming anim? "Sino sila, Heneral?" ay mataray si Ateng! Nag-bow pa 'yong Heneral sa harap niya. Siguro nasa mataas na angkan ng pamilya siya. Char, hula hula ko lang yan, wag nyo kong pakinggan. "Mga dayuhan na napadpad sa isla kagabi, Binibini. Nasa mansion de Maharlika ho ba si Don Dante?" tanong 'nong Heneral. "Oo, dalhin mo na sila doon kung ganoon." seryosong sabi 'nong babae. Tapos nagpaalam naman 'yong Heneral at sumakay sa kalesa na sakay namin. Nagkatinginan kami 'nong babae nang mapadaan kami sa harap niya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya sa hindi ko malamang dahilan. Ngumiti na lang ako ng alanganin at umiwas ng tingin. Ba't kaya niya ako nilakihan ng mata? Mga ilang minuto ulit kaming naglibot sakay ng kalesa bago kami huminto sa isang napakalaking gate. Pinababa kami ng guwardiya tapos sinabihan niya kaming sumunod sa kanya. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa taas na gate kung asan may nakalagay na salita. At halos matumba ako nang mabasa ko ito. 'Maharlika' "A-Ayos ka lang?" tanong ni Percy habang inaalalayan ako, napatango naman ako at tumayo nang maayos. "Bakit parang familiar sa akin ang Maharlika?" rinig kong bulong ni Vernon. Pakabog ng pakabog ang dibdib ko. Kinakabahan sa mga susunod na maaaring mangyari. "Ako lang ba ang nababaliw ngayon?" tanong ni Bryan na tulala na lang na naglalakad at mukhang windang sa mga nakikita niya. "Di ka nag-iisa, Pre." sagot naman ni Fifth. "Bilisan ninyo!" sigaw 'nong Heneral kaya sumunod kami agad sa kanya. Hinawakan naman ni Percy ang kamay ko. Sobrang lapad ng lugar, pagkapasok na pagkapasok namin puno ng mga halaman ang paligid. Mas lalo pa kaming nawindang sa sobrang laki ng bahay na bumungad sa amin. Makalumang bahay pero sobrang laki, parang mansion. Hindi pala parang, dahil literal na mansion talaga. Paano kaya nagkaroon ng ganito kalaking mansion rito sa isla na 'to? O kung isla ba talaga 'to. Sa sobrang lapad at laki hindi mk talaga aakalain na nasa isla ka. "Maghintay kayo dyan." utos ng Heneral kaya huminto rin kami sa harap ng sobrang laking bahay. Maya maya pa bumalik 'yong Heneral kasama ang isang babae na nakasuot ulit ng baro't saya pero halatang mayaman siya kasi sobrang ganda ng suot niyang baro't saya tapos ang lalaki naman, nanlaki ang mata ko. "Potek, nababaliw na ba ako at nakikita ko si Joaquin?" Bryan "Si Joaquin ba talaga 'yan?" Vernon "Oo, Pre! Sino pa ba sa tingin mo?" Fifth "Ako, hindi naniniwalang si Joaquin 'yan." Cleo "Manahimik nga kayo." saway ni Percy sa kanila. Ako naman titig na titig pa rin sa lalaki. Kahawig niya na kahawig si Joaquin pero hindi 'e. At first glance, para siyang si Joaquin pero kung tititigan mo siya, hindi siya si Joaquin. "Bawal sa lugar namin ang pagtitig ng isang Binibini sa Ginoong may asawa na." rinig kong sabi 'nong babae kaya yumuko ako agad. "Gabriella, baka naman nagulat lang ang Binibini sa ating kasuotan." rinig kong sabi 'nong kamukha ni Joaquin. Hindi nga siya si Joaquin, mas maganda pakinggan ang boses ni Joaquin. Mag-asawa pala silang dalawa? Shocking! "Heneral, maraming salamat, maaari niyo na kaming iwan." sabi 'nong lalaki kay Heneral. Napapahigpit na 'yong hawak ko kay Percy sa sobrang kaba ko. "Walang anuman, Ginoong Dante, Binibining Gabriella. Mauna na po kami." tapos umalis na sila 'nong mga guwardiya. So, hindi nga siya si Joaquin, dahil siya si Dante?! na kapatid ni Joaquin! Naikwento niya sa akin 'nong oras na nawala siya 'e pumunta daw nga Cebu ang kapatid niyang si Dante at Amelia. Gosh! "Binibini at mga Ginoo, sumunod kayo sa amin." sabi ni Dante kaya sumunod na naman kami. Papasok kami sa mansion nila at hindi ko na naman mapigilang mapa-wow sa sobrang laki at ganda ng mansion nila. Ang daming gamit na halatang sobrang mamahalin tapos may mahabang table sa gitna na parang dito ginaganap ang general meeting ng mga principal 'e. Dalawang palapag rin ang bahay nila tapos ang gaganda rin ng mga chandelier. "Maupo kayo." sabi ni Dante sa amin kaya umupo naman kaming anim. May mga maid din na pumasok at nagdala ng maiinom. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa babaeng kasama ni Dante kasi ang taray taray niya kung makatingin sakin. "Kuya, sino sila? Mga dayuhan?" isang babae naman ang pababa ng hagdan na nakasuot rin ng magandang baro't saya. "Ang ganda niya." sabi ni Bryan. Pinalo naman siya ni Vernon para mabalik sa sarili niya. "Oo, kapatid. Hindi pa ba nakakabalik si Ama?" tanong ni Dante, ibig sabihin siya si Amelia? "Sa susunod na dalawang linggo pa raw makakauwi sina Ama at Ina dahil kanina lang sila umalis." sagot naman ni Amelia. "Kuyaaaa! Si Gabriel kinuha na naman ang rosas na pinitas ko." Isang lalaki ang tumatakbo pababa ng hagdan at isang babae naman ang humahabol dito. Mga kapatid sila ni Joaquin? "Ligaya, Gabriel, magsi-ayos kayo dahil may mga panauhin tayo." seryosong saad ni Amelia. Kaya natigil naman 'yong dalawa. "Paumahin." sabay nilang sabi sa amin. "Ahm, pwede bang magtanong? Kasi kagabi pa kami nababaliw 'e. Asan ba kami?" Bryan "Paumanhin, Ginoo kung hindi maganda ang nangyari sa inyo kagabi. Dahil ganoon talaga ang patakaran namin sa lugar namin. Ako nga pala si Ginoong Dante Maharlika, ito naman ang aking asawa, si Binibining Gabriella Vergara-Maharlika, at ito naman ang aking mga kapatid, si Amelia, si Ligaya at si Gabriel. At maligayang pagdating sa Isla de Maharlika."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD