Kabanata 25

2074 Words
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ko na ang pinto. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko at bumibigat na rin ang pakiramdam ko. "Hannah!" Gulat na gulat silang tatlo nang makita nila ako. "T-Tinago niyo sa akin?" kalmang tanong ko pero ramdam ko na ang agos ng luha ko. "H-Hindi--" "Bakit?! Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Dalawang taon! Sa loob ng dalawang taon ilang beses akong nagtanong sa inyo! Ilang beses akong nagmakaawa!" ang bigat bigat sa pakiramdam. Parang sasabog ang dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko sa may bandang puso at minasahe ito. Sobrang sakit talaga. "Nangako kami kay Joaquin." nakayukong sabi ni Percy. "Perce!" galit na sigaw ni Lienel at Josh. "A-Anong nangyayari dito? Ohmygahd! Ba't ka umiiyak, Hannah?" gulat na gulat rin si Claire na pumasok sa loob. "Bakit kayo nagsisigawan?" Joe "Ba't umiiyak si Hannah?" Vernon "Alam niyo ba?" baling ko kina Joe at Divine. "A-Ang alin?" takhang tanong ni Divine. "Joaquin." pagbanggit ko ng pangalan ni Joaquin kita ko ang gulat sa mukha nila. "Bakit? Bakit tinago niyo sa akin? Alam niyo ba kung gaano kasakit? 'Yong iniisip ko kung papaanong posibleng dahilan lang ng trauma ko si Joaquin? Para akong baliw!" galit na sabi ko sa kanila. "Kinailangan naming gawin 'yon." napatigil ako nang sumagot si Lienel. "Kinailangan? Bakit? Ipaintindi niyo sa akin!" basang-basa na ang pisngi ko dahil sa walang pigil na pag-agos ng luha ko. "Nangako kami kay Joaquin na wala kaming sasabihin sayo." Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Joe. "A-Ano pang silbi ng pangakong 'yon kung wala na rin naman siya sa tabi ko?" napaluhod na lang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naramdaman ko ang pagyakap nina Joe sa akin. "Hannah, please." Divine "Kalimutan mo na lang siya." Joe "Wag mo ng pahirapan ang sarili mo, Hannah." Claire Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nila. Humiwalay ako sa yakap nila. "Sana nga ganon lang 'yon kadali. Sana madali lang kalimutan siya. Pero hindi, habang lumilipas ang panahon mas lalo ko siyang hinahanap. Mas lalo ko siyang namimiss." Tahimik lang silang lahat na nakatingin sa akin, napapaiyak na rin sina Joe. "Akala ko ba kaibigan ko kayo? Pero bakit ginawa niyo akong tanga!" galit na sigaw ko at napahagulgol na naman ako. "Mas pinili naming itago sayo dahil ayaw naming masaktan ka. At 'yon rin ang gusto ni Joaquin." Lienel "Pero bakit niya gustong makalimutan ko siya? Bakit gusto niyang ilihim niyo sa akin ang alala niya?" "Dahil 'yon ang akala niyang makakabuti sayo." rinig kong sabi ni Vernon. "Ipaliwanag niyo sakin! Parang awa niyo na. Ang sakit sakit na talaga." napasubsob na lang ako sa kamay ko sa sobrang iyak. -- Naka-upo kami ngayon sa kama, katabi ko sina Divine at Joe habang nasa harap ko naman ang iba. Hindi pa rin nagsasalita si Percy. "Hindi ka nababaliw, lahat ng alala mo kay Joaquin totoo." panimula ni Josh. Kahit na nasasaktan ako dahil nagsinungaling sila sa akin, kalahati sa akin ay nagsasaya dahil nalaman ko na ang totoo. "Pagkatapos ka naming isugod sa Hospital nang araw na masaksak ka, hindi siya umalis sa tabi mo pagkatapos ng operasyon. Ayaw niyang umalis sa tabi mo hangga't hindi ka nagigising. Doon namin napatunayan kung gaano ka niya kamahal, kasi kahit anong pilit namin sa kanya na magpahinga siya, tumatanggi siya." Napapaiyak na naman ako sa kwento ni Josh. Talaga bang ayaw niyang umalis sa tabi ko? "Linggo ng gabi, aalis daw siya dahil may naghihintay sa kanya na ihahatid siya pauwi pero babalik rin daw siya dahil pagsasabihan niya lang 'yong mga taong 'yon na hindi na muna siya uuwi sa kanila hangga't hindi ka nagigising. Pero nagulat kami ng bumalik siya, iyak siya ng iyak sa tabi mo at humihingi ng paumanhin. Nang lumabas kami ng kwarto mo may isang lalaki na nasa labas at sinasabing aalis na sila ni Joaquin at hindi na raw siya babalik kahit kailan. Nakiusap si Joaquin ng sobra, lumuhod siya't umiyak pero hindi nagbago ang isip ng taong 'yon. Kaya walang nagawa si Joaquin kundi sundin 'yong lalaki." Bakit? Bakit niya ginawa 'yon? Ibig sabihin, ayaw niya talagang umalis sa tabi ko? "Gustuhin man na suwayin ni Joaquin 'yong lalaki pero walang nagawa si Joaquin dahil pwersahan siyang dinala ng mga lalaki paalis. Pero nakiusap si Joaquin na kahit sa huling saglit lang daw 'e masilayan ka nya, kaya pinagbigyan nila siya. Hindi siya umalis sa tabi mo 'nong gabing 'yon at 'don nagsimula 'yong pangako namin sa kanya na ipaparamdam namin sayong hindi siya totoo. Pinlano na namin lahat bago ka pa man magising dahil 'yon na 'yong kahilingan ni Joaquin bago siya umalis. Tinanong namin siya kung bakit kelangan naming gawin 'yon. Ang sabi niya, dahil ayaw niya ng umasa ka sa kanya. May isang binibini raw na nais ipakasal sa kanya na pinili ng Ama niya." Napapikit na naman ako ng mariin at pinipigilan ang paghagulgol ko pero hindi ko kaya. Sobrang sakit. "Kaya patawarin mo kami kung nagawa naming itago sayo. Tinupad lang namin ang pangako namin kay Joaquin. Dahil 'yon rin ang akala namin makakabuti sayo." lumapit si Josh sakin at niyakap ako ng mahigpit. Wala akong karapatang magalit sa kanila dahil ngayon naiintindihan ko na. Hindi rin nila ginusto 'to, dapat pa nga akong magpasalamat sa kanila dahil kahit kailan hindi nila ako iniwan 'e. Kahit papaano rin mas gumaan na ang loob ko, dahil alam ko na ang totoo. Kahit na masakit pa rin sa akin na may ibang tao ng nagmamay-ari sa kanya ngayon. Dahil sa nalaman ko, may rason na ako kung bakit kelangan ko na siyang kalimutan. Kung bakit kelangan ko na siyang pakawalan. Isa-isa nila akong niyakap at humingi sila ng sorry sa akin. Nang si Percy na ang yumakap sa akin, iniwan nila kaming dalawa. "Iwan na muna natin sila." Claire "Oo nga, nakakahiyang makita si Manoy 'e." Bryan "Gago ka talaga!" Fifth "Sabi ko naman sayo 'e. Mas gugustuhin kong sarilihin ang lihim na sobrang makakasakit sayo." sinasabi niya 'yan habang yakap yakap pa rin ako. "Nagpapasalamat pa rin ako na sinabi niyo sa akin ang totoo. Oo, masakit malaman na may iba ng nagmamay-ari sa kanya. Pero mas nawala naman ang bumabagabag sa utak ko kung dapat pa bang maghintay ako sa kanya o hindi." sagot ko naman sa kanya. Humiwalay siya sa yakap ko at pinunasan ang luha ko. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin ang itago sayo ang lahat sa tuwing nakikita kitang wala ka sa sarili mo?" tumango ako sa kanya kaya natawa siya. "Teka, bakit mo nga pala ako iniiwasan?! Tapos di mo pa ako pinapansin!" pinunasan ko ang luha ko tapos tiningnan ko siya ng masama. Napaiwas tingin naman siya tapos napa-atras na kaonti. "Kasi naman, akala ko galit ka sakin 'nong gabi na huli tayong magkausap tapos nahihiya ako sayo." walang pagda-dalawang isip ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. Ang babaw ng rason ng bwisit na 'to! "Loko ka! Alam mo bang sobra sobra akong naghintay sayo!" inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. "Ayusin mo na nga muna yang sarili mo nang makasunod na tayo sa kanila." tumango naman ako sa kanya tapos sinamahan niya muna ako sa kwarto namin ni Claire na maayos ko ang sarili ko at sabay na kaming nagpunta sa hall kung saan 'yong party. Pagkarating namin agad akong niyakap nina Joe at Divine. "Sorry, Dai." sabay nilang sabi kaya niyakap ko rin sila. "Okay lang. Basta hindi niyo na ulit gagawin sakin 'yon ha?" tapos sinamaan ko sila ng tingin. "Promise!" tapos nagsi-apiran kami. Hinila nila ako agad sa table kung asan sina Josh. Niyakap rin ako ni Josh ng sobrang higpit. "H-Hoy! Kanina ka pa ha!" napatingin naman kami kay Percy nang ihiwalay niya ako ng yakap kay Josh. "Ayon! Nagseselos na si Manoy!" Bryan "Bwisit!" Percy na tinapunan ng tissue si Bryan "Sabi ko naman kasi sayo, Baby Bryan, ako na lang pansinin mo 'e." Fifth na nilalandi na naman si Bryan "Sige na nga, Baby." Bryan na inakbayan din si Fifth. "Yuck!" Joe "Mga bakla ba 'tong mga 'to?" Divine "Love, sumayaw na lang tayo." Lienel "Sige, Love." Claire "Doon lang ako ha." Josh "Kakainin mo pa ba 'tong chips, Verns?" Cleo "Hindi na--wag mo ngang isubo lahat yan sa bibig mo!" Vernon Kaya napahilamos na lang kami ni Percy dahil sa kanila. Hay nako, hindi pa rin sila nagbabago. "Gusto mo bang maglakad lakad?" aya sa akin ni Percy. Tumango naman ako kaya umalis kami muna sa Hall. Naglakad lakad lang kaming dalawa sa dalampasigan at pareho lang kaming tahimik. Nagulat naman ako ng hawaka ni Percy ang mga kamay ko tapos hinila niya ako palapit sa isang Yacht. "Tara." tapos ngumiti siya sakin at tinulungan akong makasakay din. "K-Kaninong yate 'to, Perce?" takhang tanong ko nang nasa deck part na kami. "Nirentahan ko kanina." nakangiti niyang sabi. Napangiti naman ako sa kanya. "Halika nga dito." tapos hinila ko siya at niyakap. "Bakit? Namiss mo ako?" tanong niya habang yakap yakap ako. "Sobra. Wag mo na ulit akong iiwasan ha?" sabi ko sa kanya tapos tumango-tango naman siya. Humiwalay na kami sa pagkakayakap at dinama na lang ang hangin na tumatama sa mukha namin. Umaandar na rin ang yacht kaya mas lalo malakas ang hangin. Humarap ako sa dagat tapos inextend ko ang kamay ko. "Sobrang ganda sa pakiramdam ng hangin." sabi ko habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Percy sa likod ko pero hinayaan ko lang siya at nagstay kaming ganon. -- Mahigit dalawang oras na siguro kaming nasa yacht kaya naisipan naming maupong dalawa at tumingin naman sa langit na puno ng stars. "Aray naman, Fifth!" "Wag kang magulo, Bryan." "Cleo, asan na ba tayo?!" "Ha? 'E kanina kita ko naman 'yong isla 'e." Nagkatinginan kami ni Percy nang marinig namin ang mga pamilyar na boses na 'yon. Kaya dali-dali kaming napatingin sa likod namin. "Anong ginagawa niyo dito?!" galit na sigaw ni Percy sa kanila. "Hehe, Hi Percy!" kaway kaway pa si Bryan kay Percy kaya nabatukan siya ni Percy. Pinapunta sila ni Percy sa deck kaya kaharap namin silang apat ngayon. "Pwede niyo bang i-explain kung bakit nandito kayong apat at wala na 'yong dapat na nagpapatakbo ng yate!" napatakip na lang ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Percy. "Eh kasi itong si Bryan nabored sa party at sabing sundan namin kayo. Naexcite naman 'tong si Cleo at Vernon nang makitang sumakay kayo sa yate kaya no choice na rin ako. Tapos pinababa ni Cleo 'yong lalaki kanina, di naman nagreklamo 'yong lalaki kasi nakilala si Cleo na may-ari ng beach." paliwanag ni Fifth. "HINAYAAN NIYONG SI CLEO ANG MAGPAANDAR NG SASAKYAN?" hinawakan ko agad ang braso ni Percy kasi mukhang stress na siya. "So, asan na tayo ngayon?" tanong ni Cleo na parang bata. Napa-facepalm na lang ako. Potek! "Ayon! May mga ilaw 'don oh!" sabay turo ni Bryan sa isang isla na di kalayuan sa amin. Kaya no choice kami na si Cleo ulit ang magpa-andar ng yate dahil siya lang ang marunong sa amin, sadyang wala lang talaga siyang sense of direction. -- Pagkarating namin sa isla, wala masyadong tao. Bumaba na rin kaming anim sa yate tapos naglakad kami kaonti. "Bakit parang walang tao 'tong Islang 'to?" akala ko ako lang nakapansin pati rin pala si Vernon. Napakapit tuloy ako sa braso ni Percy. "Nakapuntos si Manoy." Bryan na nakuha pang mag-biro. "Bumalik na lang tayo sa yate. Huhu, mukhang haunted island 'to." natatakot na sabi ni Cleo "Loko! Edi mas lalo tayong nawala. Wala pa namang navigation 'yong yate." Vernon na hawak hawak ang damit ni Cleo dahil baka mawala na naman siya. "Mukhang curfew hour na nila dito." sabi naman ni Fifth na nakasunod lang sa amin. "Sino kayo?!" napatalon naman kami sa sobrang gulat nang bigla na lang may mga lalaking naka-suot ng army uniform pero makalumang design. Nakatutok sa amin ang mga baril nila kaya napataas tuloy ng kamay ang mga kasama ko, ako naman napatago sa likod ni Percy. "P-Pasensya na kayo. Nawawala kasi kami ng mga kasama ko." lakas loob na sabi ni Percy. "Mga dayuhan! Dakpin sila at dalhin sa selda!" nanlaki naman ang mata naming lahat pero wala na kaming nagawa kundi ang sumunod dahil may mga baril sila. Potek, katapusan na ba naming anim? Huhu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD