Kabanata 24

2066 Words
Apat na oras pala ang biyahe papuntang resort nina Cleo kaya siguradong hapon na kami makakadating 'don. Hanggang ngayon wala pa rin kaming imikan ni Percy. Natutulog na siya at nakasandal sa bintana ng sasakyan tapos may earphone pa rin siya. Nagulat naman ako nang biglang gumalaw ang sasakyan pa-kanan kaya napa-subsob ako sa braso ni Percy. Nagising tuloy siya, potek na Vernon! "Ano ba yan!" reklamo nila. "Pasensya na, may iniwasan lang." tapos nakita ko sa salamin na nakatingin siya sa amin kaya sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas lang siya ng tingin. Mukhang sinadya niya 'yon para mapasubsob ako kay Percy. Umayos na lang tuloy ako ng upo at hindi na tumingin kay Percy. Kinuha ko ang isang unan na dala ko tapos hiniga ang ulo ko dito. Bahala na sumakit leeg ko basta maiwasan ko lang na magkatinginan kami ni Percy dahil nabwi-bwisit pa rin ako sa kanya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil nagising na lang ako nang bigla na namang gumalaw pakaliwa ang sasakyan at naramdaman ko ang isang bisig sa balikat ko. Napatingin tuloy ako kay Percy na mukhang hinawakan ako para hindi ako matumba sa pagkaka-upo. Inalis niya rin agad ang kamay niya at umiwas ng tingin sa akin. Napatingin ulit ako sa rearview mirror at nakita ko ang nakangising si Vernon. Sinasadya niya talaga 'to! Bwisit! Isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan ko at niyakap ang unan na dala ko upang makabalik ako sa pagtulog. -- Nagising naman ako nang maramdaman kong hindi na gumagalaw ang sasakyan. Napatayo agad ako kasi nakatulog akong nakasandal sa balikat ni Percy. Kaming dalawa na lang pala ang naiwan sa loob tapos naglalakad na 'yong iba papasok sa isang kainan. Mukhang manananghalian muna kami dito. Hindi ko na hinintay si Percy at dali-dali na akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa iba. "Oh, akala ko wala na kayong balak na bumaba 'e." Vernon Sinamaan ko siya agad ng tingin at pinalo ko ang balikat niya. Akala niya siguro hindi ko alam na sinasadya niya 'yong biglang pagliko ng sasakyan kanina. "Ang sarap nga ng tulog mo 'e." isa pa 'tong Bryan na 'to na sobra kung mang-asar. "Hay nako. Hayaan niyo na nga sila sa love life nila." "Claire!" saway ko sa kanya tapos nagpeace-sign lang siya sa akin. "Maupo ka na nga dito dahil gutom lang 'yan, Dai." hinila na ako ni Joe paupo sa tabi niya. Maya maya pa dumating na rin si Percy kasabay nina Vernon na kumuha ng drinks namin. Tapos sa tabi ko pa siya naupo kaya tahimik tuloy akong kumakain. "Mukhang masama ang aura ni Manoy." Bryan "Josh, nakita mo ba 'yong mango float kanina? Mukhang masarap." Claire "Kukuha ako mamaya, Sis." Josh "Love, kumain ka pa ng madami." Lienel "Ano ba naman 'tong mga love birds na 'to." Joe "Nagsalita ang single." Fifth "Wag nga kayong mag-away sa harap ng pagkain." Divine "Verns, kakainin mo pa ba yang pipino?" Cleo "Oo, Cleo--teka sabing kakainin ko nga." Vernon Kami lang ata ni Percy ang hindi nakikisali sa usapan nila. Hays. Napahinto naman ako sa pagkain nang tahimik na nilagay ni Percy ang baso ng buko juice sa harap ko. "Potek, favoritism, Tsong!" Bryan "Spell favoritism, Bryan." Fifth "Bias na lang oh!" Bryan "Gago!" Fifth Napa-iling na lang kami sa nag-aaway na Bryan at Fifth. Kahit kelan talaga silang dalawa sobrang kulit. Pagkatapos naming kumain bumili muna kaming girls ng mga pagkain. Nagyaya kasi si Claire kaya pati kami napabili tuloy. Pagkabalik namin sa loob ng sasakyan binigyan namin ang boys ng mga pinamili namin. Walang pasabi ko namang inabot kay Percy ang Otap na binili ko. Pagkaupo ko rin hindi ko na siya tiningnan pa. Rinig kong napabuntong hininga siya pero hindi pa rin siya nagsalita. Sa kalagitnaan ng biyahe namin hindi na ako nakatulog ulit pero 'yong mga kasama ko, sarap na sarap sa pagtulog. Tiningnan ko si Percy kung tulog rin siya pero wrong move dahil nagkatinginan kaming dalawa. Potek! Di pala siya tulog, nakakahiya. Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na siya ulit tiningnan. Napasandal na lang ako ng ulo ko sa upuan ko. Tapos natigilan ako nang biglang kumanta si Percy pero pinipigilan ko pa rin ang sarili kong tumingin sa kanya. Kinakanta niya 'yong boy version sa kanta na Ikaw at Ako. Feeling ko tuloy parang sinasabi lang ni Percy sa akin ang nararamdaman niya sa akin. Patuloy lang siya sa pagkanta habang bumabiyahe kami. Ang ganda talaga ng boses ng bwisit na 'to. Napalingon rin ang iba sa amin pero hindi sila nagsalita. Nakatingin pa rin si Percy sa labas ng bintana kahit na kumakanta siya. Napapapikit na lang ako habang pinapakinggan ang pagkanta niya. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog ulit ako. -- Nagising ako sa ingay na narinig ko kaya agad akong bumangon. Teka, nasa kama ako? Takha naman akong napatayo at lumapit sa bintana. Naglalaro na ng volleyball 'yong mga loko. Mukhang napahaba ang tulog ko. Pero paano ako nakarating dito sa kwarto? Nagbihis na lang ako ng pang-beach ko na damit tapos lumabas na rin ako. Nakita ko si Claire na nag-iihaw ng mga barbeque kaya tinulungan ko siya agad. "Oh? Gising ka na? Akala ko gabi ka na gigising 'e." sabi ni Claire pagkarating na pagkarating ko. "Oo nga 'e. Napasarap ata ang tulog ko." sagot ko naman habang nilalagyan ng sauce 'yong mga iniihaw namin. "Hindi ka na nga pinagising ni Percy sa amin 'e. Binuhat ka na lang niya papunta sa kwarto." natigilan tuloy ako sa sinabi ni Claire. "Si Percy ang nagdala sa akin sa kwarto?" paninigurado ko tapos tumango si Claire. "Bakit ba hindi kayo nagpapansinan na dalawa? Halata namang hindi niyo kayang tiisin ang isa't-isa." natatawang sabi ni Claire. Napakibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta naiinis ako na hindi niya na ako kino-contact, sinundo at mas lalong hindi pinansin. Napatingin tuloy ako kay Percy na topless na naglalaro ng volleyball. Mukhang good mood na siya kasi nakakatawa na siya 'e. Hays, bakit mo nga ba ako iniiwasan, Perce? Talaga bang natauhan ka na at sinusubukan mo ng pigilan ang nararamdaman mo sa akin? Napabuntong-hininga na lang ako at nabalik na lang sa pag-iihaw. Maya-maya pa natapos na silang maglaro kaya pumunta na sila sa cottage namin. "Witwiw! Ang sexy naman ni Hannah." Fifth "Mas sexy ka, Love." Lienel na yumakap agad kay Claire. Ano ba yan! "Ano ka ba, Fifth, gusto mo bang malibing ng buhay?" Bryan "Kelangan niyo ba ng tulong?" Josh "Divine, gumawa muna tayo sand castle. May manyak dito 'e." Joe "Luto na ba yan?" Cleo "Cleo, hilaw pa yan! Aish!" Vernon "Ah, Josh, pwedeng ikaw muna magluto dito?" tanong ko kay Josh. Tumango naman siya at siya naman ang nagluto ng mga iniihaw namin ni Claire. Umalis muna ako 'don sa cottage kasi naman umupo sa mismong harap ko si Percy edi hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Hays. Naglakad lakad na lang muna ako sa dalampasigan para naman magkaroon nga peacefulness ang isip ko, ang ganda talaga panoorin ng sunset kapag nasa beach. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at inupuan ito saka ako tumingin sa papalubog na araw. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit kelangan nila itago sa akin ang tungkol kay Joaquin. Bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang tungkol kay Joaquin? Bakit sila nagpe-pretend na hindi nila kilala si Joaquin? Kahit anong isip ko ng dahilan hindi ko talaga maisip kung ano 'yon. Isa pang bumabagabag sa isip ko, bakit iniwan ako ni Joaquin? Bakit hindi niya lang man hinintay na magising ako? Talaga bang wala lang ako sa buhay niya? Talaga bang wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin? Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko. Tumayo na lang ako ulit para maglakad na naman. Kahit anong paglimot ang gawin ko kay Joaquin, ang hirap niya talagang kalimutan. Hindi naman ako ganito kay Lienel dati. "Bakit ba ako nagkakaganito dahil sayo?" wala sa sariling tanong ko tapos bumuntong hininga na ako. Napatigil lang ako sa pagda-drama ko nang may nakita akong tatlong mangingisda na paalis ng bangka nila. Hindi ko makita ang mukha nila kasi nakatalikod 'yong dalawa sa akin tapos naka-sumbrero 'yong isa. Mukhang maghahanap na sila ng isda para sa hanapbuhay nila. Naalala ko tuloy sina Mang Antonio at Mang Cardio, kahit anong hanap ko sa kanilang dalawa hindi ko pa rin sila mahanap. Kumuha ako ng isang puting bato at tinapon sa dagat. Nagulat naman ako nang bumagsak 'yon banda sa tatlong mangingisda. Haharap na sana sila sa akin pero nagulat ako nang may humila sa akin at may humawak sa kabilaang pisngi ko at isang malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Nanlaki na lang ang mata ko sa nangyari, hinahalikan ako ni Percy! "Mukhang magka-galit ang dalawang magkasintahan na 'yon oh." "Oo nga, nananabik na tuloy ang puso kong makauwi. Ikaw, Ginoo?" "Ha? U-Umuwi na tayo at baka gabihin pa tayo." Humiwalay si Percy sa akin at gulat pa rin ako sa ginawa niya. Tatalikod na sana ako sa kanya pero hinawakan niya ulit ang kamay ko, punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "H-Hinahanap ka na nila." sabi niya sabay hila sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may umuudyok talaga sa akin na lumingon at tingnan 'yong tatlong mga mangingisda kanina. Pero nang mapalingon ako sa kanila, medyo malayo na sila sa amin pero pansin ko ang isang lalaki na nakatingin pa rin sa akin. Hila-hila pa rin ako ni Percy pagkarating namin sa cottage. "Oh andito na pala ang dalawa! Tara na't kumain." hiyaw ni Vernon. Nagsimula naman silang kumain agad. Ako naman, sinusubukan pa ring ibalik ang sarili ko. Kasi naman hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Bumabagabag sa akin 'yong halik ni Percy at 'yong mangingisda kanina. "Oy, Hannah! Ito plato oh." sabay abot ni Divine sa akin ng plato kaya kinuha ko naman. "Okay ka lang?" tanong naman ni Joe. Ngumiti naman ako at tumango. Napapatingin ako kay Percy pero patay malisya lang talaga siya. Bwisit ka talaga! "After nito punta na tayo agad 'don sa party." sabi ni Cleo kaya naghiyawan ang mga loko. Hindi na kasi kami nakaabot sa formal party kasi hapon na nang dumating kami tapos tanghali pa pala 'yong opening. Kaya naman sa party na lang kami pupunta. Pagkatapos naming kumain nagpunta na kami sa mga kwarto namin. Magkasama kami ni Claire sa kwarto dahil si Divine at Joe naman sa kabilang kwarto. Si Lienel at Josh naman ang magkasama, Si Cleo at Vernon naman, Si Bryan at Fifth ang huling pair kasi si Percy mag-isa lang daw sa isang room. Nagsuot lang ako ng isang floral dress para sa party tapos naglagay din ako ng light make-up. Napatigil ako sa pagli-lipstick nang maalala ko ang halik ni Percy kanina. Hinawakan ko ang labi ko at napapikit ng mariin. "Hannah, you okay?" napatingin naman ako agad kay Claire. "Ah oo." mabilis na sagot ko at inayos ang sarili ko. "Kanina ko pa kasi napapansin na wala ka sa sarili mo." "May iniisip lang ako." honest kong sagot habang sinusuklay ko ang buhok ko. "Who? Percy?" napatango naman ako sa sinabi niya. "Alam mo, nafi-feel ko na mas umaapaw pa rin ang pagkakaibigan niyo ni Percy kaya baka naco-confuse lang siya sa feelings niya sayo." "Kasi naman hindi ko lang maintindihan kung bakit niya kelangang umiwas sa akin." Nakatungong tanong ko. "You better talk to each other na lang dahil misunderstanding lang 'yan, okay?" Tapos pinat ni Claire ang balikat ko kaya ngumiti ako sa kanya. "Mauuna na ako sa baba ha? Magbihis ka na dyan." paalam ko sa kanya tapos dumiretso na rin siya ng banyo. Pagkalabas ko ng kwarto namin napadaan ako sa kwarto ni Percy at napatigil ako nang marinig ko ang boses nina Josh. "Bakit kasi kelangan pa nating itago sa kanya? Nahihirapan na akong makita siyang nasasaktan!" Percy "Perce, nangako tayo. At mas makakabuti 'to kay Hannah." Josh "Alam ko naman 'yon 'e. Pero kasi, doble 'yong sakit na nararamdaman ko kapag nasasaktan siya." Percy "Mahal mo talaga siya, ano?" Lienel "Hindi ba halata?" Percy "Nahihirapan rin naman kami 'e. Pero natago na rin naman natin ng dalawang taon." Josh "Oo nga, Perce. Makakalimutan niya rin si Joaquin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD