Kabanata 23

1722 Words
Nasa labas na kami ng bar ni Fifth dahil pauwi na kami. Ako na ang nagprisintang magda-drive pauwi kay Percy at Vernon. Habang si Cleo naman ang mag-uuwi kay Fifth at Bryan. "Ingat sa pagmamaneho, Cleo." "Ikaw rin." tapos sumakay na kami sa kanya-kanyang kotse. Madadaanan pa naman namin ang bahay nina Vernon bago kay Percy kaya nag-doorbell lang ako sa bahay nila. Lumabas naman agad ang kapatid na lalaki ni Vernon at kinuha si Vernon at nag-than you sa akin. Sanay na rin naman kasi siya na ako ang naghahatid kay Vernon kaya hindi na bago sa kanya. Sunod ko namang hinatid si Percy. Pinagbuksan agad kami ng gate kaya pinasok ko na rin ang kotse niya. "Nako naglasing na naman ang isang 'to!" rinig kong reklamo ng Tita Amanda, Mommy ni Percy. "Goodevening, Tita." nagbeso ako sa kanya bago ko binuksan ang pinto ng kotse kung asan si Percy. Pinagtulungan naman agad ng guard at ni Phoenix, kapatid ni Percy na buhatin siya papuntang kwarto niya. "Pumasok ka muna, Hija at mag-kape." sabi naman ni Tita Amanda kaya sumunod rin ako sa kanila. "Tita, ako na lang mag-aasikaso kay Percy muna." presenta ko. "Sige, dadalhin ko na lang ang kape sa taas." Sumunod naman ako agad sa kwarto ni Percy, hindi na talaga bago sa akin 'to kasi ganito naman lagi ang scenario namin kapag lasing si Percy kaya sanay na rin si Tita Amanda sa akin. Pagkarating ko naman sa kwarto ni Percy, nabihisan na siya ng tshirt at short ni Phoenix. "Ate, ito oh." inilapag ni Phoenix ang towel at bowl na may maligamgam na tubig. "Thank you, Phoenix." tapos umalis na rin siya. Dumating rin agad si Tita Amanda na may dalang baso ng kape tapos lumabas rin siya dahil may inaasikaso pa daw siyang mga papers. Kaya naiwan akong mag-isa kasama si Percy. Pinunasan ko na muna ang paa ni Percy tapos ang mga kamay niya. Kumuha rin ako ng panibagong towel para pampunas sa mukha niya. "Love, hmmm.." nagsi-sleeptalk na naman siya. Hindi ko tuloy mapigilang isipin ang tungkol kay Joaquin. Feeling ko kasi talaga may alam sila pero nililihim lang nila sa akin. Sa loob ng dalawang taon, napagod ako sa kakatanong sa kanila, pero never nagbago ang feelings ko kay Joaquin. Kahit na pinipilit nilang magpa-psychiatrist ako dahil baka cause ng trauma ko si Joaquin pero hindi ako pumayag. "May nililihim ka ba sa akin, Perce?" wala sa sarili kong tanong habang pinupunasan ang mukha niya. "Meron." mahina lang 'yong sagot niya pero rinig ko dahil sa sobrang tahimik ng paligid. "A-Ano, Perce?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung tulog talaga siya o nagtutulog-tulogan lang. "Secret." parang bata niyang sagot kaya napakunot ang noo ko. Gising ba 'to? "Akala ko ba walang lihiman sa isa't-isa?" kunwaring tampong tanong ko. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko na nagpupunas sa mukha niya. "Mas gusto kong sarilihin ang lihim na 'to kesa hayaan kang masaktan." seryoso niyang sagot kahit na nakapikit pa rin siya. Tapos hinalikan niya ang kamay kong hawak hawak niya. "Tungkol ba ito kay Joaquin?" alam kong natigilan siya sa naging tanong ko pero hindi siya sumagot at nagpretend nag natutulog. Sobrang bigat na naman ng pakiramdam ko. Nang masiguro kong tulog na talaga si Percy ay nagpaalam na ako kay Tita Amanda na uuwi na ako. Nag-taxi na lang ako pauwi dahil kotse ni Percy 'yong ginamit namin kanina. Pagkauwi ko parang wala ako sa sariling naglakad papasok ng kwarto. Nagbihis lang ako ng pantulog ko tapos nahiga agad ako sa kama ko. Kusa na namang tumulo ang luha ko at napahikbi na ako dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. "Bakit kelangan ka nilang ilihim sa akin, Joaquin? Ang duga mo naman. Hindi ka lang man nagpaalam sa akin na aalis ka. Pagkatapos kitang tulungan na gagong mokong ka, iiwan mo ako ng basta basta! Sabi mo hindi mo ako iiwan? Nangako ka na kapag kailangan kita, nasa tabi lang kita. Pero bakit ganito? Bakit wala ka?" Napapaiyak na talaga akong sobrang lakas kaya tinakpan ko ang mukha ko ng unan. *blag* Napatayo agad ako nang makarinig ako ng pagbasag sa labas. Dali-dali akong lumabas ng bahay at pina-on ang ilaw. May nabasag na pot ng bulaklak sa labas ng kwarto ko. Kinabahan tuloy ako dahil baka may magnanakaw. "Meow." "Ay pusa ka!" napahawak ako sa puso ko nang dumaan ang isang pusa sa harap ko. "Bwisit kang pusa ka! Kinabahan ako sayo, nakabasag ka pa ng flower pot! Psh!" pumasok na lang ako ulit sa bahay at hinayaan na ulit ang sarili kong malunod sa sarili kong luha. -- Sabado na ngayon at bukas na kami aalis papuntang beach resort nina Cleo. Kaso nagtatampo ako kay Percy dahil pagkatapos 'nong gabi na hinatid ko siya sa bahay nila na lasing na lasing siya 'e hindi niya na ako kino-contact o sinusundo man lang. Nakakabwisit! "Hannah, wag mo namang i-m******e yang dough!" pigil sa akin ni Joe na nagwi-whisk ng itlog. Nandito silang tatlo ngayon sa bahay ko dahil usapan nga namin 'e kami na girls ang bahala sa ibang kakainin namin. "Bwisit kasi 'yong Percy na 'yon. Pagkatapos ko siyang ihatid sa bahay nila na lasing na lasing 'e hindi na nagparamdam sa akin!" inis kong sagot habang pinagsusuntok pa rin ang dough. "Yieee~ Nami-miss niya si Percy!" tiningnan ko naman ng masama agad 'tong si Divine. "Talaga, Han? Ba't kasi di na lang kayo maglevel-up pa ni Percy?" Isa pa 'tong buntis na Claire na 'to. "Alam niyo, hindi na talaga hihigit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko kay Percy." sagot ko sa kanilang tatlo. "Edi baka nagpakalayo-layo na muna sayo si Percy." takha naman akong napatingin kay Joe. Bakit naman siya lalayo? "Dahil baka narealize niya ng hindi mo na talaga kayang suklian ang love na binibigay niya sayo." sagot naman ni Divine na parang nabasa ang isip ko. "Hmmm, I think it's possible. Kasi naman sa 2 years na magkasama kayo, laging ikaw ang apple of the eye niya." gunita pa ni Claire. Hindi na ako sumagot sa kanilang tatlo. Ganon ba 'yon? Pero una palang din naman napag-usapan na rin namin ni Percy kung anong status namin 'e. Pero ang duga niya naman para iwasan ako ng basta-basta! Bumalik na lang ulit ako sa pagluluto at inalis ko na lang muna ang pagkakabwisit ko kay Percy. Humanda talaga siya bukas dahil hindi ko rin siya papansinin! Pagkatapos ng ilang oras tapos na kaming magluto ng mga dadalhin namin. Napag-usapan rin namin na dito kami sa bahay magtitipon-tipon para hindi na ako mahirapan bitbitin ang mga pagkain. Naisipan rin naming apat na mag-korean drama marathon para daw mapaglihian ng loka-lokang si Claire ang mga koreans. "Mag-iimpake muna ako ha." paalam ko sa kanilang tatlo. "Hindi ka pa nakaka-impake?" Divine "Kakasabi ko lang nga, diba?" pilosopo kong sagot tapos pumasok na ako ng kwarto ko at nag-ready na ng mga damit ko. 3 days and 2 nights ang usapan namin na pagse-stay sa resort nina Cleo kaya medyo maraming damit ang kelangan iprepare. Habang naghahanap ako ng ibang tshirts ko, nahila ko ang isang paper bag na naglalaman ng mga tshirt ni Joaquin. Ito rin ang isa sa mga ebindensya na pinanghahawakan ko kung bakit sinasabi kong totoo si Joaquin pero sinasabi naman nila Joe sa akin na baka daw sa Papa ko 'to. Pero imposible, dahil amoy na amoy ko pa rin ang mabangong amoy ni Joaquin sa damit na 'to. Kaya nagdala rin ako ng ilang damit ni Joaquin para hindi ako masyadong mag-iiyak 'don. Tinago ko kasi 'tong mga damit niya kasi akala ko kapag ginawa ko 'yon ay makakalimutan ko siya agad. Pero hindi pa rin pala effective. Kasi kahit anong gawin ko, si Joaquin pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Kahit na sobrang OA ko talaga kasi isang linggo lang naman kaming nagkasama pero sobrang tumatak siya sa isip at puso ko. Nang mag-gagabi na nagpaalam na sa akin ang tatlo na uuwi na sila. "Joe, peram muna ako ng phone mo. May ipapasa ako sayo." takha namang inabot ni Joe sakin ang cellphone niya. Pfft. Ipapasa ko sa kanya 'yong records 'nong nag-inuman kami nina Fifth. "Ayan. Pakinggan mong mabuti ha?" tapos inabot ko sa kanya 'yong phone niya. Then nagpaalam na rin silang tatlo at umuwi na. -- Kinabukasan -- Nagpe-prepare na ako ng mga dadalhin namin para mamaya. Tapos nilagay ko na rin sa labas 'yong mga pagkain na hinanda namin na girls pati na rin ang mga gamit ko. Naka-abang na ako sa labas ng gate at hinihintay na lang sila. Sabi kasi ni Claire, susunduin daw sila ni Percy isa-isa para hindi na sila magdala ng kotse papunta dito sa bahay kaya ako ang huli nilang dadaanan. Maya maya pa dumating na ang isang mini-bus. At kita ko na silang lahat sa loob. Si Vernon ang nagda-drive, so asan si Percy? Ay ayon ang loko, nasa pinakahuling upuan. Psh! Bumaba naman sina Bryan at Josh para tulungan ako sa pagpasok ng mga pagkain sa loob ng mini bus at ng mga gamit ko. "Welcome, Hannah." Vernon "Kumplito na tayo!" Joe "Ay hindi, kulang pa siguro. Tss." Fifth "Epal talaga." Joe "Pagkain ba yan?" Cleo "Yon! Hindi na lonely si Manoy!" Bryan "Ang gugulo niyo!" Josh "Wag mo silang pakinggan, Babe, masama sa baby natin." Lienel "Sige, Babe." Claire "Makatulog na nga lang." Divine Napakamot na lang ako sa ulo pagkapasok ko ng sasakyan kasi sobrang ingay na agad nila. Napatingin naman ako sa mga upuan, potek. Wala ng ibang mauupuan kundi sa tabi ni Percy. Kasi naman magkatabi na sina Lienel at Claire, Divine at Joe, Bryan at Fifth, Josh at Cleo, tapos si Vernon naman ang nagda-drive. No choice tuloy na maupo sa tabi ni Percy. Nakatingin lang siya sa bintana tapos naka-earphone pa. Wala talaga siyang balak pansinin ako? Nakakabwisit! "Let's go mga tsong!" sigaw ni Vernon tapos pina-andar niya na ang sasakyan. Napatingin naman sa gawi ko si Fifth tapos sinenyasan niya ako na kausapin ko daw si Percy. Pero di ko na 'yon pinansin. Kung ayaw niya akong pansinin edi wag! Hindi ko siya magets! Wala naman akong nasabing masama para hindi niya ako pansinin 'e! Kaya manigas siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD