Kabanata 22

1956 Words
Nandito ako sa Mall ngayon at hinihintay si Percy, nagpapasama kasi siyang mag-shopping. At tapos na rin naman ang trabaho ko kaya sinamahan ko na rin siya tsaka ililibre niya raw ako ng Yakimix kaya pumayag agad ako. "Hi, Love. Kanina ka pa ba?" sinamaan ko agad ng tingin ang loko. Ilang beses ko na siyang pinagsasabihan na wag akong tatawagin na 'Love' dahil baka ma-misinterpret nang mga makakarinig at mapagkamalang mag-jowa kami. "Oo kanina pa ako at ilang beses na ba tayong nag-usap na wag na wag mo akong tatawaging 'Love.'" "Aray aray!" hinila ko kasi ang tenga niya habang naglalakad kami. "Masakit!" reklamo niya kaya binitawan ko na rin. Tinawanan ko lang siya habang himas himas niya ang tenga niya. "Halika na nga, Love!" tapos inakbayan niya ako. Tiningnan ko na lang siya ng masama tapos nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Huminto kami sa isang accessory botique. "Naba-bakla ka na ba, Perce?" natatawang tanong ko kaya siya naman ang masamang tingin sa akin. Nag-peace sign naman ako agad. "Pumili ka ng kahit ano, libre ko." takha naman akong tumingin sa kanya. Aba! Himala ata. "Sweldo mo ba ngayon?" tanong ko habang naghahanap na nang magandang bracelet. "Ayaw mo bang nili-libre kita?" tapos nag pout pa ang loko kaya hinila ko 'yong bibig niya tapos nang pinalo niya na ang kamay ko 'e inalis ko na rin at bumalik na sa pamimili. "Hindi naman sa ganon pero sige, ito! Bracelet, gusto ko 'to." turo ko sa isang bracelet na may design na moon. "Moon? Bakit naman moon?" pagtatanong ni Percy tapos kinuha niya 'yong bracelet at binayaran rin naman. "Kasi in the midst of darkness, moon shines so bright!" parang batang sabi ko sa kanya tapos kinuha ko sa lalagyan ang bracelet at nilagay na sa kamay ko. Pero kinuha ni Percy ang bracelet at siya na ang naglagay. "Then can I be your moon?" tanong niya habang nilalagay pa rin ang bracelet sa kamay ko. Napangiti naman ako tapos ginulo ko ang buhok niya. "Yah! Pinaghirapan kong ayusin 'tong buhok ko tapos guguluhin mo lang." reklamo niya habang inaayos ang buhok niya pero tinawanan ko lang siya. "Maayos na pala yan? Pfft." Tinalikuran ko na siya agad dahil baka makutusan pa ako 'non. "Punta naman tayong department store. Bibili ako ng tshirts." Pagkarating namin ng Department Store para namang tinutusok ang puso ko, naalala ko 'yong mga panahon na dinala ko dito si Joaquin. Napaka-totoo talaga sa pakiramdam kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi nilang hindi siya totoo at hindi nila siya kilala. "Hey! Spacing out ka na naman." napabalik naman ako sa sarili ko nang magsalita si Percy. "Ha?" "Hakdog." sinamaan ko siya agad ng tingin at binatukan siya. Bwisit na 'to. Hinila ko na lang siya sa shirt section at tinulungan ko siyang pumili. Wala kasing taste sa fashion 'tong isang 'to. "Bagay ba 'to sakin?" tapos pinakita niya ang isang shirt na may nakalagay na 'Ikaw love ko.' + "Pangako, Binibini. Itaga pa sa puso ko." nakangiti si Joaquin habang sinasabi niya 'yon. "Bakit naman ako ang nilagyan mo ng cross?" parang timang lang. "Kasi ikaw ang puso ko." parang tambol na naman ang puso kk sa sinabi niya. + "Woy!" nagulat naman ako sa tshirt na tumama sa mukha ko. "Tulala ka na naman dyan!" sinamaan ko agad ng tingin si Percy at tinapunan ng tshirt na hawak ko. "Bwisit!" inis na sabi ko at pinalo siya pero tinawanan lang ako ng loko. Pagkatapos naming makabili ng mga tshirts na napili ko para sa kanya nag-yaya naman ang loko na maglaro kami sa Quantum. Napahilamos na lang ako ng mukha ko nang wala na akong magawa kasi hinila niya na ako tapos bina-blackmail niya pa sakin 'yong panlilibre niya mamaya ng pagkain. Bumili na si Percy ng mga tokens tapos naglaro muna kami sa claw machine. "Ang daya!" inis kong sabi nang mabitawan ng claw 'yong spongebob na stuff toy. "Wag na tayo dito. Dinuduga tayo ng bwisit na claw machine na 'to." reklamo rin ni Percy kaya tumango tango ako para pagsang-ayon. "Panoorin mo akong magshoot, Love. Siguradong shoot lahat 'to." pagyayabang ni Percy na nasa harap na ng basketball. Inirapan ko na lang ang loko at pinanood na lang nga siya. Magaling nga siya sa paglalaro pero syempre di ko sasabihin sa kanya 'yon. Baka mas lalo pang lumaki ang ulo niyan 'e lipadin na talaga. Habang nanood ako kay Percy na naglalaro nagulat naman ako sa pagsulpot ni Cleo sa tabi ko. "Cleo? Anong ginagawa mo dito?" takhang tanong ko. Si Percy naglalaro pa rin at hindi pa napapansin si Cleo. "Ang galing talaga ng gago maglaro. Hannah, pwede mo ba akong ihatid sa yakimix? Nag-CR lang kasi ako tapos 'yong tatlong gago nauna na sa Yakimix. Sabi nila sumunod na lang daw ako. Kaso ano.. ahmm.. basta nakita ko na lang kayo ni Percy dito kaya sinundan ko kayo." napakamot pa siya sa batok niya. Mukhang nawala na naman ang isang 'to. Baliw rin 'yong mga kaibigan niya na alam na nga nilang no sense of direction 'tong isa 'e iniwan pa. Hay nako. "Hay nako! Hintayin na lang natin 'tong si Percy matapos maglaro tapos sumunod na tayo 'don sa tatlo kasi kakain rin naman kami 'don ni Percy." tumango-tango naman na parang bata 'tong si Cleo. "Kita mo 'yon, Love?--eh? Cleo?" takhang tanong ni Percy pagkakita niya kay Cleo. "Yong magagaling mong mga kaibigan, iniwan si Cleo sa CR kaya ayan." paliwanag ko kay Percy. Napa-facepalm naman ang si Percy. Si Cleo naman nakayuko lang at nilalaro ang kamay niya. "Babatukan ko talaga 'yong tatlong 'yon." rinig pa naming sabi ni Percy saka siya naunang maglakad sa amin kaya hinawakan ko na sa braso si Cleo at sumunod na kay Percy na nag-iinit na ang ulo 'don sa tatlo. Pagkarating namin ng Yakimix nakita agad namin 'yong tatlo. Walang pagdadalawang-isip na binatukan ni Percy ang tatlo. "Aray naman, Perce!" Vernon "Bakit ba nambabatok ka--oh Cleo andito ka na pala!" Fifth "Himala ata nakasunod ka agad, Cle!" Bryan "Anong nakasunod? E samin sumunod 'yang isang 'yan!" inis na sabi ni Percy. "Andito ka pala, Hannah, maupo ka." di na nila pinansin ang nagre-reklamong si Percy at umupo na rin kaming tatlo. At sinimulan na namin ang pagkuha ng pagkain. Kumuha muna ako ng garlic rice, chicken wings at vegetable salad. Pagkabalik namin ng table kanya-kanyang kain kaagad kami. "Kinuhaan na rin kita ng buko juice." tapos nilapag ni Percy sa harap ko ang favorite juice ko. "Thank you." "Naks! Pumopogi points si Manoy!" Bryan "Love ngang tawagan nilang dalawa 'e." Cleo "Ano ka ba, Cleo, love na pagkakaibigan lang 'yon." Fifth "Kay Hannah lang 'yong love na kaibigan, Fifth." Vernon "Hindi ba talaga kayo titigil?" Percy na nakaturo na sa apat 'yong tinidor na hawak niya. Napatawa na lang talaga ako sa kanilang lima. "Ito kasing si Vernon, Perce 'e." Bryan "Oo nga si Vernon lagi kang inaasar." Fifth "Kakainin mo pa ba 'yang chicken wings mo, Verns?" Cleo "Bakit ako na naman? Oo, Cleo--wag mo ngang damputin yan gamit ang kamay mo!" Vernon Sabay kaming napahilamos ni Percy dahil sa apat. Kaming table ang sobrang ingay dahil sa kanilang apat. Ang sakit sakit nila sa ulo. Pagkatapos naming kumain nag-aya naman itong si Fifth ng round two, which means inuman sa bar na pagmamay-ari niya. "Gusto mo na bang maunang umuwi? Ihahatid na lang muna kita." malambing na tanong ni Percy sa akin habang naglalakad kami papuntang parking lot. "Hindi, okay lang. Night shift pa naman ako bukas." nakangiting sagot ko naman. "Ikaw, Fifth? Gusto mo na bang magpahinga, Baby?" Bryan in malanding boses. "It's okay, Baby. Basta ikaw kasama ko." Fifth na hinimas pa mukha ni Bryan. "Kadiri kayo, mga bakla!" Vernon na diring-diri sa dalawa. "Pakidamihan ang pulutan sa bar mo, Fifth ha?" Cleo na hindi pa nabubusog. Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa kanilang apat. Hanggang sa makasakay kami sa kotse itong si Bryan at Fifth hindi pa rin tumitigil sa kalandian nila. Magkasama naman sa sasakyan si Cleo at Vernon dahil hindi raw nila masikmura ang kabaklaan ng dalawa at ang kalandian namin ni Percy kahit na wala naman talaga. -- Pagkarating namin sa bar ni Fifth pumunta agad kami sa third floor which is the VVIP floor at syempre, para sa amin 'yon. Kapag may mga birthdays ang isa sa barkada, kasama sina Joe, Divine, Lienel, Claire at Josh 'e dito kami nagtitipon-tipon. Meron na agad mga drinks sa table, puro hard drinks sa kanilang lima habang sakin naman 'e 'yong light lang, hindi naman kasi ako alcoholic na tao. "Para sa mga walang love life!" sigaw ni Fifth kaya nagtawanan kami tapos nag-cheers kaming anim tapos nagsimula na silang magpakalasing. Nakaka-ilang shots na sila kaya medyo tipsy na sila maliban kay Cleo na puro kain lang at hindi rin masyado umiinom katulad ko. "Ba't kasi nagloko ka kay Joe?" tanong ni Vernon out of nowhere. "Hindi raw kasi ako foreigner! Bwisit na foreigner na 'yan! Kung pwede lang akong magpa-turok ng dugong foreigner 'e gagawin ko nga para sa kanya!" mukhang lasing na nga ang isang 'to. Pfft. Mukhang inlove pa rin si Fifth kay Joe ah. Nilabas ko agad ang cellphone ko at ini-on ang recorder. Mas mabuti na 'yong may evidence para hindi na niya ma-deny. Bwahahaha! Gusto ko kasi talaga si Fifth para kay Joe kasi simula 'nong magka-M.U. silang dalawa 'e tumigil na sa pamba-babae itong si Fifth at nakapag-focus na rin sa trabaho. "Edi magpaturok ka, gago!" Bryan na pupungay-pungay na ang mga mata. "Pare-pareho lang kayong mga torpe, pwe!" napatingin naman ako kay Percy na lasing na rin at namumula na ang mukha. "Atleast hindi friendzone!" sabay sabay na sigaw 'nong tatlo. "Pwede pa bang magpa-dagdag ng popcorn dito?" tanong ni Cleo nang maubos niya 'yong bowl ng popcorn. "Friendzone mo daw ako, Love?" napatawa naman ako sa mukha ng gagong Percy. Hahahaha! Para kasi siyang bata sa pagkakatanong niya tapos nag-pout pa ang bwisit. "Hindi ba halata?" natatawang tanong ko sa kanya tapos mas lalo pa siyang nag-pout. "Alam mo naman kasing inlove pa rin si Hannah sa past niya!" natigilan naman ako sa sinabi ni Bryan. "Anong past? Si Lienel? 'E ikakasal na 'yon, gago!" Fifth "Hindi si Lienel ang tinutukoy niya! 'Yong isa!" Vernon "Ah 'yong--ashdgkjhl!" hindi na natuloy ni Fifth ang sasabihin niya kasi nilagyan na ni Cleo nang napakaraming popcorn ang bibig niya. Pati sina Vernon at Bryan, sinubuan niya na rin. May tinatago ba sila sa akin? "W-Wag mong intindihin ang sinasabi nila, Hannah. Lasing na sila at puro nonsense na lumalabas sa bibig nila." Mabilis na sabi ni Cleo. Nagpatay malisya na lang ako na hindi ako interesado. Kahit ang totoo, kating-kati na ang dila ko. "Oo nga, Love. Ako na lang intindihin mo." Parang bata na naman na sabi ni Percy tapos sumandal siya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang siya. "Landi ng bwisit na 'to!" tapos tinapunan ni Bryan ng popcorn sa mukha si Percy. Nagulat naman ako nang kainin ni Percy 'yong popcorn na galing sa bibig ni Bryan. "Bakit ibang lasa ng popcorn na 'to?" nakapikit na tanong ni Percy habang nginunguya 'yong popcorn. Natawa na lang talaga ako, bwisit na mga 'to talaga. "Joe, bakit?!" Fifth na nagda-drama na. "Ligawan mo na kasi ulit ! Torpe!" Vernon "Gusto niya ng mga Christian Grey na katawan! Putangina, sino ba 'yang gagong Christian Grey na yan?!" Fifth At hindi ko na ide-detalye ang mga pinagsasabi nila dahil napapa-SPG na. Patay malisya na lang akong tumingin sa dancefloor at iniisip pa rin ang sinabi nila kanina. Bakit ba nila nililihim sa akin ang tungkol kay Joaquin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD