Kabanata 21

1709 Words
-- 2 years later... -- Inayos ko na ang gamit ko at inilock na ang locker ko. Inayos ko na muna ang damit ko at naglagay rin muna ako ng lipstick saka ako naglakad palabas ng Hospital. Nakita ko naman agad ang isang lalaki na nakasandal sa kulay itim na kotse na mukhang bago na naman. "Kelangan ba talaga na everytime na kumakain tayo 'e bago ang kotse mo?" natatawang sabi ko kay Percy habang papalapit ako. Nag-beso naman ako agad sa kanya tapos pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse at pumasok na rin ako. Pagkapasok niya naman ng kotse agad niyang nilagay ang seatbelt sa akin. "Bakit ba sa tuwing lalabas tayo 'e hindi 'date' ang sinasabi mo?" napa-irap na lang ako sa kanya. "I told you, Percy. Not interested." sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko. "I know, I know." natatawa niya namang sabi tapos pinaandar na ang kotse niya. Ganito lang ang set-up namin ni Percy sa loob ng dalawang taon. We're bestfriends and hanggang doon na lang 'yon. Umamin na siya sa akin ng nararamdaman niya pero I rejected him. Not because of his attitude but because of someone. Dahil sa isang tao na kahit lumipas na ang dalawang taon ay hindi ko pa rin nakalimutan, si Joaquin. Mukhang seryoso talaga silang lahat na hindi nila kilala si Joaquin at hallucinations ko lang ang lahat tungkol kay Joaquin. Kaya paglipas ng ilang buwan, sinarili ko na lang ang nararamdaman tungkol kay Joaquin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Lumipas man ang dalawang taon, naniniwala pa rin akong totoo siya. Kahit na maiksing panahon lang kaming nagkasamang dalawa. Sinubukan kong hanapin 'yong dalawang mangingisda na tumulong kay Joaquin na makabalik ng Isla de Maharlika pero wala na sila sa bahay nila at wala ng balita ang mga tao sa kanila sa palengke. Lumipat na raw ng bahay. Gusto ko mang humingi ng tulong kay Tita Helen kaso nag-migrate na rin sila ng pamilya niya sa Canada at buong pamilya namin 'e wala ng contact sa kanya. Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin akong may isang tao na makakaalala kay Joaquin. Na sana hindi pa huli ang lahat sa aming dalawa. "Hey! Day dreaming again?" napabalik ako sa sarili ko nang magsalita si Percy. "Nandito na tayo." tapos lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan niya na ako ng pinto. Pagkalabas ko ay inilahad niya sa akin ang braso niya at hindi naman ako nagdalawang isip na humawak dito. Saka kami pumasok sa loob ng hotel, kung saan gaganapin ang engagement party nina Lienel at Claire. "Hannah!" napatingin naman ako sa kanan ko nang makarinig ako ng familiar na boses. "Joe! Divine!" tapos lumapit na ako sa kanilang dalawa at yumakap. Namiss ko silang dalawa ng sobra kasi sobrang busy na namin sa trabahong tatlo tapos hindi pa kami same ng Hospital na pinagta-trabahohan. "Buti naman nakapunta ka." sabi ni Joe. "Oo naman 'no. Baka magtampo sa akin si Claire." natatawang sabi ko naman. "Oo nga, ang loka buntis na pala ng tatlong buwan." halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Divine. "Seryoso?" gulat na gulat kong tanong at sabay pa silang nagtangoan. "Hi Girls." "Hi, Percy!" sabay pa nilang bati kay Percy na lumapit na rin sa amin. "Nagkakamabutihan na kayong dalawa ha?" tukso ni Divine kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ka ba! Alam mo namang reserve na si Hannah." "Ladies and Gentlemen!" Hindi ko na narinig ang sinabi ni Joe kasi bigla nang nagsalita ang MC kaya naman naupo na kaming apat dahil mukhang magsisimula na. Madami pang sinabi ang MC tungkol sa mga businesses about bago niya tinawag si Lienel at Claire sa stage kaya pagkalabas ng dalawa agad na nagpalakpakan ang lahat. Sobrang saya kong makita na nagkatuluyan na talaga 'tong dalawa. "Ang ganda ng buntis. Baka girl ang baby." rinig kong sabi ni Joe. "Oo nga 'no? Sana magmana kay Claire para maganda rin ang features." ang ever supportive Divine. "Ano ba kayo, maganda rin naman ang features ni Lienel kaya paniguradong perfect combo." pagsingit ko sa usapan nilang dalawa. "We are very happy to welcome you all to our engagement party. At the same time, we are pleased to announce to you all that we are expecting a baby coming soon! My fiance, Claire, is 3 months pregnant." tapos naghiyawan ang lahat dahil sa announcement ni Lienel. "Kiss kiss!" sigaw naming lahat. Nahiya pa ang dalawa bago sila nag-kiss tapos nagpalakpakan kaming lahat. Then, the party started. Habang kumakain kami dumating sina Fifth, Vernon at Bryan. "Asan si Cleo?" tanong ni Percy sa tatlo pero imbis na sumagot nagtawanan ang tatlo. Okay, mukhang gets ko na. Paniguradong naligaw na naman si Cleo. "Ano pa bang aasahan mo sa isang 'yon?" sagot ni Fifth na kumukha na ng pagkain. "Dapat ata hindi navigation iregalo natin sa gagong 'yon 'e." tawa-tawang sagot naman ni Bryan. "Mapa, Pre! Hahahahaha!" tapos nagtawanan na kami dahil sa sinabi ni Vernon. Sa dalawang taon rin, mas nakilala ko silang lima. Si Percy, ang leader ng grupo at boy banat talaga siya. Si Fifth naman ang pinaka-matinik sa babae, muntik na nga silang magkatuluyan ni Joe 'e. Si Vernon ang palaging nakikipagbasag-ulo, kaya 'nong niligtas nila ako hindi nakakapagtaka na magaling siya sa suntukan. Si Bryan naman ang prankster nila, at si Cleo, ang no sense of direction. Hindi na bago sa amin ang ma-late si Cleo kasi every occassion late talaga siya dahil naliligaw siya. Hindi niya alam kung ano ang kaliwa at kanan. Mapapa-facepalm ka na lang talaga sa kanilang lima kapag sila ang kasama mo. "Oy! Kamusta?" napangiti naman ako kay Josh na kakalapit lang sa amin. Nakipag-apiran siya kina Percy at nakipag-beso naman siya sa amin nina Joe. "Asensadong-asensado na ang Enginner ah." tukso ni Vernon kay Josh. "Oo, aalis na nga ako next month papuntang Canada 'e. Merong magandang offer sa akin." Naks! "Iba na talaga!" Bryan "Pakain naman dyan!" Fifth "Kumakain na kayo?" agad naman kaming napatingin kay Cleo na kakarating lang. Potek! Himala ata at nakaabot sa kainan ang loko. "Oh Pre? Saan ka na naman naka-abot?" natatawang sabi ni Vernon. "Bigyan niyo kasi ng Mapa si Cleo." singit naman ni Josh kaya nagtawanan kami. "H-Hindi ako naligaw ah!" ang defensive naman nito. Hahahaha! "So, bakit ka nahuli, na naman?" tanong ni Joe. "T-Traffic 'e!" tapos kumain na si Cleo. "Sabi mo 'e." sagot ni Joe na nagda-doubt pa rin sa sagot ni Cleo kaya sinamaan niya ng tingin si Joe. Natawa na lang kami sa kanila. Mas masaya siguro kung nandito si Joaquin. Aish! Ano ba yan, kahit saan ako magpunta hindi siya nawawala sa isip ko. Tsk! Maya-maya pa dumating naman sina Lienel at Claire sa table namin. "Ayon! Naka-score agad si Manoy!" nagtawanan kami sa sinabi ni Vernon kaya binatukan agad siya ni Lienel. "Congrats, Pre!" "Congrats, Claire, Lienel!" "Ninong kami sa baby ha?" "Salamat sa inyo. Syempre naman." napangiti naman ako kay Claire nang mag-tama ang tingin naming dalawa. "Kayo, Hannah and Percy, kelan niyo balak magpakasal?" naubo naman ako sa tanong ni Claire at kahit si Percy 'e nabulunan rin. "Ano ba kayong dalawa! Parang walang something." sabi ni Joe habang inaabutan ako ng tubig. "Alam mo, Claire, mahina kasi si Pareng Percy--Aray naman, Perce!" "Magkaibigan lang talaga kami ni Percy, Claire." sagot ko pagkatapos kong mahimas-masan. 'Asus, di lang makamove-on 'e.' Narinig ko namang bumulong si Divine pero di ko na masyado narinig kasi biglang nagpatugtog na ng disco music. "Sayaw tayo mga tsong!" aya ni Bryan kaya tumayo na rin kami at nakisali sa sayawan ng ibang guests. -- Nang mapagod kami kakasayaw ay napagpasyahan na naming maupo at magpahinga sandali. Masaya ako ngayon na mas dumami na ang mga naging kaibigan ko sa paglipas ng panahon. Sinong mag-aakala na magiging close ko si Claire na halos magpatayan kami sa mga tinginan namin noon? At sinong mag-aakala na magiging kaibigan ko rin ang mga taong nakilala ko lang sa hallway ng school? "Oo nga pala, next Sunday meron kaming opening sa isang beach resort namin." sabi ni Cleo tapos uminom siya ng juice. "Oy beach! Sama kami dyan, Pre." Bryan "Madaming chica babes nyan sigurado!" Fifth "Hay nako. Basta talaga babae." Joe "I'll try. Hehe" sinaaman naman nila ako ng tingin dahil sa sinabi ko. "Baka kasi may work 'e." sabi ko agad sa kanila. "Ngayon lang naman 'to, Hannah." Divine "Oo nga, tsaka think of this as bonding natin bago umalis si Josh." Claire "S-Sige na nga." napakamot na lang ako sa ulo ko kasi hindi naman nila ako titigilan 'e. "Ako ng bahala sa sasakyan." presenta naman ni Percy. "Sana all car dealer!" Vernon "Ehem kotse for wedding gift." Lienel "Mga gago!" Percy "Hala bad words!" Cleo "Isa ka pa!" tapos tinapunan ni Percy ng tissue sa mukha si Cleo pero nailigan naman ni Cleo. Napa-facepalm na lang ako sa kanila. Bakit ang kukulit pa rin nila? "Bali kami na, Girls, na lang ang bahala sa foods." Prisenta naman ni Divine. "Maganda 'yan! Then kina Hannah tayo magluluto." napangiwi naman ako sa sinabi ni Claire. Seryoso? Sa bahay talaga? "Oo nga, nang magkaroon naman ng konting ingay ang bahay mo, Dai." isa pa tong Joe na 'to. "Oh, prepare niyo na ang mapa kay Cleo ha. Hahahahaha!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Josh at sinamaan lang ni Cleo ng tingin si Josh. -- Pagkatapos ng party, hinatid na ako pauwi ni Percy. Pagkarating namin ng bahay pinagbuksan ulit ako ni Percy ng pinto ng kotse. "Thanks for tonight, Perce." nakangiting sabi ko. "Always welcome. Pumasok ka na at gabi na." tumango naman ako at nginitian siya. "Ingat sa pagmamaneho ha?" tapos kumaway na ako sa kanya nang papaalis na siya. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Ang bahay kong punong-puno ng alala ni Joaquin. Nagbihis lang ako at humiga na rin sa kama at pagkahigang-pagkahiga ko, bumuhos na naman lahat ng luha ko. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sakit na wala na sa tabi ko si Joaquin. Na pinipilit ng lahat na hindi siya totoo. At parang deja vu lang, nakatulog akong puno ng luha ang mga mata ako at mabigat ang damdamin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD