Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Gagalaw sana ako nang maramdaman ko ang mabigat na bagay sa kamay ko kaya napatingin ako. May natutulog, teka, nasa Hospital ako?! Oo nga pala, nasaksak ako. Kasi sinalo ko 'yong saksak na para kay Joaquin!
Sinubukan kong umupo pero masakit pa rin 'yong tyan ko.
"Aray." napa-daing na lang ako habang hawak hawak pa rin 'yong saksak ko. Nagising tuloy si Joaquin...eh?
"A-Anong ginagawa mo dito, Josh?" gulat na tanong ko tapos may mga pasa rin siya pero mukhang nagamot na rin kasi hindi na masyado namamaga. Oo nga pala, nakipagbubugan rin ata siya kasama sina Joaquin. Pero asan si Joaquin?
"Gising ka na?!" gulat niya namang sabi na mukhang kaka-realize niya lang.
"Hindi, konsensya ko lang 'to." pamimilosopo ko sa kanya tapos kinurot niya ang ilong ko.
"Ikaw talaga!"
"Hanubaaa!" tapos pinalo ko ang kamay niya. Inalis niya rin naman agad.
"Tatawag lang ako ng Doctor ha." excited na sabi niya tapos lumabas na siya.
Pagkabalik niya kasama niya na ang Doctor tapos sina Lienel, Claire, Divine at Joe. Anong ginagawa nila dito?
"Kamusta ang pakiramdama mo, Hija?" tanong ng Doctor sa akin.
"Medyo mabuti na po pero sumasakit pa rin 'yong saksak sa akin." sagot ko naman habang hawak-hawak pa rin 'yong tyan ko.
"You're lucky kasi hindi ka agad naubusan ng dugo at nakakuha agad tayo ng blood donor. Mabuti nga at hindi inabutan ng isang linggo bago ka nagising. Buti na lang at after 3 days ay nagkamalay ka na kasi ang iba naabutan ng 1 week dahil sa epekto ng gamot. At the same time, you still need to stay here hanggang sa maging maayos ang pakiramdam mo. Bibigyan na lang kita ng pain relief para hindi na masyado sumakit 'yang sakit." tumango lang ako sa Doctor tapos kinausap niya na 'yong Nurse na kasama niya.
"Mauna na kami." paalam ng Doctor kaya nagpasalamat na kami sa kanya. Pagkalabas ng Doctor halos mabingi naman ako sa sigaw nina Divine at Joe.
"Hannah! Huhu! Alam mo bang halos mamatay kami sa sobrang kaba nang malaman naming sinaksak ka!" tapos niyakap ako ni Joe.
"Oo nga! Akala namin iiwan mo na kami 'e!" nakisali pa si Divine kaya napatawa naman ako at niyakap rin silang dalawa.
"Aigoo! Hindi ko kayong pwedeng iwan 'no! Wala ng mambabatok sa inyo kapag nababaliw kayo." natatawang sagot ko tapos natawa rin silang dalawa. Pagkakalas nila ng yakap sa akin ay agad namang lumapit si Lienel, Josh at Claire. Napakunot noo tuloy ako kasi andito rin si Claire.
Katapusan na ba ng mundo?
"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo." nakangiting sabi ni Josh kaya tumango ako sa kanya at ngumiti.
Nagulat naman ako sa pag-yakap ni Claire at nawindang ako sa sinabi niya. Parang huminto ang mundo ko at halos sumabog ang dibdib ko.
"Salamat at sinalo mo ang saksak na para kay Lienel..."
--
"Wag niyo nga akong ginagago!" inis na sabi ko sa kanila. Kanina pa ako naiinis kasi ini-insist nilang si Lienel ang niligtas ko at hindi si Joaquin. Isa pang kinabwi-bwisit ko ay sinasabi nilang hindi nila kilala si Joaquin!
"Tumama ba sa bato ang ulo niya 'nong sinalo mo siya?" rinig kong tanong ni Joe kay Lienel. Umiling naman si Lienel.
"Si Joaquin ang sumalo sa akin at si Joaquin ang niligtas ko!" ini-insist kong sigaw sa kanila.
"Pero hindi talaga namin kilala kung sino si Joaquin." sabi naman ni Josh.
"Hannah, baka side effects 'yan ng mga gamot sa operation. Diba some antibiotics can cause hallucinations to patients?" natigilan ako sa sinabi ni Calire pero imposible! Napaka-imposible!
"A-Ano bang pinagsasabi ninyo?! Joe! Divine! Si Joaquin 'yong Adonis diba?!" pabigat na nang pabigat ang nararamdaman ko.
"Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friends ang ibig mong sabihin?" halos maglupasay na naman sa tuwa ang puso ko dahil feeling ko naalala na ni Joe.
"Si Claire ang nanalo sa Hanap ng Ganda." sagot naman ni Divine kaya napapatango ako.
"Oo at si--"
"Si Lienel naman sa Hanap ng Adonis." natigilan na naman ako sa sagot ni Josh.
"Wag niyo nga akong ginagago! Si Joaquin ang nanalo!" galit na sigaw ko sa kanila. Puno na ng alala ang mukha nila.
"Mas mabuti pa siguro pagpahingahin na natin si Hannah at mukhang pagod na siya." sabi ni Claire tapos nagsi-tangoan na naman sila. Lalapit pa sana si Josh sa akin pero tumalikod na ako ng higa sa kanila.
"Iwan niyo na ako. Gusto kong mapag-isa." malamig kong sabi sa kanila. Rinig ko na lang ang buntong-hininga nila at ang pagsirado ng pinto.
Kasabay 'non ang pagtulo ng mga luha ko. Joaquin, asan ka na ba? Bakit sinasabi nilang hindi ka totoo? Bakit sinasabi nilang isang malaking hallucinations lang kita? Imposible naman ata 'yon.
Sa isang linggo na magkasama tayo, ramdam ko pa rin ang mga hawak mo sa akin, sariwa pa sa isip ko 'yong mukha mo sa tuwing nagkakalapit tayo, damang-dama ko pa rin ang halik mo sa noo ko, ano bang nangyayari, Joaquin?
--
"Hannah, kumain ka na." utos ni Tita Ana. Siya ang nagbabantay sa akin dito sa Hospital. Pangalawang linggo ko na dito sa Hospital at baka sa susunod na araw ay makakalabas na rin ako.
Kinain ko naman ang pagkaing hinanda niya tapos inaayos niya na 'yong mga gamit namin. Unti-unti na ring nawawala 'yong mga pasa ko, habang pagaling na rin ang tahi sa saksak sa tyan ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin magsink-in sa utak ko na isang hallucinations ko lang si Joaquin.
Ang sabi ng Doctor, posible nga raw na side effects 'yon sa mga gamot na tinurok sa akin pero mas mabuti raw kong magpa-psychiatrist rin ako dahil baka epekto rin 'yon sa trauma na nangyari sa akin.
Dumadalaw pa rin sina Josh, at nagkaayos na rin kami kahit papaano ni Claire. Nakapag-usap na kaming tatlo nina Lienel at Claire na past is past at maging masaya na lang silang dalawa sa isa't-isa. Sina Joe at Divine naman ang nagbibigay ng mga notes sa akin kasi kelangan ko pa ring mag-take ng exam pagkalabas ko ng Hospital dahil kakatapos lang ng finals nila at ako na lang ang hindi nakakapag-take.
Pagkatapos kong kumain ay nahiga na ulit ako.
"Hannah, may bisita ka." napatingin naman ako sa pumasok. Sila Banat Boy.
"Lalabas muna ako at bibili nang maiinom nila." paalam ni Tita kaya tumango naman ako. Umupo naman ako pagkalapit nila pero inalalayan ako ni Banat Boy.
"Balita ko makakalabas ka na bukas?" tanong niya.
"Oo, salamat nga pala sa tulong ninyo." sabi ko habang nakangiti sa kanilang lima.
"Wala 'yon, Miss Hannah. Ikaw pa!" sabi ni Vernon tapos nag-thumbs up pa siya. Mukhang ayos na rin silang lima kasi wala na 'yong mga pasa nila.
"Oo nga pala, ito sina Vernon,Cleo, Bryan at Fifth." pagpapakilala ni Banat Boy tapos nakipagkamayan ako 'don sa apat.
"E ikaw? Hindi ka lang man ba magpapakilala sa akin?" nakangiting tanong ko sa kanya tapos napakamot naman siya ng batok niya.
"Nahihiya si Banat boy!" natatawang sabi ni Fifth kaya sinamaan siya ng tingin ni Banat Boy.
"Ako naman si Percy Salazar." tapos ngumiti siya sa akin at nagkamayan kami.
"Salamat talaga ng marami. Pero pwede niyo bang ikwento sa akin ang buong pangyayari?"
"Magkasama kami sa Gang dati ni Sebastian pero tumiwalag na kami sa kanya nang mapansin namin ang mga masasamang gawain niya. Nagulat nga ako 'nong nilapitan niya ako at humingi siya ng tulong sa akin. May ipapa-dakip daw siya pero tumanggi kaming lima kasi ayaw na naming ma-involve sa kanya. Pero binigyan niya ako ng litrato mo kaya natandaan kita. Pero maniwala ka, 'nong una nating pagkikita hindi ko talaga akalain na ikaw 'yong babaeng gusto niyang dakpin namin."
"Ibig sabihin, interesado ka talaga sa akin 'nong araw na 'yon?"
"Oo, at sa kagustuhan kong iligtas ka kay Sebastian, wala akong choice kundi ang magpanggap na kakampi niya at dalhin ka sa kanya. Pasensya na kung natagalan kami sa pagsagip sayo, hindi kasi talaga namin akalain na magagawa ka niyang saktan ng sobra. Pero wag kang mag-alala, nakakulong na 'yong mga masasamang tao na dumakip sayo, lalo na si Sebastian. Sinigurado naming marami ang tumistigo laban sa kanya para mabulok siya sa kulungan. At pasensya na kung ngayon lang kami nakadalaw, kinailangan kasi naming masiguro muna na wala ng takas sa kulungan si Sebastian. "
Napangiti naman ako sa kanilang lima.
"Maraming-maraming salamat talaga ha? Ang mahalaga na sakin ngayon ay ligtas tayong lahat." kahit na kalahati sa puso ko ay hinihiling na banggitin nila si Joaquin pero wala.
Mukhang ako lang ang nakakaalala kay Joaquin. Mukhang ako lang ang hindi nakalimot sa kanya.
--
Pauwi na kami ngayon sa bahay dahil kakalabas ko lang ng Hospital. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Percy 'nong isang araw ay palagi na siyang dumadalaw sa akin at siya rin ngayon ang maghahatid sa akin pauwi, kasama ko rin si Tita Ana.
Mabuti na lang nga at hindi masyado malala ang nangyari sa akin dahil kapag nagkataon ay susugudin ako ni Mama dito. Napakadaming sinabi ni Mama sa akin 'nong tumawag siya sa akin at gusto niya pang puntahan ako pero sabi ko wag na at walang makakasama ang kapatid ko sa bahay.
Sinabi ko na lang na andyan rin naman si Tita Ana para alagaan ako. Dinalaw rin ako ng mga pinsan ko nang malaman nila ang nangyari sa akin at puro pagkain ang dinala nila sa akin kaya ang dami naming dala ngayon pauwi kasi hindi ko naman lahat naubos sa Hospital.
Pagka-park ni Percy ng kotse niya 'e pinagbuksan niya pa ako ng pinto para makalabas ako. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos kinuha ko na 'yong mga gamit ko.
"Ako na po ang magdadala." kinuha ni Percy ang mga gamit ko sa kamay ni Tita Ana pagkarating namin ng bahay. Binuksan naman ni Tita ang gate tapos pumasok na kami.
"Hannah, magtimpla ka muna ng juice para kay Percy." sabi ni Tita kaya pumunta agad ako ng kusina.
"Nako, wag na po. Hinatid ko lang talaga kayo kasi pupunta pa rin po ako ng school 'e." bumalik na ulit ako ng sala.
"Ganoon ba? O sige, Hannah, hatid mo na lang siya sa labas. Mag-iingat ka, Percy ha?" sabi ni Tita kay Percy tapos nagpaalam na siya kay Tita. Ako naman hinatid siya sa labas.
"Salamat talaga ha? Naabala ka pa tuloy namin ni Tita." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Wala 'yon. Ikaw pa." tapos ginulo niya ang buhok at naglakad na papasok sa kotse niya.
"Percy, teka." dapat ko bang itanong sa kanya ang tungkol kay Joaquin?
"Bakit?"
"Ah wala wala. Mag-iingat ka sa pagmamaneho."
Ngumiti na lang siya sa akin at umalis na. Bagsak naman balikat kong pumasok ng bahay.
Joaquin, asan ka na ba?