Kabanata 19

1968 Words
Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pagmulat ko ng mga mata ko nasa isang kwarto ako, pang-mayaman na kwarto to be exact. Nilibot ko ang mga mata ko tapos ini-stretch ko muna ang katawan ko. Vintage style ang kwarto at mukhang lalaki ang nagmamay-ari nito. Inalala ko muna ang nangyari kanina, tama, kinidnap ako ni Banat Boy! Dali-dali akong tumayo at sinubukang buksan ang pinto pero lock. "Buksan niyo ang pinto!" pinagpapalo ko na ang pinto para marinig nila ako sa labas pero wala talagang may nagbubukas. "Kapag talaga ako nakalabas dito humanda kayo sakin!" sigaw ko saka sinipa ang pinto. Bwisit naman oh! Napaupo na lang ako sa kama nang mapagod ako kakapalo sa pinto. Hanggang sa biglang may bumukas nito kaya dali-dali akong tumayo. Bumungad sa akin ang lalaking bwisit sa buhay ko. "Ikaw?! Ikaw ang nagpa-kidnap sa akin?" galit na tanong ko sa kanya saka ko siya nilapitan at sinampal. "Bwisit ka talaga sa buhay ko kahit kailan, Sebastian!" tapos pinagpapalo ko na siya pero ngumisi lang siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pilit kong inaalis ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya. "Sabi ko naman sayo, diba? Hindi pa tayo tapos." tapos ngumisi siya. Isang nakakabwisit na ngisi kaya tinuhod ko 'yong most precious thing niya. "Araaay!" "Buti nga sayong bwisit ka!" tapos tinulak ko siya pero pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto isang baril ang bumungad sa akin. "Banat Boy?" takhang tanong ko kasi ang Jerk na si Banat Boy ang tumutok ng baril sa akin. Magkasabwat sila ni Sebastian?! "Talian niyo nga 'yang babae na yan! Dalahin niyo agad sa baba!" utos ni Sebastian. Agad naman akong hinila ni Banat Boy pati 'yong mga tropa niyang nakita ko sa school andito rin. "Ano ba!" reklamo ko nang pinipilit nilang talian ang mga kamay ko. Hinila pa nila ako pababa. Pagkarating namin sa sala, maraming lalaki ang nasa baba at nakapalibot sila sa bahay. Ngayon ko lang napansin na nasa bahay kami ni Sebastian, once na akong pumunta dito 'nong inimbitahan niya ako sa birthday niya. "Maupo ka dyan, babae!" tapos tinulak ako ni Banat Boy sa sofa. "Ano bang kelangan niyo sa akin?" inis na sabi ko saka ko sila tiningnan ng masama. Maya maya pa, dumating na naman ang demonyong si Sebastian. "Nagtatanong ka pa? Pagkatapos nang ginawa mo sa akin? Ha?!" galit na galit na sabi niya. Natatakot ako pero hindi ko pa rin mapigilan na magalit rin sa kanya. "Deserve mo rin naman 'yon 'e!" sigaw ko naman sa kanya. Pero isang malakas na sampal ang natanggap ko. Halos mamanhid ang pisngi ko sa sobrang lakas nang pagkakasampal niya. "Bantayan niyong mabuti 'yan!" 'yon na ang huling narinig ko kay Sebastian bago siya umalis. Kasabay 'non ang pagtulo ng luha ko sa sobrang sakit nang sampal niya. Tahimik naman akong nakayuko at pinipigilan ang paghikbi ko. Ramdam ko pa rin ang sobrang hapdi at manhid ng pisngi ko. Nagulat naman ako nang may isang kamay ang humawak sa baba ko at tinaas ang mukha ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko si Banat Boy sa harap ko. "Anong ginagawa mo?!" inis na sabi ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at inayos ang buhok ko na sobrang gulo. "Where have you been all my life, Hannah?" malambing niyang sabi kaya napataas naman ako ng isang kilay ko sa kanya. Ano bang ginagawa ng bwisit na 'to? "Hiding from you, of course!" masungit na sabi ko. Narinig naman 'yon ng mga lalaki dito kaya nagtawanan sila. "Savage!" sabay sabay nilang sabi tapos nagtawanan sila. "Gusto mong upakan kita, Fifth?" sabi ni Banat Boy sa isang lalaki tapos umiling-iling naman 'yong lalaki. "Ibalik niyo na siya sa kwarto." utos ni Banat Boy kaya hila-hila na naman ako 'nong Fifth paakyat sa kwartong pinanggalingan ko kanina tapos nakatali pa rin ang kamay ko. "Magtiwala ka lang sa amin, Miss." 'yon ang huling bulong sa akin 'nong Fifth bago niya ako iniwan sa loob ng kwarto. Gago ba siya? Gusto niyang magtiwala ako na sila nga ang nagdala sa akin dito? Bwisit! Naghanap ako sa loob ng kwarto na pwedeng pampaalis sa tali. Tapos napasilip ako sa bintana, salamin ito kaya kitang-kita ko ang nangyayari sa labas. Nakita ko si Sebastian na nakikipag-usap sa mga lalaking naka-itim na tshirt. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Ang sakit pa rin ng pagkakasampal niya sa akin. Ilang beses kong sinubukang sirain ang bintana pero hindi talaga nababasag at sobrang lock talaga. Sinubukan ko ring maghanap ng daanan sa CR pero wala rin. Gusto ko nang makalabas dito. -- Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako ulit kaya pagkagising ko madilim na sa labas. Bigla pang tumunog ang tyan ko. Petengene! Hindi lang man nila ako pinapakain. Nanatili pa rin akong nakahiga at iniisip kung hinahanap rin kaya ako ni Joaquin. Napapatulo na lang ang luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kung saan pa aalis si Joaquin saka pa nangyari sa akin 'to. Napaupo naman ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sebastian. Lumapit siya sa akin at biglang hinablot ang buhok ko kaya sobrang sakit. "A-Aray! Ano ba, Sebastian!" galit na sigaw ko sa kanya kahit na namimilipit pa rin ako sa sakit. "Alam mo bang inlove na inlove ako sayo? Alam mo ba kung gaano ako kahead over heels sayo?" galit niyang sinasabi 'yan at hila hila pa rin ang buhok ko. "Then bakit mo ginagawa sa akin 'to?!" hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sagutin siya kahit na sobrang namimilipit na ako sa sakit sa pagkakahila niya ng buhok ko. "Bakit, Hannah? Bakit?" Mas lalo pa akong napadaing sa sakit nang higpitan niya ang pagkakahawak sa buhok ko, unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Binitawan niya na ang buhok ko pero hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong kalandian ang ginagawa mo sa University?! Alam ko ng may bago ka ng kinakalantaryo! At 'yon 'yong lalaking tumulong sayo diba?" galit na galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "Wala ka na 'don kung makipaglandian ako sa iba!" galit kong sigaw sa kanya naman kahit na tumutulo na ang luha ko. Hayop na 'to! Dahil sa sagot ko isang malakas na sampal na naman ang nakuha ko. Dahilan para matumba ako sa kama at napahikbi na ako sa sobrang sakit. Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo. "Pagkatapos ng mga ginawa ko para sayo?! Ha?" Hinila niya na naman ang braso ko para magkaharap kaming dalawa at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Gulong-gulo na rin ang buhok ko, kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Sebastian. "Nandidiri ako sayo!" Hindi na sampal ang natanggap ko sa pagkakataong 'to. Kundi isang malakas na suntok sa tyan ko, parang bumaliktad ang sikmura ko sa ginawa niya at talagang nanghina na ako. Hindi pa siya nakuntento at sinampal niya pa ako kaya napahiga na ako ng tuluyan sa kama. Pagktapos niya akong sampalin, ang huling nakita ko na lang ay ang paglabas ni Sebastian ng pinto at dumilim na ang paligid ko. -- Minulat ko ang mata ko kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Sobrang manhid ng kabilaang pisngi ko at sobrang sakit ng tyan ko. Nakaalis na ang tali sa kamay ko pero hindi ko pa rin magalaw ng maayos ang katawan at kamay ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang tumutulo na naman sa mukha ko. Dahan-dahan ko ring inupo ang sarili ko at sinubukan ko ring tumayo. Natumba naman ako sa sobrang gulat nang bumukas ang pinto. "H-Hannah." nagulat ako sa paglapit ni Banat Boy tapos hinawakan niya ang makabilaang pisngi ko. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. "I-Itatakas na kita dito." Ano?! Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil bigla niya na lang akong binuhat at wala na rin akong lakas para umangal pa. Lumabas kami sa kwarto at bumungad sa amin ang tatlong kasamahan niya. Akala ko 'e pipigilan nila kami pero hindi. "Sa backdoor kayo dumaan. Tinumba na lahat ni Vernon ang mga nakabantay 'don." sabi ng isang lalaki. Dali-dali naman kaming bumaba ni Banat Boy habang nakasunod pa rin 'yong tatlo at nagmamasid-masid sa paligid. Pagkarating namin sa backdoor may isang lalaki ang hindi ko inaasahang makita. Nakangiti siya sakin kahit na punong-puno ng pasa ang mukha niya. Ngumingiti siya pero punong-puno ng pag-aalala 'yong mata niya. "Joaquin.." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Siya na ang magdadala sayo sa Hospital. Kelangan naming hulihin si Sebastian." sabi ni Banat Boy tapos binigay niya na ako kay Joaquin. "Paumanhin, Binibini, nahuli na naman ako." pinunasan ko ang dugong tumutulo sa pisngi niya at umiling lang sa kanya. "Sundan niyo si Vernon para makalabas kayo agad dito." sabi pa ni Banat Boy tapos sinundan namin agad 'yong lalaking sinasabi niyang si Vernon. Pero nasa Garden palang kami nang biglang dumating si Sebastian kasama ang limang lalaki na naka-itim na tshirt at mukhang mga alalay niya. Nagulat ako nang ibaba ako ni Joaquin kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. "Wag kang mag-alala, Binibini." tapos pinat niya na ulit ang ulo ko at tumakbo papalapit kay Sebastian. "Mga traidor!" sigaw ni Sebastian nang makita niya 'yong Vernon. Pero walang sagot si Vernon at agad na sinugod si Sebastian. Tumulong naman si Joaquin sa pagsusuntok ng mga lalaking kasama ni Sebastian. Sinuntok ni Joaquin sa mukha 'yong isang lalaki kaya natumba ito tapos may lalaking susuntukin sana siya pero nailigan niya agad. May isang lalaki na naman sa kanan ni Joaquin na susuntukin siya pero yumuko si Joaquin at sinuntok ang tyan nito tapos sinipa ni Joaquin 'yong isang lalaki pa kanina. Ang bilis gumalaw ni Joaquin, parang sanay na sanay siyang makipagbasag-ulo 'e. Si Vernon naman at Sebastian nagsusuntukan din. Pero napahinto ako nang mapansing may inilabas na kutsilyo si Sebastian. Naiilagan ito ni Vernon pero nadaplisan rin siya sa braso niya. Pero agad niyang sinuntok si Sebastian, nakabawi agad si Sebastian at sinipa si Vernon, kaya napahiga si Vernon sa lupa. Halos manlaki ang mata ko nang mapansin kong nakatingin na si Sebastian kay Joaquin na busy pa rin sa pakikipagsuntukan sa limang lalaki. Hindi ko na pinansin ang sakit ng buong katawan ko kundi ay dali-dali akong tumayo at patakbo na lumapit kay Joaquin. Sinalo ko 'yong saksak na dapat ay kay Joaquin. Kita ko ang gulat kay Sebastian at rinig kong napagsinghap naman sina Vernon at Joaquin. Naramdaman ko ang sobrang sakit na pagdiin ng kutsilyo sa tyan ko kaya natumba na ako. Nasalo naman ako ni Joaquin at nakita kong dumating na si Banat Boy kasama sina Lienel at Josh na gulat ring makita na nakahandusay na ako. "B-Binibini..." tiningnan ko ng mabuti si Joaquin. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. "Joaquin.." mahina kong sambit. Hindi ko na namalayan na nasa kotse na kami. "Hannah, lumaban ka!" rinig ko ang boses ni Josh kaya napangiti ako kahit na pumupungay na ang mga mata ko. Ramdam ko na rin ang panghihina ng katawan ko. "Nagpapasalamat ako at nakilala kita." mahina kong wika kay Joaquin at hinawakan ko ang mukha niya na puro pasa at dahil na naman sa akin 'yon. "W-Wag ka ng magsalita, Binibini. Huwag mo akong iiwan." nasasaktan akong makita si Joaquin na umiiyak. Ito ang unang beses na nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. "Shhh. Hindi kita iiwan." saka ako ngumiti ng pilit sa kanya dahil sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko. Hindi ko na talaga kaya. Nanghihina na ako ng sobra. Kaya naman lahat ng lakas na meron ako ay inipon ko na para lang masabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. "Ikaw ang puso ko, Lalaki." kasabay 'non ang pag-pikit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD