Kabanata 18

1847 Words
Nandito na kami sa labas ng gate ngayon dahil uuwi na si Tita. Mabuti na lang nga 'e maaga siyang aalis at makakalabas na si Joaquin sa kwarto ko. Sobrang awkward pa namang naming dalawa pagkagising ko. Puro kasi siya asar. "Mag-iingat ka palagi ha? Lalo sa malaking daga sa bahay mo." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Tita. Hindi na ako nakasagot pa dahil nakasakay na siya sa tricycle at umalis. Alam kaya ni Tita? Potek! Hindi niya naman siguro ako isusumbong kila Mama, ano? Lagot talaga ako pagnagkataon. Bumalik na ako sa loob tapos nasa sala na si Joaquin. Mabuti naman lumabas na siya. Nilipat ko na 'yong mga gamit niya sa guestroom tapos pumunta na ulit ako ng kusina. "Binibini, gusto mo bang magluto ako?" napatingin naman ako kay Joaquin. Chineck ko ang ref ko pero wala ng gulay. "Sige, pero dahil maaga pa naman, mamalengke na lang muna tayo!" masiglang sabi ko tapos naligo na ako. Sinigurado ko ng dala ko na ulit 'yong mga damit ko. Hinintay ko lang si Joaquin na matapos rin sa pagligo tapos umalis na rin kami. -- Pagkarating namin ng palengke mukha namang sanay na sanay ang mokong na 'to. Wala rin naman kasi siyang arte kapag napapa-apak kami sa mga basa o maputik na lugar. Niyaya ko muna ang mokong sa gulayan. Tapos mas magaling pa siya sa pagpili sa akin ng mga gulay at lalo na sa pag-tawad ng presyo. Kakaiba 'tong Mokong na 'to. Pambihira.. Natutuwa tuloy ako dahil manghang-mangha siya sa mga nakikita niyang ibang prutas at gulay. Nasa isla kasi sila kaya mas masagana sila sa mga isda. Kung nagtatanim naman sila ng mga gulay at prutas ay kailangan pa daw nilang pumunta sa ibang lugar para humingi ng mga matatabang lupa. Pagkatapos namin mamili ng mga gulay inaya ko muna siya sa ukay-ukay. Hindi naman siya nagreklamo dahil mukhang curious rin siya kung ano ang ukay-ukay. "Ito, Lalaki, i-try mo." tapos nilagay ko sa harap niya ang isang damit na pang-baby. Pfft. "Bagay na bagay. Hahahahaha!" natatawang sabi ko tapos pinasuot ko sa kanya 'yong pink na cap. Potek, parang bakla siya. Hahahahaha. "Binibini naman." reklamo niya pero di niya maalis kasi puno ang kamay niya ng mga binili naming gulay. "Ang cute mo nga 'e. Hahahahaha." tawa ko pa tapos inalis ko na rin sa kanya dahil baka mangati pa siya 'e. Pumunta naman kami sa mga panlalaking damit tapos pinilian ko siya ng ilang damit tapos binili ko na rin. Pagkatapos kong mag-ukay ay pumunta na kami sa isdaan. Pero hindi kami sa loob ng palengke bibili kundi sa labas. Mas fresh kasi talaga 'yong mga isdang nasa labas kasi ang iba 'e kakalagay lang at kakahuli lang. Habang tumitingin ako ng mga isda, nakita ko naman si Joaquin na tinitingnan rin 'yong mga isda ng ibang tindera. Tapos tinawag niya ako kaya agad akong lumapit sa kanya. "Dito ka bumili, Binibini. Sariwang-sariwa ang isdang tinda niya." nakangiti niyang sabi. "Aba! Ang galing naman ng batang ire! Oo, kakahuli lang 'yan ng asawa ko." sabi ni Aling Tindera kaya pumili na rin ako ng isda. Binigyan pa ako ng sobrang isa ni Aling Tindera kasi natuwa siya kay Joaquin tapos dumadami rin 'yong bumibili sa kanya. Paalis na sana kami ni Joaquin nang pareho kaming natigilan. "G-Ginoo." Isang mangingisda ang nasa harap namin, may dala-dala pa kasi siyang lambat tapos mukhang kakagaling niya lang sa pangingisda. "I-Ikaw 'yong.." hindi na natuloy ni Joaquin ang sasabihin niya kasi napaiyak na 'yong lalaki at lumapit na kay Joaquin. Nabitawan niya na rin 'yong lambat na dala niya at hawak hawak niya na ang kamay ni Joaquin. "Salamat, Ginoo. Salamat niligtas mo ang buhay ko." Takhang-takha pa rin ako sa nangyayari. Si Joaquin naman, gulat na gulat. -- Nandito kami ngayon sa bahay ni Mang Antonio, pagkatapos ng kaganapan kanina, nagpakilala na siya sa amin. Inanyayahan niya rin kami ni Joaquin sa bahay niya dahil gusto niya raw makausap si Joaquin. Pumayag naman ako kasi mukhang importante nga ang pag-uusapan nila at mukhang kilala naman ni Joaquin. Paano niya kaya nakilala si Mang Antonio? Galing rin kaya siya ng isla? "Pasensya na kayo sa bahay namin ha." naglagay siya ng dalawang baso sa harap namin na may lamang coke. Ngumiti lang kaming dalawa ni Joaquin sa kanya. Hanggang ngayon naluluha pa rin siya sa harap ni Joaquin. "Ginoo, hindi ko talaga akalain na makakauwi pa ako ng buhay. Kung hindi dahil sayo, malamang ay pinaglalamayan na rin ako." naiiyak na naman si Mang Antonio kaya inabutan ko siya ng panyo ko. Nakangiti naman niyang tinanggap ito. "Nagagalak po akong malaman na nailigtas ko kayo. Nais ko sanang malaman kung anong nangyari pagkatapos ng gabing 'yon." tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa dahil hindi pa rin malinaw sa akin ang pinag-uusapan nila. "Ikinalulungkot ko, Ginoo, pero namatay si Gregorio, 'yong mangingisdang sinagip ninyo. Kahit papaano rin po, naiuwi namin ang kanyang labi dahil malapit na siya sa amin 'nong nawala kayo. Oo nga pala, Ginoo, hindi alam ng mga tao sa isla na buhay kayo, ang akala ho nilang lahat ay naanod na rin kayo sa dagat," Gregorio? Teka, sila kaya 'yong kwento ni Tita kagabi? Si Mang Gregorio 'yong suki ni Tita. Ibig sabihin, sila 'yong niligtas ni Joaquin at dahilan kung bakit siya nakaabot dito? "Nakakalungkot naman. Nawalan na ako ng malay pagkatapos nang gabing 'yon at nagising na lang ako na.." napatigil si Joaquin at napatingin sa akin. Potek! Wag mong sasabihing nagising ka dahil sa paghalik ko dahil CPR 'yong ginawa ko sayong loko ka! "Nandito na ako sa General Santos, at ang Binibining ito ang tumulong sa akin." tapos ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na lang rin ako. Mabuti naman di niya na nabanggit pano siya nagising, baka isipin pa ni Manong Antonio na may pagnanasa ako sa kanya. Duh. "Sigurado po akong magiging masaya ng sobra si Cardio kapag nalaman niyang nandirito kayo, Ginoo. Nagbagong buhay na rin kami tulad ng sabi ninyo ng gabing 'yon." napangiti naman si Joaquin. "Mabuti naman kung ganon. Nagagalak akong malaman yan, Mang Antonio." "Nais niyo na bang bumalik sa Isla ninyo?" Pareho kaming natigilan sa tanong ni Mang Antonio. Dapat 'e maging masaya ako kasi mukhang may tutulong na kay Joaquin na makakauwi siya. Pero bakit ganito? Parang nasasaktan ako. "Matutulungan niyo ba ako?" ramdam ko 'yong pananabik sa boses ni Joaquin. Oo nga naman, pamilya niya ang naroon kaya imposibleng hindi siya ma-excite. "Oo naman, Ginoo. Kaming dalawa pa ni Cardio ang maghahatid sa iyo. Teka lang at susubukan kong tingnan kung nariyan na si Cardio." Umalis na si Mang Antonio kaya naiwan kaming dalawa ni Joaquin. "Makakauwi ka na, Ginoo." saka ako pilit na ngumiti sa kanya. Binigyan ko rin ng konting sigla ang boses para naman hindi niya mapansin na nalulungkot ako sa pag alis niya. "Oo, Binibini. Ngunit bakit ganito?" napatingin ako sa kanya. "Bakit parang ayaw ko ng umalis, Binibini?" natigilan ako sa sinabi niya. 'Yong puso ko ayaw siyang umalis at pinipigilan siya. Pero 'yong utak ko sinasabing may isang Binibini na naghihintay sa kanya sa kanilang Isla. "A-Ano ka bang, Lalaki ka! Makakauwi ka na nga oh! Wag ka ng mag-inarte." pag-tataray ko sa kanya tapos uminom na lang ako ng coke na nasa harap namin. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya. Maya maya pa dumating na si Mang Antonio na may kasunod na lalaki. Mukhang si Mang Cardio na. Katulad ni Mang Antonio kanina, halos mapaiyak rin si Mang Cardio sa harap ni Joaquin. Sobra-sobra ang pasasalamat ni Mang Cardio kay Joaquin kaya sobra rin kung makangiti si Joaquin. Ang sarap siguro sa pakiramdam ni Joaquin ngayon. Dalawang tao 'yong halos lumuhod na't umiyak sa harap niya dahil sa pagliligtas niya ng buhay nila. Nang kumalma na si Mang Cardio ay napag-usapan na nila kung kelan nila maihahatid si Joaquin. "Saktong-sakto, bukas ng gabi 'e mangingisda rin kami. Diba, Antonio?" sabi ni Mang Cardio. Bukas agad ng gabi? Grabe naman. Hays. "Ayos ba sa iyo, Ginoo?" Napatingin pa sakin si Joaquin. Mukhang naghihintay siya ng permission ko. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Kelangan kitang pakawalan, Joaquin. Hindi kita pagmamay-ari at may ibang babae ang nagmamay-ari ng puso mo. "S-Sige po." tapos ngumiti si Joaquin. -- Pagkatapos namin makipag-usap kina Mang Antonio at Mang Cardio, ay napag-isipan namin ni Joaquin na umuwi na. Tulad ng sabi ni Joaquin kanina, siya daw ang magluluto kaya tinuruan ko lang siya pano ang paggamit ng stove tapos nagpaalam na muna ako na matutulog lang ako sandali sa kwarto. Pagkahiga na pagkahiga ko hinawakan ko agad ang dibdib ko na sobrang bigat. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala 'yong luha ko. Ang OA naman ng luhang 'to. Para namang ang close close na namin ni Joaquin. Nakakainis. Pinunasan ko ang luha ko tapos tinakpan ko na ng kumot ang mukha ko. Itutulog ko lang 'to. Siguro sa sobrang pagod lang 'to kaya ganito ako. -- Nagising na lang ako sa katok ng pinto ni Joaquin. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. "Kumain na tayo, Binibini." Pumunta na kami sa kusina. Natuwa naman ako sa niluto niya kasi sinabawang isda at pritong isda. "Salamat, Lalaki." sabi ko sa kanya tapos nagdasal na kami at nagsimulang kumain. "Ahm.. gusto mo bang makasama mamaya sina Joe at Divine? Para sa huling alis mo. Baka kasi huling pagkikita niyo na." hindi pa rin ako nakatingin sa kanya kaya hindi ko alam kung anong ekspresyon meron siya. "S-Sige." simpleng sagot niya tapos napabuntong-hininga na lang ako. Pagkatapos naming kumain ako naman ang nagprisintang maghuhugas ng plato tutal siya na ang nagluto. Pumayag naman siya at naupo na lang siya sa sofa. Ano ba naman 'to. Kung kelan na aalis na siya bukas, 'don pa kami hindi nagkaka-imikan. Hays. Pagkatapos kong maghugas ng plato ay agad kong kinuha ang cellphone ko. "Tatawagan ko lang sina Joe at Divine para papuntahin dito. Sa labas lang ako." Dali-dali akong lumabas ng gate para mas malakas ang signal. Una kong tinawagan si Divine. "Hello?" [Daii! Punta ka ditong school. Ang daming pogi.] napakunot naman ang noo ko at si Joe ang sumagot mukhang magkasama silang dalawa. "Kayo ang pumunta dito sa bahay." [Bakit naman?] "Aalis na bukas si Joaquin." [ANO?!] "Oo nga." [Sige hintayin mo kami dyan ha? May pagkain ba?] Hindi ko na nasagot ang sunod na sinabi ni Joe kasi may isang van na huminto sa harap ko at nang bumukas ito bumungad si Boy Banat sa harap ko. [Hoy Hannah!] "Anong ginagawa mo dito?" inis na sabi ko sa kanya. [Sinong kausap mo?] "Sinusundo ka." nakangisi niyang sabi tapos nabitawan ko na ang cellphone ko kasi bigla na lang nila akong hinigit papasok. "Ano ba! Bitawan niyo ako!" nagpupumiglas pa rin ako sa ginagawa nila hanggang sa mapasok nila ako sa loob ng Van. [HANNAH!!] "Matulog ka muna, Miss." tapos may panyo siyang nilagay sa ilong ko. Bago ako nawalan ng malay isang tao lang ang pumasok sa isip ko. 'Joaquin...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD