Pagkagising ko ay papalubog na ang araw. Medyo maganda rin ang gising ko dahil hindi mabigat sa katawan. Wala na rin ang dalawa at mukhang nauna nang bumaba. Kaya nag-ayos na rin muna ako ng sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako at nakita kong nakabihis na rin sila. Nakasuot ng mga barong ang mga lalaki habang nakabaro't saya naman kami. May kumatok sa pinto kaya agad kong binuksan. Nakatayo sa harap ng pinto ang nakangiting si Joaquin at nakaayos na rin. Sinuklay niya ang buhok niya palikod gamit ang kanyang mga daliri. "Nakakasilaw ang iyong kagandahan, Binibini," wika niya kaya natawa naman ako. "Korny naman," rinig kong komento ni Percy sa likuran. "Inggit pikit," banat pa ni Cleo kay Percy. "Hali na kayo at nakapaghanda na ang lahat," aya ni Joaquin. Inoffer n

