"Nagbo-boating tayo 'non nang bigla tayong napadpad sa hindi na pala parte ng isla. Nahuli tayo ng mga pirata at halos mamatay ako sa sobrang alala nang kunin ka nila sa amin. Sa maniwala ka man o sa hindi, halos mag-iisang buwan kang nawala pero patuloy pa rin kaming nag hanap sa iyo. Eksaktong kakauwi lang ng iyong Tita Helen 'non galing sa ibang bansa dahil sa isang expedition ay agad siyang nag hanap sa iyo. At pagkalipas ng isang linggo, kasama ka na niyang bumalik," pinunasan ni Mama ang kanyang luha. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Mama sa akin. Pero ano naman ngayon, diba? Ang mahalaga ay nakabalik ako sa kanila ng ligtas. Wala nga akong memorya sa nangyari noon kaya hindi na rin masyadong big deal sa akin. Niyakap ko naman siya agad. "Sorry po, Ma. Masyado ko po kayong

