"Patawad, Binibini pero hindi ako pwedeng mag tagal rito." Tumango-tango ako kay Gabriel. "Ah, oo. Sige sige," tumabi ako para makadaan si Gabriel. "Sasabihin ko na lang po kay Kuya Joaquin na nandirito kayo. Mag-iingat ka, Binibini." ngumiti siya sa akin at kumaway. "Ikaw rin," tiningnan ko siya sumakay sa bangka kasama ang iba pang taga-Isla de Maharlika. "Hoy, sis! Sino yon? Mangingisda na ang bet mo? Mahilig ka na sa taga-sisid ng dagat?" tumaas baba pa ang kilay ni Manel sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tigil-tigilan mo ako, ha. Isa pa, ang bata pa 'non. Child abuse tayo ‘no," umirap ako sa kanya at nag lakad na pabalik sa cottage namin dala ang uling ni hiningi ko kina Gabriel. Kinukulit ako ni Man tungkol kay Gabriel pero hindi ko na lang siya pinapansin. Mas lalong b

