Kinaumagahan ay hinanap pa ng mga kaibigan ko si Joaquin pero umalis na siya kagabi pa dahil hindi raw siya pwedeng malaman na umalis ni Don Antonio. Mukhang napakarami talaga ng mga ginagawa niya sa isla. Sinabi ko ngang huwag na muna siyang pumunta sa akin kung sobrang dami niyanh pinagkakaabalahan dahil mukhang napakaimportante ng mga lakad niya sa isla. Kaso sa may pagkamakulit ang lahi niya at gagawa pa rin daw siya ng paraan para makita ako paminsan kahit saglit lang. Hinintay lang namin na tumaas ang araw saka kami nag decide na umuwi na dahil magpapahinga pa sila at may mga trabaho pa bukas. Ako rin ay umuwi na sa bahay namin at balik na naman sa nakatunganga kong araw. Next week pa ako babalik ng siyudad dahil may dadaluhan pa akong kasal, kasal ng dati kong kaklase. Hay nako,

