Halos mabulunan ako sa sinabi ni Joaquin. Nanlaki rin ang mga mata ko sa sinabi niya at napanganga na lang ako. Mukhang lasing ata 'tong isang 'to. "Nako, iho, bakit naman ako tinatanong mo nyan? Parang sa akin ka na man niyan aakyat ng ligaw 'e. Nasa tamang edad na rin na man 'yang si Hannah kaya kayo na lang ang mag-usap, okay? Aalis na muna ako para makapag-usap kayong dalawa," umalis na si Mama at papasok na man sana ng kusina ang kapatid ko pero hinila niya kasama sa kanya paalis. "Binibini?" napapikit pikit ako ng mata ko at lumapit sa kanya. "Lasing ka ba?" kumunot naman ang noo niya. "Hindi naman ako uminom ng alak, Binibini." inosenteng sagot niya. "Ang ibig kong sabihin, ano bang pinagsasasabi mo sa nanay ko at para kang lasing kako," "Seryoso ako, Binibini." bigla ngang

