Kabanata 46

1761 Words

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon. Ang ibig sabihin ay mga taga-Isla de Maharlika rin ang mga pirata sa kabilang isla ngunit mga taong makasalanan at walang silbi? Parang hindi ko maproseso sa utak ko ang sinabi ni Primo. "Binibini, alam kong mahirap paniwalaan ang aking sinasabi ngunit wala na tayong oras. Nagbabalak na ang aming pinuno na mag-ikot sa isla at halughugin ang mga bawat bahay at kweba roon," tumayo na si Primo at hindi na mapakali. "Kapag nahuli si Gabriella, anong mangyayari?" dahan dahan na rin akong tumayo at hinanda ang mga gamit ko. "Maaari siyang ipalunod sa dagat," napalunok na man ako sa sagot ni Primo. "Hindi ba't dapat nililigtas ng inyong pinuno ang mga pinapatapon roon?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Dumarami na kami sa aming isla, Binibini at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD