Kinulong kami ni Nene, na kanilang pinuno pala sa isang selda. Kasama ko si Gabriella habang si Primo naman ay talagang dinala nila sa balon ng kamatayan. Kaya hindi ko alam kung nasaan siya. Balak nila kaming gawing bihag ni Gabriella para mahawakan nila sa leeg ang mga Maharlika. Iyak lang ng iyak si Gabriella sa tabi ko kaya mesyo nagpa-panic na ako sa kaba. "Magiging maayos rin ang lahat, Gabriella. Tumahan ka na ata baka makasama pa sa baby mo," wika ko sa kanya habang hinihimas ko ang likod niya. Tumayo naman ako at sumilip sa labas. "Pst! Kuyang Pirata! Makikihingi po ako ng tubig!" sigaw ko sa lalaking nakabantay sa amin. Sinamaan niya naman ako ng tingin at umiwas rin agad. "Aba, loko loko, hindi ako pinansin." "Kuya! Hoy! Pengeng tubig nga kasi," pilit ko sa kanyang sigaw.

