Natuwa naman si Amelia at pumalakpak sa naging anunsyo ni Joaquin, ngumiti rin sina Don Antonio...maliban may Doña Adelfa na hinulog ang kutsara. Kaya agad kaming napatingin sa kanya. "Ina, bakit?" Tumayo si Doña Adelfa at tumingin ng seryoso sa akin. "Nawalan na ako ng gana," napalunok naman ako sa sobrang kaba dahil sa sinabi niya. Alam kong ayaw niya talaga sa akin una pa lang pero hindi ko akalain na ganon niya ako kaayaw. Umalis si Doña Adelfa at iniwan kami sa mesa. Sinundan naman siya ni Joaquin kaya pinalakas nina Amelia ang loob ko. "Nako, iha, huwag mong pansinin ang aking asawa at mukhang sinusumpong lamang 'yon," sabi rin ni Don Antonio sa akin kaya pilit na lang akong ngumiti. Hinawakan rin ni Joe ang kamay ko sa ibaba ng mesa at pinisil pisil ito. Nawalan na rin ako ng

