PROLOGUE
SYNTHRE'S POV
Napatakbo ako ng mabilis dahil sa mga taong humahabol saakin.Tumakbo ako ng tumakbo hanggang narating ko ang parking lot sa ibaba ng mall.Palihim akong pumasok sa nakabukas na kotse.
"Buti nalang at hindi nila ako nakita" hinihingal kong sabi sa sarili habang nagpapaypay gamit ang aking kamay.
"Who the hell are you?" boses ng isang lalake.Napabalin ako ng tingin sa kiliran ko at Nakita ko ang isang lalake na masamang nakatingin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.Kumawala ako sa pagtingin sakanya at nagtago.
"Who are you?" galit na sigaw ng lalake saakin na ikinagulat ko na dahilan napatalon ako sa upuan.
Tumingin ako pabalik sakanya at ngumiti.Kalmado kong sinabi at pinaliwanag sakanya kung bakit napadpad ako sakanyang sasakyan.
"Trespassing Ka! Get Out or else i'll call the police for you ng hindi kana mahirapan"
"Wag-wag...kaila..." Hindi ako nakapagtapos ng pagsasalita ko ,dahil sa taong kumatok sa bintana ng sasakyan.Napagalaman kodin na yung taong iyun ang humahabol saakin.
LAGOT KA!!
"May napansin ba kayong babaeng tumakbo dito sirr...nakapula po ang damit niya.Ito po yung litrato niya" pinakita ng lalake ang litrato sakanya ,itinago ko ang aking tingin.
Tinitigan ng lalake ang litrato.Hinila-hila ko ang pants ng lalake na wag sabihin na nandito ako.
"Siguro sa may bandang unahan ko siya nakita" ngisi niyang ani at naniwala naman ang mga lalakeng iyun.
Nang makaalis na sila ay huminga akong ng malalim sabay bulong ng 'salamat'.Habang humihingal ko napansin ko ang mga sulyap ng lalaki.
"Oummmm...Pasensya kana at nadamay kita.I'm Sythre Fernandez by the way" pagpapakilala ko sakanya at saka inabot ang kamay ko para makipagshake-hands.
"You owe me your life.Pano moko mababayaran?" supladong sabi ng lalake.Porket may humahabol sakin tas sakanya ako napadpad ,hindi ko naman hiniling ang kanyang tulong.
Marahan kung ibinaba ang kamay ko.At mahinhing nagsabi ng...
"Sir! Hindi naman sa ganun ang hindi ako marunong magpasalamat.At para saakin naman ay ikaw yung nagkusang-loob na tulungan ako.At hindi na ako kasali roon" galit kung sabi at akmang bubuksan na sana ang pinto ngunit nakalocked ito.
"Be my girlfriend!!!" positibong alok ng lalake.GIRLFRIEND??Seryoso ba siya ,ehhh kakakilala kolang naman sakanya.
"Nahihibang Kana Ba!" kunot-noo kong sabi.
"You owe me your life and there's no reason you would paid me for it? 5 months na magpapanggap tayong magjowa.Kailangan nating magpanggap sa harap ng Ex-Girlfriend ko"
"Pasensya.Pero hindi ko talaga gagawin yang bagay na yan.At saka kailangan kopang maghanap ng trabaho para mabayaran namin ang mga utang namin"
"Then i'll pay you.Sa bawat pagpapanggap natin bilang maggf at bf babayaran kita ng 50k.It is big enough right?"
Nanlula ang mga mata ko ng marinig iyong alok niya na 50k.Mas masahol pa sa pagtratrabaho ko bilang tindera kesa maging gf lang ng isang rich guy ang sahod ko.Kaya nang walang pagaalinlangan ay agad na tinanggap ko ang alok na ito ,dahil sa mga sandali ding ito ay kailangan na kailangan namin ng pera.
Nalaman ko din ang pangalan niya ay 'Devone Jazz Emualde' isang sikat na modelo sa isang sikat na brand sa pilipinas.Mayaman sila gaya ng sinasabi ko kanina ,hindi naman masama kung magpapanggap kami ng 5 months at isa pa hindi naman ako magkakagusto sakanya.