Chapter 4: Meeting again

1606 Words
Ang sabi nga nila na kahit ano pa kalawak at laki ng mundo dadating ang pagkakataon na liliit ito. Na kahit ano po pang-iwas ay magkikita at magkikita kayo. (Ellena’s POV) His eyes were looking at me. Nakatayo ako sa gilid ng poste ng ilaw. Madilim yung paligid ko mabuti na lang na may ilaw sa aking kinatatayuan. Nandito ulit siya? Napayakap na lang sa sling bad na aking dala. Yung mga tingin niya sa akin ay parang hinuhubadan niya ako. Nakakrindi at nakakatakot. He has the looks pero alam na alam ko yung magalawang manyakis kagay ng lalaking iyon. Agad akong yumuko at dali-daling humakbang. Iisa lang yung entrance ng bahay aliwan na aking pinagtrabahuan. Wala na akong takas sa lalaking nakatayo malapit sa kaniyang kotse. Buong lakas akong hinarap at hindi ako napatinag. Yung buong akala ko na hindi niya ako papansinin ay iba pala. Ramdam ko ang pagpigil niya sa akin sa pamamagitan ng paghawak niya nang mahipit sa kanang braso ko. Bulong niya pa, “akala mo ay titgilan kita?’ Hindi ko na inalam kung ano ang expression sa kaniyang mukha. Pinilit kong kinalas ang aking braso hanggang sa nagawa ko. Hindi ko siya tiningnan sa halip ay dali-dali akong pumasok sa bahay aliwan. Yung lakas ng pintig ng aking puso ay parang kabog na ng musika ng aking pinagtabahuan. Pagkapunta ko naman sa dressing room para magpalit ng damit ay nakita kong nakaupo yung nagmamay-ari ng lugar. Sa kanang mga daliri nito ay nakasuksok yung yosi na kakagamit niya lang. Umihip siya saka bumuga kaya hindi ko na pigilang umubo. Masayang saad niya pa, “nandito na pala yung star starlet natin ngayong gabi.” Kitang-kita ko naman yung gold sa mga ngipin niya habang ngumingiti ito. “Be a good gurl okie?” Kahit hindi siya bihasa sa ingles ay nakaya nitong sabihin ang mga katagang iyon. Panay ngiti niya sa akin na tila ay wala siyang ginawang mali kahapon. Inagat niya ang kaniyang kamay at agad akong lumapit sa kaniya. “Pasayahin mo mga panauhin natin ngayong gabi.” Sabay laro niya sa mahaba at maitim kong buhok. Hindi naman ako nagulat nang magsalita siya. “Ang bango mo naman. Mabuti iyan pinaghandaan mo.” Parati siyang ganito kapag maganda yung kita ng bahay aliwan. Sabi ko naman, “kailangan ko ng magbihis.” “Sige, sige. Galingan mo ha.” Sabay hampas niya ng aking pwet. Sa pagbihis ko ay napatitig ako sa litrato ng aking asawa. “Sana magkaroon ako ng magandang buhay para umahon naman ako mula sa lugar na ito.” Bulong ko sa aking sarili. Manipis, kaunting balot at makintab ang kulay pula na aking suot. Alam kong mapapatitig ko ang mga lalaki mamaya pagkalabas ko ng intablado. Bati pa nang mananayaw na kagaya ko. “Parang gumaganda ka araw-araw ha.” Pagsasalita niya habang nagpapaganda. “Hindi naman.” Tinuro niya ako gamit yung brush na hawak niya. “Huwag nga ako Ellena. Kung hindi ka lang top starlet dito siguradong pinaalis ka na ni Madam.” Napatingin naman ako sa matandang babae nuknukan ng mukhang pera. Nakapalibot ang ilang lalaki sa kaniya habang nagsasalita ito. “Ang matabang iyon hindi alam kung paano umalaga ng mismong bumubuhay sa kaniya at sa bahay aliwan na ito.” Sumbat ng kausap ko. Marahang sabi ko naman ng mag-lipstick ako ng kulay pula. “Hayaan mo na siya.” Buntonghiningang sabi ko pa. “Kung hindi dahil sa kaniya hindi tayo makakakain ng tatlong beses sa isang araw.” Gulat namang sabi nito na kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin na nasa aming harapan. “Wow, sa dami-daming ginawang mali niya sa iyo nagawa mo pa siyang ipagtanggol?” Sumbat ko naman. “Bakit kapag umalis ba ako sa trabahong ito ay may tatanggap pa sa isang katulad ko? Hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang high school lang ako. At lalo na wala akong alam na trabaho bukod dito.” Pagpupunto ko pa kaya napaisip siya. Inilagay niya naman ang peke niyang pilikmata. Pagsasalita niya pa. “Kaya tanggapin na ang natin an gating kapalaran.” Sabay alis niya at pag-iwan sa akin. Tumingin ako sa salamin at kahit ako ay napapaisip. Yung sabi nila na maganda at matalino ako pero bakit ganoon? Ganito ang aking kapalaran. Ginalaw-galaw ko naman yung mukha ko. “Hindi ko man lang hawig si Itay at Inay.” Bulong ko pa. Maya’t maya ay may dumating na bading. Panay hampas niya sa pamaypay nahawak nito hanggang sa ako na ang nilapitan niya. “Bilis! Bilis!” Nanggagalaiting sabi niya pa. “Marami tayong customer! Huwag niyo nang paghintayin.” Tumingin siya sa akin. “Ikaw Ellena.” At atensyon ko ay nakuha niya. Nakatitig ako sa kaniya at nakikinig habang dada ito ng dada. “Ilang minuto mula ngayon ay ikaw na ang lalabas. Galingan moa ng paggiling ok?” Tumango naman ako sa kaniya sabay pakita ng pinipilit na pagngiti. Hinawakan niya ang mukha ko at ginalaw ang pagmumukha ko. “Ang gandang babae mo talaga!” Pagsasalita niya sabay alis nito. Nagsimula nang tugtog yung sayawin namin. Kinuha ko ang maskara at isinuot na tanging kalahati ng aking mukha ang nakikita. Kumuha ako ng pabango at nilagyan ang magkabilang leeg ko. Tinali ko naman ng mabuti ang aking likuran para kahit anong giling ko ay hindi bababa. Panay taas at baba ko sa aking kamay at sinabayan ko pa nang pagkukumpas na parang swan. Alam kong nabiyayaan ako ng malambot na katawan kaya maraming nagigiliw sa bawat giling at hawi ko. “Ellena ikaw na!” Sigaw ng baklang nakatindig sa pasukan ng mga mananayaw. Buong lakas akong humakbang suot ang mataas na taking na sapatos. Kitang-kita ko ang makukulay na ilaw at napakahabang pole na naging kaibigan ko sa ilang taon kong pagsasayaw sa bahay aliwan na ito. Pagkahaw ko naman sa naturang pole ay umiba ang kanta. Gaya ng aking iniisip sipol at sigawan na may palakpakan pang kasama ang aking naririnig. Nanliliit man ako sa aking sarili pero heto ako… ganito ang aking pangkabuhayan. Kaya hindi lahat ng tao ay gusto ang trabaho. -_-_-_-_- Titig na titig si Tristan sa napakagandang si Ellena. Nakahawak ito sa mamahaling glass of wine. Hindi niya magawang tingnan ang kaniyang inumin dahil napapako na ang mga mata nito sa bawt giling ng babaeng kinababaliwan niya ngayon. Umabot sa puntong nagkatitigan silang dalawa. Titig na hinding-hindi makakalimutan ni Tristan. “Mapapasaakin ka rin.” Pagpapangako niya sa kaniyang sarili. “I will do everything just to own you.” Sa pagsabi niyang iyon ay ininom niya yung wine na nasa glass nito. Habang abala si Tristan sa ibang babae ay siya namang paghihintay ni Lianne sa kaniya. “Hanggang anong oras ba yung overtime niya?” Malungkot na saad ni Lianne habang naghihintay ito sa hapagkainan. Napatingala siya sa orasan na nakikita nito mula sa kaniyang kinauupuan. Bulong niya pa. “It was nine in the evening.” Napatitig sa cellphone na nasa mesa. “Kahit tawag or text hindi man lang niya magawa?” Hindi alam ng maybahay kung ano baa ng magiging pakiramdam nito. Marami siyang pagkain na hinanda na siya mismo ang nagluto. Sa pagtingin niya sa mga kasambahay nitong nakatindig malapit sa pader ay pinasabihan niya ang mga ito. “Hali kayo.” Paanyaya niya pa. “Sabayan niyo ako sa pagkain ng hapunan.” Nasipagtitigan ang mga kasambahay niya. At hindi na silang umimik kundi sinunod ang utos ng kanilang amo kung saan ay ginugusto rin ng mga ito. Sabi pa ng isa habang kumaian. “Napakabait mo talaga sa amin Ma’am Lianne.” Napangiti na lang sa kaniya si Lianne habang sila ay kumakain. Sa bawat nguya at kain niya ay napapaisip siya sa kaniyang asawa na si Tristan. Kung nakakakain na ito, o di kaya ay pagod na pagod sa kaniyang gawain sa opisina. Habang nilalasap nila ang hapunang hinanda ni Lianne ay iba naman ang putaheng gusto ni Tristan. Nasa kalagitnaan na nang pagsasayaw si Ellena nang lumapit si Tristan sa matabang babae na nagmamay-ari ng bahay aliwan. Diinang sabi naman ng asawa ni Lianne. “Gusto kong i-table yung babaeng iyon!” Sabay duro niya kay Ellena na napakagiliw na sumasayaw. Ginalaw-galaw naman ng matabang babae ang ulo nito sabay kumperma. “Si Ellen aba ang tinutukoy mo?” Tumango ang lasing na Tristan sa sinabi niya. Daretsahang sabi ulit nito. “Hindi, bawal.” At inalis yung atensyon sa nanggagalaiting si Tristan. Maya’t maya ay lumapit na rin ang mga kaibigan ni Tristan. “Pare, gabi na umuwi na tayo.” Paanyaya pa ng mga ito. Hinawi naman ni Tristan ang mga kamay nila at kinausap ulit ang matabang babae. “Magkano ba?” Nangulangot naman ang matabang babae. “Hindi siya binibinta o pinabibili. Sayaw lang ang offer na pwede.” Kinuha naman ni Tristan ang pitaka nito at nagpalabas ng sampong libo. “Ayan!” Tumawa naman ang matabang babae sabay hagis ng pera ni Tristan pabalik sa kaniya. “Nagbibiro ka ba?!” Sabay tawa pa nito. Sa inis ni Tristan ay hinubad nito ang mamahaling relo niya na regalo ni Lianne sa kanilang wedding anniversary. “Pinakamahal na rolex watch yan!” Nanlaki naman ang mga mata ng matabang babae at tinignan ang relo. Nang mapagtanto niyang napakamahal ang relo na katumbas ng isang milyon ay tinawag niya agad ang atensyon ni Ellena. “Ellena! Ellena!” Napahinto naman ang babae sa pagsasayaw at napatingin sa amo nito. “Hali ka nga dito!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD