Chapter 2: One night

1299 Words
Habang nagkakaroon ng kasiyahan sina Lianne at ang mga taong kasama nito ay kasalungat ang nangyayari kay Ellena. “Baba pa! Baba pa!” Sigawan ng mga lalaki habang nagsasayaw si Ellena sa isang pole na nasa gitna ng intablado. Ayaw man nito ang kaniyang ginagawa ay wala naman siyang magagawa. Yung mga luha niya ay napapawi ng mga pawis sa kaniyang katawan. “Kung may magagawa pa ako.” Pagbubulong niya pa. “Pero wala.” Sabi niya habang sumasayaw ito sa harap ng mga taong binabayaran siya. Sigaw pa ng isa, “pahipo naman!” “Isang halik nga diyan!” Sabay halakhak ng mga ito. Sa inis ni Ellena ay umalis ito sa intablado. Dala yung hiya, panliliit sa sarili at iyak na hindi niya na matago-tago. Agad niyang hinampas ang nadakip niyang twalya sa luob ng silid na kaniyang pinuntahan. Aad naman siyang nilapitan ng mga kasamahan niyang mananayaw at pinagsabihan siyan. “Huwag ka nang umiyak.” Patahan ng kasamahan nito habang hinahaplos ang kaniyang likod. “Ilang oras lang yung sayaw na iyon. Kaya huwag mon a lang isipin ng mabuti yung mga manyakis na iyon.” Dagdag pa ng isang babaeng lumapit sa kaniya. Maya’t maya ay dumating ang isang matandang, mataba na may hawak na pamaypay. “Asaan si Ellena!” Pagsisigaw nito kaya tumalikod ang mga tao sa kaniya at humarap. “Nasaan na ang babaeng iyon!” Para siyang dambuhalang isda na ngumunguyaw sa lakas ng kaniyang boses. “Iharap niyo siya sa akin!” Galit niya pang sabi. Hindi naman magawang gumalaw ni Ellena sa kinatatayuan nito. Punong-puno siya ng galit, inis at panliit sa sarili. Nang maaninag siya ng dambuhalang babae na nagmamay-ari ng bahay aliwan ay nilapitan nito si Ellena. “So, nandito ka pala.” At marahang hinaplos ang mahaba nitong buhok. Pautal namang sabi ni Ellena sa kaniya. “Madam eh kasi—“ At isang malakas na sabunot at sampal ang ibinigay niya kay Ellena dahilan na sumalampak ito sa sahig. Hindi naman magawang tulungan siya ng kaniyang mga kaibigang mananayaw dahil sa takot at pagkabahala. Napahawak pisngi na lang si Ellena sa marahas na ginawa ng kaniyang amo. “madam naman.” Pangiyakngiyak niya namang sabi. Dinuro siya ng dambuhalang babae na hawak-hawak nito ang pamaypay na kulay pula. “Huwag mo akong sasabihan ng mga palusot mo Ellena ha! Sumayaw ka o magugutom ang pamilya mo!” Pagbabanta niya pa. Tamang-tama naman na dumating ang kaibigan ni Ellena na si Anna Belle. “Hoi, Madam! Abuse na yang ginagawa mo.” Sa pagsabi niyang iyon ay lumingon sa kaniya ang matandang babae. “Huwag mo akong pagsasabihan ng ganiyan!” At inangat ng matandang matabang babae ang kamay nito na nagbabadya na sasampalin niya si Anna Belle. Sigaw naman ni Anna Belle sa babaeng nasa harapan nito. “Gawin mo iyan! At siguradong makukulong ka! I will file a case at sisiguraduhin kkong mabubulok ka sa kulungan!” Napatigil ang matabang babae sa kung sana ay gagawin nitong pagsasampal sa kaibigan ni Ellena. Bulong naman ni Ellena sa kaibigan nito. “Umalis ka nga, mapapahamak ka pa sa gagawin mo eh.” Hindi pa na kuntento si Anna Belle at pinasabihan ulit ang matanda. “Tandaan mong si Ellena ang bumubuhay sa bahay aliwan na ito!” Sa halip na sampalin nito si Anna Belle ay isang malakas na tulak ang ginawa ng matandang bababe sa kaniya. “Magsama kayong dalawa!” Sabay alis nito kasama ang ilang mga lalaking nagbabantay sa kaniya. “Akala mo kung sino! Ikaw kaya ang sumayaw sa intablado!” Sumbat ni Anna Belle habang nakaupo ito sa sahig. Niyakap naman siya ni Ellena. “Mabuti at dumating ka, kung hindi bugbog naman ang aabutin ko.” Umiyak ang nakakaawa niyang kaibigan kaya pinatahan niya ito. “Huwag ka nang umiyak. Papangit ka niyan.” Sabay haplos niya sa ulo ni Ellena. “Hali ka nga.” At tumayo silang dalawa. Inayos ni Anna Belle ang damit ng kaibigan. “Ano kasi ang nangyari?” Pangungusisa nito. “Nakaramdam lang ako ng panliliit sa sarili.” Saad niya habang niyayakap nito ang kaniyang sarili. “Yung trabaho kong ito.” Pagpupunto niya pa. “Malaki nga kinikita ko pero an hirap, ang hirap talaga.” Hinawi naman ni Anna Belle ang mga luha ng kaniyang kaibigan. “Hayaan mo, sa tamang panahon ay magiging maayos rin lahat.” At bahagyang tumahan si Ellena sa sinabi ng kaibigan nito. “Marangal ang trabaho mo, tandaan mo iyan.” Napayuko si Ellena. “Kaysa magnakaw ka.” Dagdag pa nito. Panay tango ni Ellena sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Saad niya pa, “tama. Tama ang sinasabi mo.” “Ililibre kita ng drinks gusto mo?” Pangiting sabi ni Anna Belle sa kaniyang kaibigan. Napatawa naman si Ellena. “Nakalimutan mong guro ka?” “Eh, ano naman ngayon?” Pagyayamot ni Anna Belle. Lumakad sila papunta sa locker area. “Kapag may makakita sa’yo rito at sasabihing—“ Pa-kwelang sabi ni Ellena sa kaibigan nito. “Guro ka, nag-iinom ka? Nandito ka sa bahay aliwan?” Isang hampas naman sa likod ang ibinigay ni Anna Belle sa kaibigan nito. “Sabado ngayon, walang trabaho.” Tinuro niya ang kaniyang damit. “Hindi ako nakasuot ng skul ID, at lalo na yung school uniform.” Pagpupunto niya pa na ikinangiti ni Ellena. “Hindi ko naman ikakalandakan kung sino ako at yung trabaho ko. We have our freedom Ellena, and I will use it.” “Palagi mo iyang sinasabi.” Patawang saad ni Ellena sa kaibigan nito. “Magbibihis lang ako.” Saka umalis siya at nagtungo sa palikuran. Ilang minuto ang paghihintay ni Anna Belle ay siyang pagdating na ni Ellena. “Formal na formal ah.” Pagbibiro nito sa kaibigang nakasuot ng napakasimpleng damit pero bakat na bakat yung hubog ng kaniyang katawan at napakagandang mukha. “mabuti lang at hindi nagagawi yung asawa ko dito.” Dagdag pa nito. “Kundi, sguradong magugutuhan ka niya.” At tumawa silang dalawa. “Huwag ka nang ganiyan. Loyal kaya yung asawa mo sa iyo.” Saad ni Ellena nang lumalakad sila papalabas sa naturang bahay aliwan. Habang naglalakad sila papalabas ng lugar na iyon ay siya namang pagbangga ng lalaki ng balikat nito sa balikat ni Ellena. Nagkatitigan silang dalawa. Saad pa ng lalaki habang nakapako ang mga tingin nito sa napakagandang si Ellena, “I am sorry. I did not mean it.” Parang natural lang kay Ellena ang nangyari, “it is fine. Sa susunod mag-ingat kayo.” Marahang pagsasalita nito sa lalaking nakabangga sa kaniya. “I should treat you for the cause na ginawa ko.” Sabay ngiti nito. Hinawi ni Ellena ang kaniyang kamay noong ibinigay nito ang kaniyang telepono. “Sorry, but I don’t need it.” Ginagawa nito ang pagtatanggi lalo na sa mga lalaking ganito ang mga galawan. “Just treat your friends.” Dagdag pa nito. Agad namang hinawakan sa braso ni Anna ang kaniyang kaibigan. “Umalis na tayo.” Paanyaya pa nito. Tumango si Ellena sa kaniyang kaibigan at lumakad sila papalayo. Nakatitig lang ang lalaki sa kanila hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin nito. “Tristan! Ano bay an? Ngayon lang may tumanggi sa isang Tristan Roblez?” Pambu-bully ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Pang-aasar pa ng mga ito. “Isang araw ka palang kasal yung mga tingin mo kanina sa babaeng iyon ay parang wala kang asawa.” Sabay tawa nila. “Walang tumatanggi sa isang Tristan Roblez, sisiguraduhin kong mapapsaakin siya.” Diinang saad ni Tristan nang mapahiya ito sa kaniyang kaibigan. “Aangkinin ko siya ng buong-buo.” Dagdag pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD