(Lianne’s POV)
I am pretty sure na ito ang araw na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Walking in the aisle wearing a beautiful gown. Naaaninag ko si Tristan mula sa malayo. He is so handsome with the white suit that he is wearing. I can’t compare my feelings right now or should I say na, hindi ko maipapaliwanag yung saya na aking nararamdaman. Most of the girls ganito yung pangarap kagaya ko. Ang maikasal sa lalaking mahal na mahal ko at mahal din ako. We’ve been together for a long time. Although my parents don’t like him because of his background as babaero ay pinaglaban ko siya. He has those thoughts and promises na, hindi na siya hahanap ng iba at magbabago na siya kung saan ay nangyayari naman. Tristan is so different now, and I do hope na ang kasal na ito ang magbibigkis pa sa amin to be bold, strong and firm sa kahit anong bagyo at pagsubok sa aming relasyon bilang mag-asawa.
My Dad, Kim Han is on my right side. Ramdam ko yung paghawak niya ng mahigpit sa aking kamay. Nanginginig man siya pero alam kong yung saya rin ang kaniyang nararamdaman kagaya ko. Si Mom, Doctor Ellise Han sa kabilang side ko ay napapaluha at panay hawi niya sa mga patak na nasa kaniyang mukha. I have a perfect family and wealthy life. And soon, I have a perfect husband na hiningi ko at ibinigay narin ng itaas sa akin.
(Elena’s POV)
Yung lungkot ko hindi mapawi-pawi. Habang dinadampi ko ng yelo ang mukha kong kakasuntok ng aking asawa. Hindi ko naman kasalanan na maganda ako at kaakit-akit. Na kung saan sa bawat lakad ko kung saan ay napapansin ako ng mga lalaking nadadaraanan ko. Ilang araw pa lang kaming kasal but my life with him ang gulo. I was forced to marry him sa tawag nang pangngailangan. Pero yung pagmamahal wala sa aming dalawa. Siguro sa kaniya meron, pagmamahal sa aking katawan but the deep feeling of a true love hindi ko mahanap-hanap sa kaniya.
“Bakit panay pag-iiyak mo diyan?!” Sigaw niya sa akin habang hindi ko parin tinanggal yung kamay ko sa pisngi ko habang nakahawak ng yelo. “Tumahan ka nga! Nakakainis ka!” Pagdadabog niya pa habang lumalakad ito palayo.
Sabi nga nila, ang sayang kong tao. Matalino, maganda at kaakit-akit pero hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sino ba ang sisihin ko to have a wicked life that I have? Lumaki akong walang ina at yung tatay ko namang si Reynold ay lasinggero. So, what do you expect? Ayaw ko namang sisihin yung tagapaglikha dahil ang sabi nga nila, lahat na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Oo, dahilan na luluha ako, iiyak at ang buhay ko na maging miserable. Ganoon ako ang ibig kong sabihin, ganito ako. At kung iisipin nga, alam ni Rolando na ang aking trabaho ay isang prostitute pero kahit minsan hindi niya man lang magawang pigilan ako sa masama kong ginagawa. Like, hey! I am your wife, ayos lang ba sa iyo na may kasiping ako na ibang lalaki?
Hindi ko naman kinahihiya yung trabahong meron ako. To think na malayo sa pagnanakaw diba? Mas masama iyon.
Aanhin ko naman yung pagiging matalino, if in the first place alam ko kung saan ako lulugar.
(Lianne’s POV)
While having the ceremony napapansin kong hindi mapalagay si Tristan. I guess kabado siya o may iniisip na iba. Kung tuos-tuosin pari kaming nararamdaman. Mixed emotions lalo na sa magiging expectation ng aming mga magulang. What I know for now my heart fills with so much happiness.
This is the best day of my life, hindi ko alam kung ano ba ang angkop na mga salita sa aking nararamdaman. Masaya sa pakiramdam na maikakasal ka sa lalaking pinapangarap mo, sa lalaking alam na alam mong mahal ka sa kung sino ka. I know I am not pretty yet there is a guy who loves me beyond of my physical ascpect. At susuklian ko ang pagmamahal na binigay ni Tristan sa akin. Kahit marami yung nagdududa sa relasyon namng dalawa. Pero sino ba ako na hindi magbigay ng pagkakataon diba? Kung ang Tagapaglikha nga nagbibigay ng kapatawaran, ako pa kaya?
-_-_-_-
Kung iisipin ito ang araw ng kasal nina Lianne Han at ang mayaman nitong kabiyak na si Tristan Roblez. Bilang nag-iisang anak nina Kim at Doctor Ellise ang tanging gusto nito ay mapasaya ang kaniyang mga magulang. Lumaki man siya sa marangyang buhay at nagging CEO sa edad na dalawangpu’t-anim ay ang pagiging simpleng tao ang umiiral sa kaniya. Hindi man siya kagandahan kagaya ng iba ay napapalibutan ito ng mga taong nagmamahal sa kaniya.
Sa paglakad niya sa aisle ay hindi maalis-alis ang mga titig ng tao sa kaniya. Habang si Tristian ay naghihintay sa kaniya na nakangiti at napapaluha. Ang damit niyang napakaganda, napapalibutan ng mga palamuti at ang mga paligid na lutang na lutang sa kagandahan.
“Magkano kaya yung gastos nila sa ganito?” Manghang tanong nang tagakuha ng litrato nina Lianne at Tristan.
Bulong ng kasamahan nito. “Narnig ko kanina nasa pitong milyon.”
Nanlaki naman ang mga mata ng kaniyang kausap. “Yung totoo?” Tumango ang kaniyang kausap. “Yung church venue pa lang?” Gulat niyang sabi kaya napalingon ang mga taong nasa paligid nila.
Agad na inilapat ng kasamahan nito ang kaniyang kamay sa bibig ng kaniyang kaibigan. “Manahimik ka nga.” At ngumiti siya sa mga taong lumingon sa kanila. “Magtrabaho na nga tayo.” Bulong nito at agad silang umalis.
Buong tao sa simbahan ay nagsisigawan nang sinabihan na ng pari si Tristan na ngayon ay kabiyak na ni Lianne. “You may now kiss the bride.” Namula naman ang mukha ni Lianne nang marinig niya iyon mula sa paring nagkasal sa kanila.
Hinawi naman ni Tristian ang kaniyang belo. Hinawakan ang kaniyang mukha at marahan siyang hinalikan sa mga labi. Saksi ang lahat sa halik na nag-isa sa kanilang dalawa. “Let us celebrate for Mr. and Mrs. Roblez!” At naghiyawan ang lahat ng mga tao sa luob ng simbahan.
Hinawakan naman ng mabut ni Lianne ang kanang braso ni Tristian. “You are now all mine.” Masayang saad nito na hindi man lang makatingin si Tristan sa kaniya.
“Tumingin po kayo dito Mr. and Mrs. Roblez!” Tawag pansin sa kanila ng taga-kuha ng litrato. “Ready?” Tumango naman silang dalawa. “One, two, three… Smile!” At hindi mawalawala yung ngiti sa mukha ni Lianne.