NAG PUNTA ng mall si Sandoval para bumili ng kanyang mga kakailanganin ngunit, saglit lang siya sa grocery agad din siyang bumalik sa parking lot.
Nakasakay na siya ng kanyang kotse at pinaandar ito. Gustong gusto na niyang makarating sa condo dahil may gagawin pa siyang mga lay out ng mga design na hiniling ni Santi sa kanya.
Napa hinto siya ng humarang sa kanya ang dati niyang nobyo si Jason.
binaba niya ang bentana sa driver side at dinungaw ang ulo " Ano ang ginagawa mo?"
" Babe, pwedi ba tayo magusap?" ani Jason na malungkot ang mukha.
" Wala na tayo, dapat pag usapan. Ni loloko muna ako." tugon niya.
" Baka pwedi mo naman ako babain at pag usapan natin to ng maayos." hinawakan nito ang kamay niya nakapatong sa may bentana ng sasakyan.
Matagal na rin niya itong hindi nakita kahit papano naging bahagi din ito ng buhay niya." Halika sakay ka."
Agad itong umikot sasakyan at umupo sa tabi ng driver seat.
" Sandy, alam ko malaki ang kasalanan ko sa iyo. Alam kung nasaktan kita. Sana mapatawad mo ako." nagsumamo ang boses nito.
" Bakit mo ako niloloko?" tanong niya rito na hindi inalis ang mga mata sa daan.
" Yon nga ang mali ko, nagpapadala ako sa bugso ng damdamin ko. Hindi ko na inisip na masasaktan ka." anito nakatingin sa kanya.
Hinawakan siya nito sa kamay ramdam niyang bibigay ang puso niya para rito.
" Ano ba nagmamaneho ako." angel sa maharot na boses
" Maropok ka girl"sigaw ng isipan niya
Pinapasok niya ito sa condo ng makarating sila. Hinarot harot siya nito
" Ano ba" aniya sa maharot na boses.
" Na miss kita babe." bulong nito sa kanyang taenga nakayakap sa kanya mula sa likuran.
Bumigay ang puso niyang marupok humarap siya rito at niyakap niya ito "na miss din kita."
Hinalikhalikan siya nito sa taenga " ano ba nakikiliti ako." kinikilig niyang sabi
" Hmmm, ito ang paborito kung parte ng katawan mo." kinagatkagat nito ang dulo ng kanyang taenga.
" Babe?" bumaba ang mga kamay nito at marahan pinasok sa kanyang panloob
Tumirik ang kanyang mata sa kakaibang nararamdaman ng haplos haplosin siya nito.
" Babe." ulit nito
" Yes?"
" Kailangan ko ng pera." banayad na hinaplos ang ibabang bahagi niya.
Napa kunot-noo siya sa sinabi nito at na itulak niya. Nagbibigay siya sa abot ng kanyang makakaya lalo na sa tao mahal niya. Pero hindi niya hinahayaan na gagamitin ng mga ito ang kahinaan niya sa mga lalaki.
" Kung nagbalik ka para perahan ako pwes nagkakamali ka." inis niyang sabi rito.
" Binigyan na kita noon lahat ng gusto mo binigay ko, pero ano niloko mo ako? Ngayon nagbalik ka dahil kailangan mo ng pera? Mahina ako sa pag ibig pero hindi ako nag pakatanga. Wag mo akong gawin puhunan sa mga luho mo magbalat buto ka."
" Babe, hindi naman kita pinaperahan wag ka naman mag isip ng ganyan. Kailangang kailangan kolang talaga ng pera" anito pilit siyang niyayakap.
" Wag mong gamitin ang kahinaan namin mga bakla." winawaksi niya ang mga kamay nito.
" Mahal naman kita" pilit nitong hinuhuli ang mga kamay niya.
" Mabuti pa umalis kana." taboy niya rito
" Hindi mo naba ako mahal?" tumingin ito sa kanyang mukha
" Minahal kita, binigay ko lahat ng gusto mo, pero hindi iyon naging sapat sayo. Hindi ko ikakamatay mawala kayo sa buhay ko. Dahil hindi lang ikaw ang nag iisang lalaki sa mundong ito." tumalikod siya rito.
Hindi niya nakita ang pagtalim ng tingin nito. Agad siya nitong sinakal. Pilit siyang kumiwala mula sa pagkakasakal nito.
" Ano ba bitawan mo ako." pilit siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak.
Hiniga siya nito." Ikaw bakla ka wag kang maging madamot. Kunti lang naman ang hihingin ko sayo, pa ayaw ayaw kapa ha." anito pinag sasapak siya sa mukha. Saka pinagtatadyakan at hinila ang kanyang isang paa. Wala itong tigil hanggang sa mawalan siya ng malay. Kinuha nito ang kanyang wallet at mga gadgets.
Saka nagmamadali itong lumabas ng condo kanyang condo.
KINAKABAHAN si Jolo ng madaanan niya si Jason sa labas ng sasakyan ni Sandoval. Nakita niya ito kanina sa parking lot pero hindi niya nakuhang lapitan ang mga ito dahil sa Inisip niyang magbabalikan ang dalawa ngunit tila may nag udyok sa kanyang puntahan si Sandoval.
Tinungo ni Jolo ang condo ni Sandoval para tignan ito. Naka ilang katok na siya ng hindi ito sumagot. Pinihit niya ang siradora ng pinto at bumukas ito mula sa pintuan natanaw niya ang mga nagkalat na gamit nag mamadali siyang pumasok sa loob, nakita niya si Sandoval nakahiga at walang malay putok ang mata at bibig nito.
" Sandoval? “ Sabay yug-yug niya rito ngunit hindi ito gumagalaw. Agad siyang tumawag ng ambulance.
Tinawagan ni Jolo ang telephone number ng bahay nina Sandoval ng madala ito sa hospital. Hinanap niya ang mommy nito.
" Hello tita Mila, si Sandoval po dinala ko sa hospital." bungad ni Jolo sa ina ni Sandoval ng sagutin nito ang tawag narinig niya umiyak ang ginang sa kabilang linya at sinabi nito sa asawa ang nangyari kay Sandoval.
" Pabayaan mo iyang anak mo. Malamang lalaki niya ang gumawa niyan sa kanya." narinig niya sabi ng ama ni Sandoval.
Agad siya nagpaalam dito sa ina ni Sandoval naawa siya sa kaibigang bakla.Hindi man lang nabahala ang ama nito.
Nag si datingan ang mga kaibigan nila matapos ipaalam ang nangyari kay Sandoval.
" OMG!” pagtitili ni Santi ng makita ang putok na mukha ni Sandoval.
“ Ano ang nangyayari sa kanya?” Tanong ni Aryana kay Jolo.
“ Hindi ko alam na datnan ko siyang walang malay sa condo niya. Nakita ko rin huli niyang kausap si Jason.” kwento niya sa mga nag alaalang kaibigan para kay Sandoval.
“ Kawawa naman si Sandy. Surely maiiyak yan pag nakita pumangit na siya.” ani Santi.
“ Malamang si Jason ang gumawa niyan,” sabad ni Christian.
“ Antayin nalang natin magising si Sandy para siya na ang mag kwento sa atin at mahuli ang gumawa nito sa kanya.” ani Aryana
Dumating ang ina ni Sandy, panay ito iyak ng makita ang hitsura ng anak. Mag isa lang itong dumating dahil hindi pa kaya ng ama niya ang makita siya.