HINDI siya mapakali sa kanyang inuupuan. Kahit anong pilit niyang ipasok sa kanyang isipan ang nangyayari pero wala talaga. Nag angat siya ng tingin. Nag kasalubong ang kanilang mga mata ng mga kaibigan kanina pa nakatingin sa kanya at nag aakusa ang mga tingin sa kanya.
“ Ano ba?! kung makatingin kayo sa akin, para akong criminal.” angil niya “ Umupo nga kayo.”
Sabay sabay umupo ang kanyang nga kaibigan sa harapan niya.
“ Paano na ngayon yan bekla? Lagot ka kay Aby.” Ani Santi sa kanya.
“ Ano ang sinasabi ni Aby sayo?” tanong ni Jolo
“ Hindi ko siya nakita pagka gising ko.” tugon niya rito. Saka kumunot ang kanyang noo tumingin sa mag asawa magkatabi na upo sa kanyang harapan.
“ Hindi niyo ba ako pinaprank?” aniya sa dalawa.
“ Kilala mo ako bekla ha hindi ako mahilig sa ganyan.” ani Aryana pinag cross ang mga braso sa dibdib nito
“ Sasabihin ba natin kay Aby na buntis siya?” sabad ni Santi
“ Kagabi pa nangyari buntis agad?” angil ni Jolo "hindi ba pwedi nag lilihi muna siya?” dagdag pa nito.
“ Pwedi ba mag seriouso kayo, seriouso ang usapan. Nakasalalay ang buhay ni Sandoval dito.” untag ni Aryana sa mga kaibigan.
Napa kunot noo naman siya sa sinabi nito.” Anong nakasalalay ang buhay ko?”
“ Diba ginahasa mo si Aby? Paano kung mag susumbong siya sa pulis. Naku Mamang makukulong kana.” tugon ni Aryana pinalungkot ang mukha.
“ Grabe! naman siya makapag bentang sa akin. Wow! Kala mo nandun siya.” Angil niya rito. “ Walang gahasaan nangyari ui, pinagsasabi mo diyan.” inirapan niya si Aryana nakatingin parin sa kanya
“ Paano kung yong dugo nandun sa kama mo. Ketchup pala yon.” sabad ni Christian.
" Ito naman, nakakabobo naman ‘yang ketchup mo. Paano na punta ang ketchup sa kama?' saad ni Jolo
Nagkatinginan si Jolo at si Santi saka binaling ang tingin kay Christian." Ketchup ka boy?! saka binunutan ito ng tawa ng dalawa.
Napatingala siya sa bubong. “ Lord, pwedi mo po ba akong bigyan na matinong kaibigan kahit isa lang. Yong makapagbigay sa akin ng matinong payo. Please?” Sinundan niya iyon ng buntong hininga. “ Nababaliw na ako sa inyo!” bulalas niya sa inis “ Ano ba ang dapat gawin?” nalilito niyang tanong.
“ Ipa drugtest po.”
Sabaysabay silang napalingon sa pinang galingan ng boses. Nakita nila ang yaya ng bata hawak nito ang celphone halatang may kausap ito. Tinanong siguro ng kausap nito ang requirments sa pagkuha ng driver licens.
" Doon ka nga Maya." Baling ni Aryana sa katulong.
“ Tama! Ipa drugtest mo ang dugo nasa kama mo para malaman natin kung kay Aby ba iyon” Suhestion ni Santi.
“ Sira ulo karin. Blood test yon shunga!” bulalas ni Jolo kay Santi.
“Ewan ko sa inyo. Pwedi ba wag na muna kayo magsasalita lalo lang gumugulo eh. Hindi ako makapag isip ng maayos." angal niya sa magugulong kaibigan.
“ Ano ang gagawin natin?” ani Aryana
“ Paano kung wala lang pala iyon kay Aby, tapos nag overthink lang tayo. Na stress pa tuloy ako sa kakaisip saiyo bakla.” Ani Santi
“ Oo nga. Ito din si Sandoval grabe kung makapag isip.” ani Jolo.
“ Kumain na ngalang tayo.” aya sa kanila ni Christian at tumayo ito para magpunta ng kusina.
Halos magka sabay silang tumayo magkakaibigan sumunod kay Christian.
“ Paano kung mabuntis si Aby, ano ang gagawin mo bekla?” habol na tanong ni Santi
“ Tama na, hihirit kapa eh.” saway ni Jolo rito. “ Pero may point ka nga naman Santi.” pag sangayon ni Jolo.
“ Ano uupo paba tayo ulit para pag usapan pa iyan?” tanong niya sa mga kaibigan.
“ Wag na, nagugutom na ako, antayin nalang natin mag reklamo si Aby .” sabad ni Aryana
Nagtuloytuloy silang nagpunta sa kusina.
“ Kumain ka ng maraming sabaw, alam kung nagugutom ka, nakabasag ka kagabi bekla.” Tukso ni Jolo ng makaupo sila sa hapagkainan.
“ Tigilan niyo nga ako!” angil niya at nilantakan ang nakadapang lechon manok sa inis niya sa mga kaibigan.
“ Parang na dislocate nanga ang utak ko dumagdag pa kayo.”
Hindi sinasadya napatingin siya kay Jolo. Nakaupo ito sa katapat niyang inu-upuan. Nagkasalubong ang kanilang mga mata ngumiti siya rito.
Ngumiti ito ng matamis sa kanya. “ Excited na ako na magiging daddy ka.”
Parang sumabit sa kanyang lalamunan ang kinain niya sa sinabi nito.
“ Sira kaba, hindi naman ako type non.” aniya rito
“ Bakit type mo naba siya?"
" Eng-eng karin, ikaw kaya type ko." nakangiti niya tugon rito.
“ Tigilan mo nga ako. Magka baby kana nga.” hirit nito
“ Tigilan muna yan ha hindi na ako natutuwa.” saway niyang pinandilatan ito ng mata.
Matapos niyang kumain bumalik siya ng upo sa sala. Naisipan niyang daanan si Aby mamaya kung saan ito naka pwesto sa pag babalut. Kukumpruntahin niya ito kung bakit siya nito ginalaw.
“ Ano mamang ihatid naba kita? Kukunin natin sasakyan mo?” Untag sa kanya ni Santi nang malapitan siya nito sa sala.
“ Sasama ako sa inyo kukunin ko rin ang sasakyan ko naiwan.” ani Jolo sa kanila.
Nagpaalam sila sa mag asawa para bumalik sa club at kunin ang naiwan na sasakyan.
“ Santi, daanan muna natin ang pwesto ni Aby.” suyo niya rito ng nasa daan na sila papunta ng club kung saan naiwan ang kanyang sasakyan.
“ Bakit? pananagutan mo naba siya?” tanong ni Jolo sa kanya.
“ Hindi ah! siya mananagot sakin dahil sinakyan niya ang kahinaan ko .” napasimangot siya hindi niya lubos maisip na gagawin ito ni Aby.
“ Hala si bakla, ang lakas ng tama. Hoy, baka ipakulong ka ni Aby siya yong nawalan hindi ikaw!” ani Jolo sa kanya
“ Diba mamang may cctv sa condo? bakit hindi mo e check para malaman mo ano talaga ang nangyari.” suhestion ni Santi.
Napa isip siya tama nga. Baka makita niya sino pa ang kasama nila.” May utak ka din pala minsan.” aniya rito
“ Gusto mo ibangga ko to ng mahanap natin ang mga utak natin nawawala ha?”inis na tugon sa kanya ni Santi.
“ Wag, wag!” sabay na awat nilang dalawa ni Jolo.
“ Magpakabait kayo, ako ang nag mamaneho baka pag gising niyo, Ho u na kayo.” anitong inismiran si Sandoval.
mayamaya pa narating nila ang pwesto ni Aby, ngunit hindi nila ito nakita. “ Tinakbuhan na ako ni Aby!" Tili niya ng hindi makita si Aby.
Sinapok siya ni Jolo sa ulo." Itigil muna nga ‘yang kabalbalan mo" naiinis nitong saway sa kanya.
" Ano kaya ang nangyari bakit wala si Aby rito?” ani Jolo
“ Baka na pagud, ikaw kaya makikipag laban sa bakla.” tukso ni Santi sa kanya
“ Na kakapagud nga rin naman.” pagsang ayon ni Jolo tumingin sa kanya.
Ilang minuto sila naghintay ngunit hindi parin dumating si Aby, nag decision na silang puntahan ang club para makuha na nila ang sasakyan naiwan nila sa subrang kalasingan.
TATLONG ARAW ng hindi nakapag lalako si Aby. Saka palang nawala ang sakit ng ulo niya.” Iba pala ang alak ng mga mayayaman parang may sa kung anong nag dudulot ng sakit ng ulo ko.” bulalas niya sa sarili. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Sayang ang tatlong araw niya hindi siya naka paglalako. “ Babawi ako”
Nagpunta siya sa resort kung saan siya lagi naghahatid ng taho.
“ Aby, bakit na wala ka nang tatlong araw?” tanong sa kanya ng kanyang suki.
“ Napa sarap po kasi ang inuman ma’am. Nagka hangover ako. Tatlong araw din akong nakahiga. Nanghihinayang nga ako.” sabi niya rito na maypag sisi sa boses niya.
“ Hayaan muna lang ganon talaga, at least na bigyan mo ng oras ang sarili mo.” tugon nito.
“ Ma’am salamat nga pala na pinakyaw mo mga paninda ko ngayon.” aniya rito
Hinawakan siya nito sa bisig. " Alam mo Aby? nakikita ko kasi ang sarili ko sa iyo. Ganyan din ako dati halos patayin ko ang sarili ko sa kakayod para sa pamilya ko. Kaya ikaw ipagpatuloy mo lang ang kabaitan mo ang pag pursige mo. Maabot mo rin ang pangarap mo.” payo nito sa kanya.
" Salamat talaga ma’am.” masaya niyang sabi rito saka nagpapaalam na siyang umuwi.
Hindi maalis sa kanyang mga labi ang mga ngiti niya na hindi siya nahirapan mag benta ngayon umaga dahil inubos nito ang kanyang panindang taho.