Sandoval's lovelife Episode 13

1407 Words
NAGISING ng maaga si Aby, sa subrang sakit ng ulo sinout nito ang damit na parang walang ngyayari. Napansin niya ang nakahigang si Sandoval nakabalot ng kumot hinayaan niya lang ito. Dumertso siya sa pintuan at dahan dahan binuksan saka tuluyan lumabas. Hawak hawak parin niya ang sumasakit na ulo. Pakiramdam niya tila ba pinag pupok-pok ito ng kung anong matigas na bagay. Hindi pa siya nalasing nang katulad ka gabi sa buong buhay niya nong gabi lang siya nakainom ng mga matatapang na alak. Hindi niya alam kung ano ang mga pangalan ng mga ininom nila dahil si Jolo lang ang nag order para sa kanila. Nag mamadali siyang umuwi sa kanila para makahigop siya ng mainit na sabaw. " ATE Aby, bakit ngayon kalang naka uwi?" bungad sa kanya ng kapatid ng makita siya nitong papasok ng pinto. “ Angelie, pwedi mo ba ako ipaghanda ng mainit na tinulang isda please? sakit talaga ng ulo ko.” Saka dumeretso siya umakyat sa itaas at humiga. Parang bibiyak ang kanyang ulo kapag tumatayo siya. Nakahiga na siya ng ihatid ng kanyang kapatid ang mainit na sabaw. Naisipan niyang hindi na muna siya maglalako. Hindi talaga kaya ng kanyang ulo sa subrang sakit. “ Na subrahan ata ang na inom ko ka gabi.” aniya sa sarili saka pinikit ang kanyang mga mata baka sakali pag gising niya mawawala na ang pananakit ng kanyang ulo. HAPON na nang magising si Sandoval. Nag unat siya ng kamay saka tumayo at tinungo ang c.r. Matapos niyang makapag c.r tinungo ang kusina para mag templa ng kape. Sinalinan niya ng mainit na tubig ang tasa at binitbit niya ito pabalik sa kama. Napako ang kanyang atention sa patak ng dugo sa puting kubre kama. Nag taka siya kung bakit may dugo sa kama niya. Sinuri niya ito ng maigi at sinuri niya ang kanyang paa at kamay baka nang galing ang dugo rito ngunit walang bakas ng sugat. Napatili siya sa kanyang na isip. “ Nawawala ang pagka babae ko!” Balisang kinuha ang kanyang celphone at denial ang numero ng kaibigan si Santi. “ Mamang, nagahasa ako kagabi.” Pag titili niya ng sagutin nito ang tawag niya. Ito man ay napatili narin sa sinasabi niya. “ Pupuntahan kita riyan.” sabi nito sa kabilang linya at pinutol nito ang kanilang usapan. Nagpa lakadlakad siya sa gilid ng kanyang kama. Pilit inalala ang nangyari ka gabi. Ngunit sa subrang kalasingan wala siyang naalala. Ilang saglit ang nakalipas dumating din si Santi sa condo niya. “ Mamang, sino ang gumahasa sa’yo?” alalang tanong nito sa kanya. “ H-hindi ko alam.” tugon niya sa maarte na boses. “ Paano mo nalaman nagahasa ka?” “ Kasi may dugo sa kama ko.” sabi niyang hinila si Santi palapit sa kanyang kama. sinuri nito ang sinasabi niya dugo“ Dugo nga mamang.” anito na guguluhan. Sumama ito sa groupo nina Jacky ka gabi, kaya wala itong idea kung sino ang kasama niyang natulog ka gabi. “ Berhin kapa pala mamang?” tanong nito. “ H- hindi ko alam.” Nalilito niyang sagot. Tumahimik ito saka nagisip.” Baka almoranas mo iyan mamang?” “ Gaga!” bulalas niya at sinapok ito sa ulo. Pinilit niyang alalahanin sino ang kasama niya kagabi sila lang magkasama nina Aby at Jolo at ang mag asawa si Christian at Aryana. “ Mamang samahan mo ako kina Aryana.” aniya kay Santi na agad naman siya nitong pinag drive. Nadatnan niya si Jolo sa bahay nina Aryana ng makarating sila. Klaro na sa kanyang isipan ito ang gumahasa sa kanya. mabibilis ang kanyang mga hakbang nilapitan si Jolo at hinampas ito sa balikat “ Papanagutan mo akong lalaki ka! Pa ayaw ayaw kapa sa akin pero may lihim ka palang pagtingin.” “ Ano ba ang pinagsasabi mo?” naguguluhan nitong tanong sa kanya. “ Bakit mo ako ginahasa ka gabi? Bakit kailangan mong gawin habang natutulog ako pwedi mo naman gawin nadilat ang mata ko.” sabi niyang pinamaywangan ito. Napakunot noo si Jolo sa kanya sinasabi” Na loloka kana ba? Anong pinagsasabi mong ginahasa? Lasing ka parin ata bekla!” “ Jolo kailangan panagutan mo ako, baka itakwil ako ng pamilya ko pagnabuntis ako.” humihikbi niya sabi napailing-iling si Jolo “ As if na transform ang matres mo.Feeling din itong baklang ‘to. Saka hoy, tinakwil kana!” “ T-tinakwil ako? Kailan?” kunot-noo niyang tanong. “ Gusto mo sampalin kita?” inambaan siya ng sampal ni Jolo. “ Wag na! Naalala kuna.” Mabilis niyang tugon. Napatingin sa kanya si Santi.” Naalala muna sino gumahasa saiyo?” halos sabay na tanong ni Jolo at Santi. “ Hindi. Naalala kuna tinakwil na pala ako sa amin.” sabi niya sa malungkot na boses. Tinitigan niya si Jolo sa mata.” Paano kung mabuo ang panghahalay mo sa akin sa sinapupunan ko Jolo, ano ang gagawin mo?” “ Tadyakan kita sa puson.” inis nitong sabi. “ Hoy, bekla hindi kita ginahasa hindi ko nga alam paano ako nakauwi sa amin.” “ Kung hindi ikaw, sino?” “ Abay malay ko, baka si Santi.” sabi ni Jolo tumingin kay Santi. Napatayo siyang nakapaymaywang inis na hinarap si Santi. “ Ikaw ang gumahasa sa’kin? Pag babayaran mo to ipakukulong kita,” Napakunot-noo naman si Santi sa kanya.” Hala siya, grave siya. Pag si Jolo kailangan pakasalan ka? Pag ako kulong agad? Wow! Pag mumukha ang basihan?” na iinis na sabi ni Santi Sa gitna nang kanilang pagtatalo dumating ang mag asawa galing bumili ng ulam. “ Sandy, napasugod ka?” tanong ni Aryana sa kanya. “ Paano ginahasa ako ka gabi nitong lalaking ito.” Nagkatinginan ang mag asawa sa isa’t isa sa sinasabi niya. At tumingin sa kanya si Aryana “ Kami naghatid sa iyo sa condo mo, ka hulihulihan namin hinatid si Jolo sa pad niya.” Paliwanag ni Aryana. “ Kita mo? Pagbentangan mo pa akong nang gahasa saiyo.” sumbat ni Jolo at bigla itong natigilan ng may maalala. “ Diba kasama namin si Aby?” tanong ni Jolo kay Aryana. “ Iniwan namin siya sa condo mo Sandoval” baling ni Aryana sa kanya. “ hindi namin alam saan ang bahay ni Aby” paliwanag nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Santi.” Ginahasa ako ni Aby!” pagtitili niya “ Tika ano ba ang nangyari?” halos magkasabay na tanong ng mag asawa sa kanya. “ Pag gising ko kasi kanina may dugo sa kama ko. Sinasabi kuna nga ba may pag nanasa sakin ang tumboy na ‘yon.” aniya Nagkatinginan ang apat “ Birhen pa si Aby? kay aby ang dugo na ‘yon? Nagugulhan na tanong ni Aryana. Napatingin sa kanya ang mga kaibigan “ Sandy, ginahasa mo si Aby?” Halos magkasabay na tanong ng mga ito sa kanya. “ Naku, lagot ka ngayon mamang! Paano nayan na basag muna ang pakwan.” Ani Santi. “ Hindi, hindi totoo ‘yan. Nag sisinungaling kayo sa akin.” kuntra niya sa mga ito napaupo siya sa sofa. “ Niloloko niyo lang ako, wala si Aby pag gising ko.” giit niya “ Sandy daddy kana!” Tukso ni Jolo. “ Hala siya, daddy agad hindi panga confirm, Excited?” inismiran niya si Jolo. “ Paano kung mag sumbong sa police si Aby? Ano ang gagawin mo? Naku bekla makukulong kana.” Pananakot sa kanya ni Santi. “ Over kayo ha.” nasapo niya ang mukha sa dalawang kamay. Nanatiling nakatayo ang apat at nag aakusa ang mga mata nakatingin sa kanya. “ Pwedi ba wag niyo akong tignan ng ganyan? Naiilang ako.” angil niya sa mga ito na hindi parin inalis ang mga tingin sa kanya. Ngayon palang naguguluhan na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD