CHAPTER 7

1228 Words
Sinara ko na ang pinto ng sasakyan ko bago humarap sa mg kapatid ko. “Mga gamit mo?” “Ayos na,” sagot ko kay Kuya Chase nang masigurado kong ayos na talaga lahat ng gamit ko. “Money?” tanong naman ni Kuya Ezekiel kaya winagayway ko sa harap niya ang wallet ko. “Good.” “Nasa kondisyon na ba ang kotse mo?” tanong ni Kuya Chase kaya naman tumango ako sa kaniya. “Sigurado ka?” “Oo nga.” “Medyo malayo ang byahe mo at sa palagay ko ay baka alas otso o alas nuebe ay makakarating ka ro’n kung ngayon ay aalis ka na,” sabi naman ni Jade. Ang aga ni Jade, siya pa ang nanggising sa akin kanina. “Ayaw mo talagang sumama?” paninigurado ko. “Gustuhin ko man ay bawal, may cafe kami.” Napatango naman ako. Tulog pa sila Charlie dahil maaga pa at pagod sila kahapon. Nang masigurado kong wala na akong nakalimutan ay sumakay na ako sa kotse ko. “Mag-ingat ka, kailan ba ang uwi mo?” tanong sa akin ni Kuya Chase nang makasakay na ako sa kotse ko. “Monday, balak kong do’n muna maglagi ngayong weekends tulad na rin ng sinabi ni Rein,” saad ko. “Ikumusta mo na lang kami kay Rein,” bilin naman ni Kuya Ezekiel. “Sige na, mag-iingat ka. Dalawang araw ka lang naman pala mawawala. Sayang.” “Gusto mo bang magtagal pa ako ro’n?” sarkastikong tanong ko kay Jade. Tumawa silang tatlo kaya naman napairap ako bago simulang buhayin ang makina ng sasakyan ko. Muli akong nagpaalam sa kanila bago magsimulang magmaneho papaalis sa mansion kung saan naiwan sila Jade, Kuya Chase at Kuya Ezekile. Sakto lang ang pagpapatakbo ko dahil medyo madilim pa. May baon naman akong pagkain kaya hindi ko na rin kailangan huminto p’wera na lang kung gugustuhin ko. Binigay na rin sa akin ni Rein ang eksaktong location ng lupa na sa La Union. Nasabi niya rin sa akin kanina na paalis na rin sa bahay nila pero baka mauna pa rin ako sa kanila dahil may mga dadaanan pa raw sila. Napakunot ang noo ko nang may maalala ako. Walang nababanggit sila Kuya Chase kung ano ang pangalan ng mapapangasawa ni Rein, si Rein din ay hindi pa pinpakilala sa akin kung sino ang fiancee niya, si Atreus naman... “Magkikita naman kami,” sabi ko bago mapakibit balikat at dagdagan ang bilis ng pagpapatakbo. Nakita ko na medyo nagliliwanag na, kaya naman tiningnan ko ang oras at nakita ko na mag-aalas-sais na ng umaga. Maaga pa pero nangangalahati na ako sa byahe, tatlong oras bago ako makarating sa mismong lugar na sinabi sa akin ni Rein. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom kaya sinulyapan ko ang pagkain na ginawa ni Kuya Chase para sa akin, baka pagdating ko na lang sa La Union ko buksan ang mga ’yon. Buti pa si Rein ay ikakasala na, kami ni Atreus ay walang kasiguraduhan kung kami ba talaga. Nagtaas ang mga balahibo ko sa naisip ko. ‘Nakakakilabot pala.’ Binilisan ko na ang takbo ko nang makarating na ako sa malawak na kalsada. Malapit na ako. Kapag natapos ko na ang trabaho ko rito ay baka simulan ko na ang paghahanap sa iba ko pang kasama no’n. Sisimulan ko kay Sandra. Nawalan na ako ng balita sa kaniya simula nang umalis ako. Hindi ko alam kung sinubukan niya ba akong tawagan o contact-in dahil nasira na ang cellphone kong ginagamit no’n. Sinubukan ko naman siyang ipahanap kay Jade at nasabi lang sa akin ni Jade na umalis Si Sandra sa Pilipinas. At bukod do’n ay wala na. Sila Marco at Icom naman ay isang beses ko lang nakausap at apat na taon na ang nakalipas no’n, at simula rin no’n ay wala na. Nakalimutan ko rin itanong kay Third kung may balita ba siya sa iba, nalibang kasi ako pagkuk’wentuhan namin kahapon kaya hindi ko na naitanong sa kaniya. Pati sa kambal. Nakakapang-hinayang. Sana ay hindi naputol ang koneksyon naman sa isa’t-isa sana ngayon ay may kasama ako ngayon. Hindi ako nangangapa sa nangyari sa kanila. Pero hindi ko hahayaan na hindi ko na ulit sila makita, napakalaking parte sila ng buhay ko. Sila ’yong mga taong nakapagpabago sa akin.... Hininto ko ang kotse ko at tiningnan ang labas. Nandito na ako. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko bago bumaba at suotin ang sun glasses dahil nasisilaw ako sa araw. Simula sa kinatatayuan ko ay may malawak at malaking bakanteng lote. At mula rin dito ay nakakarinig ako ng hampas ng alon kaya naman naiisp ko na baka hindi kalayuan dito ay may dagat. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Rein. Nakailang ring lang at sinagot na niya agad ito. “Hello, Cally!” masiglang bati nito sa akin. “Hello,” sabi ko rito bago basain ang labi ko. “Nandito na ako,” wika ko. “That’s good, malapit na rin kami.” “Okay-okay, ingat kayo sa byahe,” sabi ko bago patayin ang tawag. Habang naghihintay ay naglakad ako at inilibot ang paningin sa paligid. May mga bahay rin dito ’yon nga lang ay may kalayuan ang bawat agwat ng mga bahay. Masarap at sariwa ang hangin. Maganda ang p’westo ng lupang nakuha ni Rein. Sobrang ganda. Kung ako rin ang magpapatayo ng bahay ay sa ganitong lugar ako hahanap ng lupa. Malayo sa magulong s’yudad. Napakapayapa ng lugar na ’to. Nare-relax ako. Ganitong lugar... Ganitong lugar ang gusto namin ni Dylan. Agad akong napalingon sa likod ko nang may marinig akong sasakyan. “Cally!” tawag sa akin ni Rein habang kumakaway at nakangiti. Ngumiti ako sa kaniya bago sumalubong. Sinalubong niya ako ng isang yakap kaya naman napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. “It’s been a long time!” masayang sabi niya. “Yeah, how are you?” tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat naman siya. “I’m good, you? Grabe humaba na ang buhok mo at mas lalo ka pang gumanda.” Natawa ako sa sinabi niya. Bolera pa rin. “Ayos lang naman ako and finally nakabalik na rin ako rito.” “By the way, ano palang balita kay Atreus?” tanong niya sa akin. “Wala, hindi niya ako tinatawagan, baka busy pa siya o sadyang may sapak lang talaga siya,” natatawang sabi ko na kaniya ring ikinatawa. “Hon?” Sabay kaming napatingin ni Rein sa taong nagsalita sa likod namin. Napatingin ako sa mukha niya at unti-untibg nawala ang ngiti sa ajing mga labi. Para ring binambo ang dibdib ko at may kung anong bumara sa lalamunan ko nang makita ko siya. Ilang ulit akong napalunok at napapikit-pikit para lang masiguradong hindi ang nananaginip. “My god! Come here, Honey!” Naglakad palapit sa kaniya si Rein at sinukbit ni Rein ang kamay niya sa braso nito. Nagalakad sila palapit sa akin at napahakbang naman ako ng isang beses paatras. Nanginginig ang mga kamay ko, pati na rin ang labi ko. Ang mga tuhod ko ay para bang unti-unting nawawalan ng lakas. Nanunuyo rin ang lalamunan ko. ‘I-i can’t believe.’ “Cally, this is my fiancé,” pakilala ni Rein sa lalaking kasama niya. “Hon, this is Engineer Valencia, Cally he’s Architect Enrique my future husband.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD