“It’s nice to meet you, Engineer Valencia,” aniya at inilahad sa aking harapan ang kaniyang palad.
’Yong boses niya, mas lalong lumalim at lumaki.
Ang mukha niya ay nag-matured na parang hindi marumong ngumiti.
Ang pangangatawan niya ay gumanda at ang mga muscles niya sa braso na bumabakat sa suot niyang long sleeve
After 5 years, nandito siya, kaharap ko, habang kasama ang mapapangasawa niya.
Tinaas ko ang aking kamay at nakipagkamay sa kaniya.
“I-it’s nice to m-meet you too, Dyl— I mean, Architect Enrique,” sabi ko at sabay naming binitawan ang kamay nang isa’t-isa.
’Yong puso ko hindi pa rin kumakalma sa pagtibok ng mabilis at malakas.
Hindi ko ine-expect na sa ganitong pangyayari ko siya makikita.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na siya.
Hindi ako handa.
“’Yan, ngayong kilala niyo na ang isa’t-isa let’s talk about kung paano ang magiging plano,” sabi ni Rein bago muling isukbit ang braso sa braso ni Dylan.
Ilang ulit akong napalunok at binasa ko rin ang labi ko gamit ang dila ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyot ang mga ito.
“Yeah,” sagot ni Dylan kaya naman muling nalipat sa kaniya ang paningin ko.
‘Dylan...’
Laking pasasalamat ko na lang dahil nakasalamin ako at hindi nila nakita masyado ang aking naging reaksyon dahil kung hindi ay baka mukhang akong t*nga rito na parang nakakita ng multo.
“Gusto ko m-munang makita ang buong lupa niyo,” sabi ko.
Hindi naman dapat ako ma-attract kay Dylan dahil si Rein ang pinunta ko rito at ang trabaho, hindi si Dylan.
Hindi si Dylan na fiancee pala ni Rein.
“Sure, let’s walk,” ani Rein kaya naman nagsimula kaming malakad sa lupang tatayuan ko ng bahay nila Dylan.
Habang naglalakad ay napangiti ako nang may isang bagay aong mapagtanto.
Natupad na ’yong pangarap ni Dylan ako ang gusto niyang guguhit ng magiging bahay niya.
Matutupad na ’yon dahil ngayon nandito na ako at sisimulan na ang magiging bahay nila ng mapapangasawa niya.
Masaya ako.
Masaya talaga ako.
“Gusto namin ni Dylan na medyo malaki ang bahay namin, gusto namin na hanggang second floor ang bahay namin.” Nagulat ako sa sinabi ni Rein.
Bakit gano’n?
‘St*pid, Cally! How dare you, Cally? Anong karapatan mong magreklamo sa gusto nila?’
Lihim akong napangiti, ngiting hindi niyo gugustuhing makita.
“Tapos, about sa mga rooms ay tatlong room lang ang ipapagawa namin. Dalawa sa taas, isang master room at isang sakto lang abg laki then sa baba ang guest room. Right, Hon?” tanong nito sa kaniyang asawa.
“Yes, you’re right,” napangiti si Rein dahil sa sinabi ni Dylan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at si Rein ay patuloy sa pagsasabi sa gusto niyang maging style ng kanilang bahay.
“Maglalagay rin kami ng pool sa may likod bahay para sa magiging baby namin,” ani Rein na para bang kinikilig.
Ako naman ay napalunok at nagpilit nang ngiti kahit na para bang may nakatarak na kung ano sa dibdib ko habang nakikinig sa mga plano nila.
“May baby na ba kayo?” lakas-loob kong tanong sa kanila at natawa naman si Rein dahil do’n.
“Gusto ko na nga ang kaso itong si Dylan ay ayaw pa, gusto muna raw niya kaming maikasal bago kami magka-baby,” natatawang k’wento sa akin ni Rein at humarap kay Dylan na halatang nakikinig lang sa pinag-uusapan namin ni Rein.
Para akong nasu-suffocate.
“Isang baby lang naman ang gusto e,” paglalambing pa nito kay Dylan.
“I told you, kapag nakasal na tayo at saka pa lang tayo bubuo ng pamilya dahil ginagalang kita,” sabi sa kaniya ni Dylan at nakagat ko ang labi ko.
“O-okay, ayos na pala ang lahat. Iguguhit ko na lang ang magiging set-up ng bahay niyo para naman may maipakita muna akong plano sa inyo at kung may g-gusto pa kayong ipabago ay gagawin natin,” paliwanag ko at pinipilit kong hindi pumiyok.
Napapalakpak naman si Rein sa sinabi ko at napahugot naman ako ng malalim na hininga.
Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga.
“Yes! Mabubuo na natin ang dream house natin,” masayang wika ni Rein.
“Ah, Engineer Valenc—”
“Just call me Callista, masyadong pormal ang Engineer, nakakailang,” putol ko sa pagtangkang pagtawag sa akin ni Dylan.
“Okay, Callista,” sabi niya.
Parang mas lalong bimilis ang t***k ng puso ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko.
“Ako pala ang magiging Architect sa project na ’to,” aniya at napatango naman ako.
“Okay, It’s sounds good,” sabi ko.
‘P*tcha naman...’
Humarap ako kay Rein.
“U-hmm, alis muna ako, may pupuntahan din akong kaibigan dito, tawagan na lang kita ulit para mas mapag-usapan natin ang magiging plano niyo,” saad ko at agad naman na ngunot ang noo ni Rein.
“Ha? Aalis ka? Kumain muna kaya tayo?” tanong ni Rein at umiling naman ako.
“Saglit lang naman ako, at saka ikaw talaga ang dahilan kaya nandito ako papasyalan ko lang ang kaibigan ko dahil nalaman ko na m-malapit lang siya rito,” pagpapalusot ko.
‘Good liar.’
“Gano’n ba?” tanong niyang muli sa akin bago mapatingin sa kaniyang relo.
“Uh-huh.”
“Maaga pa naman, hintayin ka na lang namin para sabay-sabay na tayong mag-lunch.” Napatingin ako kay Dylan nang sumali siya sa usapan namin ni Rein. “Hindi ka naman siguro aabutin ng tatlong oras sa pupuntahan mo.”
Gusto kong sipain si Dylan dahil sa sinasabi niya.
“H-hindi baka kas—”
“That’s good, hintayin ka namin sa restaurant nila Rein,” aniya kaya naman naikuyom ko ang aking mga palad bago magpilit ng ngiti.
“Sige,” maikling sagot ko sa kaniya. “Alis na ako, Rein. Ingat kayo,” paalam ko sa kaniya at tumalikod na pero bago pa man ako tuluyang makatalikod sa kanila ay nahagip ng mata ko si Dylan na nakatingin sa akin.
‘Bakit?’
Nang makatalikod na ako ay nagsimula na akong maglakad.
At habang naglalakad ay unti-unting nanubig ang mata ko, hanggang sa tumulo na ito.
Bakit ako umiiyak?
Bakit ako aalis?
Saan ako pupunta?
Wala naman akong kakilala rito.
Pero hindi ko na kasi kayang pigilan.
Sobra na akong nasasaktan.
Gusto ko munang makahinga ng maluwag.
Sobrang sikip na ng dibdib ko.
Agad akong sumakay sa kotse ko at tinanggal ang suot kong salamin.
“Bakit ako nagkakaganito? D-dapat ay masaya ako sa kanila, d-dapat ay m-maging m-masaya ako para kay D-dylan dahil natutupad na niya ang mga p-pangarap niya,” sabi ko sa aking sarili.
Pinunasan ko ang aking mukha at binuhay ang makina ng kotse ko pero pagkabuhay nito ay nagsunod-sunod na naman ang mga luha ko.
Akala ko ay handa na ako.
Akala ko kaya ko nang makita siya na kasama ang mapapangasawa niya.
Kahit na anong punas ko sa mga mata ko upang matuyo ang mga luha ko ay parang may sarili silang mga isip na kusang lumalabas at tumutulo mula sa mata ko.
Ang sakit.
Hindi ko pa pala kaya.
Habang nagmamaneho ay hindi ko namamalayan na may mga hikbi na pa lang kumakawala sa bibig ko.
Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang paghikbi ko kaya naman mas minabuti ko na lang na ihinto ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada dahil baka mapaano pa ako kapag pinapatuloy ko ang pagmamaneho habang umiiyak.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
Siguro ay alam nila na ito lang ang makakapag-alis ng bigat ng dibdib ko kaya naman sundo-sunod silang lumalabas.
“W-why?” tanong ko sa aking sarili. “B-bakit? Dylan? B-bakit? Bakit ang l-lakas pa rin ng e-epekto mo sa akin!?” tanong ko.
Limang taon na ’yon pero mukhang kahit na minsan ay hindi nawala ang nararamdaman ko para sa’yo.
Kahit na may Atreus na dumating sa akin ay ikaw pa rin ang pinili nito, nitong t*nga kong puso.
Kahit na hindi na kita nakikita ay ikaw pa rin.
Sa limang taon na nagdaan, ikaw lang Dylan. Ikaw lang wala nang iba.
Muli akong napahagulgol.
Sa dinamirami ng tao sa mundo talagang kay Rein ka pa napunta.
Sa kaibigan ko pa.
Kaya mas lalong masakit.
Paano ako magiging masaya sa inyo?
Gusto kitang bawiin, gustong-gusto pero mukhang masaya ka naman.
Unti-unti akong tumigil sa pag-iyak.
Akala ko ay mapapatahan ko na ang sarili ko pero muling tumulo ang luha ko.
“Atreus, I need you.”