CHAPTER 9

2571 Words
Nakadukmo lang ako sa manibela ng sasakyan ko at hinahayaan ang sarili na unti-unting tumigil sa pag-iyak. Mahapdi na ang mata ko. Ang ilong ko ay barado na rin. Nakakahiya ako, para akong bata. Sumandal ako sa inuupuan ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Mugto ang mga mata at mapula ang ilong. Paano ako haharap nito kila Rein? Baka malaman nila na umiyak ako. At tatanungin nila kung bakit, ano ang sasabihin ko? Napailing na lang ako bago ayusin ang sarili. Kumuha ako ng tissue at suminga nang suminga ro’n. Pinunasan ko rin ang mata ko at ilang ulit na ipinikit. Kailangan mawala ang pamumugto ng mga ’to. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko na mag-aalas-dose na. Ilang ulit ko pang tiningnan ang aking sarili at nakita ko na medyo umaayos na ang hitsura ko. Mawawala rin ’to. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at nagsimulang magmaneho. Para akong nakalutang habang nagmamaneho. Mabigat pa rin ang aking dibdib pero hindi na katulad ng kanina. Dapat ay maging maayos na ako bago ako magsimula sa pagguhit. Makakasama ko si Dylan sa site. Kailangan ay maging maayos na ako. Hindi p’wedeng lagi na lang akong iiwas sa kaniya lalo na at siya ang partner ni Rein, ibig sabihin ay isang kliyente rin si Dylan. Huminga ako ng malalim at tinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Itatrato ko siya ng nararapat. Tulad ng pagtrato ko sa ibang kong naging kliyente. Trabaho ang pinunta ko rito. Trabaho. At nakita ko naman na si Dylan na okay at masaya kaya bakit kailangan ko pang magkaganito. Inihinto ko ang sinasakyan kong kotse sa restaurant na sinabi sa akin kanina nila Dylan. Sa restaurant ni Rein. Nag-park ako at hindi muna bumaba. Kinuha ko ang salamin ko sa mata bago mapagpasyahan na bumaba na. Mas mabuti nang naka-shade na ako kahit na alam kong ayos na ang mata ko. Pumasok ako sa loob at agad kong nakita si Rein na kumakaway sa akin kaya naman kahit na mahirap ay pinilit kong ngumiti sa kaniya. Katabi niya si Dylan na nakatutok sa cellphone niya. ‘Nakakaasar.’ Lumapit ako sa kanila at agad na naupo sa upuan na nasa harap nila. “Nakita mo na ang friend mo?” tanong sa akin ni Rein kaya naman tumango ako. “Yeah,” maikling sagot ko rito. “So, ano? Kain na tayo?” tanong niya sa akin at tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya. Tinawag ni Rein ang waitress at agad naman itong lumapit sa amin dala ang mga pagkain na sa palagay ko ay in-order na nila kanina. “Kumusta na pala ang pag-stay mo rito sa Pilipinas simula nang dumating kayo?” biglang tanong sa akin ni Rein nang kumuha na ako ng pagkain ko. “Okay lang naman, enjoy, at medyo nanibago,” sabi ko. “Sorry, dapat pala ay next week na lang kita kinausap at pinapunta rito ito kasing si Dylan ay gustong—” “Hon? Alam mo ba na masarap ’to?” Napatingin ako kay Dylan nang bigla na lang niyang subuan si Rein dahilan para maputol ang pagkuk’wento ni Rein. “Hmm, yeah, it taste delicious,” sabi naman ni Rein habang ngunguya at nakangiti kay Dylan. ‘Sweet.’ “Here's another one.” Muling sinubuan ni Dylan si Rein kaya naman tumikhim na ako hindi dahil sa inaagaw ko ang atensyon nila upang ipaalam sa kanila na nandito ako, maanghang kasi ang kinakain ko at nasamid ako kaya naman masakit sa lalamunan. Napatingin silang dalawa sa akin kaya naman kinuha ko ang tubig ko na may lamang tubig. “Kayo? Kunusta kayo?” pag-open ko sa usapan para naman may mapag-usapan kami. “We’re okay, loving each other,” ani Rein at tumawa kaya naman napangiti ako. “It’s good to heard that, kailan ba ang kasal niyo?” tanong ko sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko naitatanong sa kanila ang mga ganitong bagay lalo na at kaharap ko si Dylan. Manhid na ata ako. “Balak namin ay next year pa dahil gusto namin na may sarili na kaming bahay bago pa kami maikasal,” sagot sa akin ni Rein at napatango naman ako. “I see,” wika ko. She have a point, kahit sino naman ay gugustuhin na magkaro’n muna ng bahay bago magpakasal. “You? Kayo si Atreus?” Naubo ako sa biglaang pagtatanong ni Rein tungkol sa amin ni Atreus. Ngumiti ako sa kanila. “Ayos naman kami,” sagot ko at umikot naman ang mata ni Rein dahil sa naging sagot ko. “Oh come one, Cally. Don’t tell me na hanggamg ngayon ay wala pa rin kayong usad?” mataray na tanong sa akin ni Rein at natawa naman ako. Mataray si Rein, sobrang taray pero sanay na ako sa katarayan niya, para lang siyang si Ruby. “Alam mo naman na wala pa isip ko ang mga ganoyang bagay,” sagot ko sa kaniya. “Tumatanda ka na, Cally,” pangungulit niya. “Nand’yan lang naman si Atreus,” sagot ko rito. “At saka masaya naman ako sa buhay ko ngayon, masaya. Lalo na at ikakasal ka na,” nakangiting saad ko rito. “Na-touch naman ako pero hindi ako papayag na hindi ko kayo makikitang ikakasal ni Atreus, kailangan ay isa ako sa abay.” Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Abay na agad wala pang sing-sing, oh.” Pinakita ko sa kaniya ang daliri ko at natawa kaming parehas. “Total kasalan na rin naman ang usapan natin, pag-usapan na natin ang magiging kasal namin ni Dylan dahil excited na talaga ako,” kinikilig na wika niya. Muli akong nakaramdam na kakaiba sa aking dibdib bago tumingin kay Dylan at magkasalubong ang aming mga mata kaya naman nginitian ko siya. “Oo nga.” Dapat ganito lang ako palagi sa harap nila, kahit na nahihirapan ako ay titiisin ko dahil alam ko na masasanay rin ako. Tama. Masasanay rin ako at unti-unti kong matatanggap ang lahat ng ito. “Ikaw ang made of honor ko,” biglang sabi ni Rein kaya naman nanlaki ang aking mga mata. “Ako?” tanong kong muli rito dahil baka nagbibiro lang siya. “Oo nga, ikaw. Kaya mag-ready ka na.” ‘Nananad’ya ata talaga ang tadhana.’ “Good,” sabi ko. “Kailangan ko na bang ihanda ang gown ko?” natatawang tanong ko kay Rein. “Oo naman! Basta ay ’wag mo lang akong tatalbugan!” “Ikaw, Hon? Are you okay? Para kasing naa-out of place ka hindi ka makasabay sa topic namin ni Cally,” baling ni Rein sa fiancee niya. Yeah, her fiancee. “I’m okay, tuloy niyo lang k’wentuhan niyo. Makikinig lang ako,” sagot nito. “Aww, don’t worry mas madalas mo namang makakasama si Cally kapag nagsimula na kayo sa project niyo,” malambing na wika ni Rein bago ako tingnan. “Mabait naman si Cally kaya alam ko na magkakasundo kayo ni Cally, right, Cally?” Tumango ako sa kaniya. Magkakasundo pa ba kami? Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming nagri-ring na cellphone at ang akala ko ay sa akin ’yon pero nakita ko na nakapatay naman ang cellphone ko kaya naman napatingin ako sa mga kasama ko at nagulat ako nang biglang tumayo si Rein habang hawak ang cellphone niya. “Excuse me,” aniya bago lumingon sa katabi niya. “Lalabas muna ako, mahalagang tawag ’to,” anito bago ko makitang yumuko siya sa mukha ni Dylan kaya naman naging mabilis ang naging pagkilos ko at agad na bumaling ng tingin sa gilid ko kung saan ang magandang karagatan ang nakikita ko. “Cally, maiwan ko muna kayo,” paalam nito sa akin kaya naman nakangiti akong tumango sa kaniya. “Sure, take your time.” Pinanood ko siyang maglakad palabas sa restaurant na kinaroroonan namin. Nang mawala na si Rein sa aking paningin ay nagsimula na namang dagain ang dibdib ko. Hindi ako komportable. Napalunok ako bago magpatuloy sa pagkain. Ang tahimik sa lamesa namin. Walang nagsasalita. Tanging ang tunog lang ng kutsara ko na tumatama sa plato ang naririnig ko para rin akong nahihirapang lumunok. Nasaan na ba si Rein? Matagal pa ba siya? Halos mabitawan ko ang hawak kong tinidor at kutsara nang biglang tumikhim si Dylan. ‘Ano ba, Cally? Napakanerbyosa mo!’ “How are you?” Napatigil ako sa pagkain dahil sa biglaang pagtatanong nitong kasama ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Akala ko kaya ko na, ’yon pala ay kapag nasa harap lang namin si Rein ay saka pa lang ako nakakapagsalita ng maayos at nagiging komportable. “I’m asking you,” anitong muli kaya naman kahit na walang kasiguraduhan na matatagalan ko ang kaniyang titig ay sinalubong ko ang mga ito. “G-good, I’m good,” sagot ko rito at napatango naman siya. “That’s good to hear that,” sabi niya na para bang normal lang sa kaniya ang lahat. “You?” tanong ko sa kaniya at agad naman siyang napatingin sa akin. “Ayos lang din ako, masaya ako,” sagot nito sa akin. Ang akala ko ay hindi na siya magsasalita ulit pero muli niyang ibinuka ang kaniyang bibig at nagsalita. “It’s been a long time, after five years, nakita na ulit kita,” wika niya kaya naman biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara sa kamay ko. “Akala ko hindi ka na lilitaw.” Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. Ramdam ko na ang biglang pag-init ng mukha ko. Ano na namang ’tong nararamdaman ko. “Akala ko, hindi na kita makikita ulit kasi bigla ka na lang umalis ng wala man lang paalam,” saad niya at biglang nag-iba ang kaniyang pananalita. Para bang... Hindi baka imahinasyon ko lang ’yon. “Nando’n lang naman ako sa kabilang k’warto, hindi mo man lang ako nagawang katukin at sabihing ‘Dylan, aalis na ako.’” Sinalubong niya ang mga titig ko at ang mga mata niya. Sobrang lamig. Napakalamig ng mga titig niya. “Ano ba ’tong sinasabi ko,” bulong niya bago mag-iwas nang tingin. “Pero past na rin naman ’yon, wala na akong pakialam do’n.” Bakit niya ba sinasabi pa sa akin ang mga bagay na ’yon? Napayuko ako bago mapakagat sa labi ko. Nakakailang na. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Daig ko pa nangangarera. “Parang ayaw ko na rin makakita ng mga bagay na makakapagpaalala sa nakaraan ko,” sabi nito at para bang binambo ang dibdib ko. Mga bagay na makakapagpaalala sa kaniya sa nakaraan niya? Ako ba ang tinutukoy niya? Ako ba ang sinasabi niyang ayaw na niyang makita? Mas lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi na parang kahit na anong oras ay p’wede na itong magkasugat. Nakakasara ka! Nagtatayuan din ang mga balahibo ko at kahit na nakaupo ay ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. “Ang pangit kasi ng nakaraan ko,” rinig kong muling sabi niya. Gusto ko na siyang patigilin pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Unti-unti ring bumibigat ang aking paghinga dahil sa tensyon na nararamdaman ko. “’Yong mga nakaraan ko na kasama ka.” Napapikit ako dahil sa sinabi niya. Ano ba... ’Wag kang tutulo lalo na sa harap niya. ‘T*ngina naman, Dylan. Ang sakit mo namang magsalita.’ “Zup, guys.” Napailing ako nang marinig ko ang boses ni Rein. “Ang kulit ng manager ko, gusto na niya akong umuwi sa Bulacan,” k’wento ni Rein habang natatawa. “What he said?” tanong nan ni Dylan. “Magsho-shoot na raw kasi para sa bagong magazine na ilalabas nila,” sagot ni Rein. “Ikaw ba, Cally? Kailan ang uwi mo sa Manila?” tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kaniya at pilit na pinakalma ang sarili. “Next day,” maikling sagot ko rito. “Sayang naman, gusto sana kitang ipasyal pa rito pero may photo shoot kasi kami kaya kailangan ko nang umuwi.” Bigla siyang bumaling kay Dylan. “Hon, bakit hindi mo na lang samahan si Cally na mamasyal dito?” Napataas ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Rein. ‘Seryoso ba siya?’ “Huh?” reaksyon ko. “Uuwi ka mag-isa?” tanong ko kay Rein. “Yes, nakakahiya naman kasi sa’yo kung iiwan ka namin mag-isa rito lalo na at mukhang gusto mo pang mag-stay rito,” saad ni Rein. “Kaya naman naisip ko na si Dylan na lang ang sasama sa’yo, total ay may gagawin din siya rito sa La Union.” “Hindi na/Good idea.” Nagkatinginan kami ni Dylan nang sabay kaming sumagot. ‘Sir*ulo.’ “Hindi na, Rein. Kaya ko naman mamasyal ng ako lang, hindi na ako kailangan samahan ni Architect,” ani ko kay Rein at agad na kumunot ang kaniyang noo. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin ay sa tingin ko ay hindi ko siya kakayanin makasama. “Cally, you’re our Engineer and at the same time you’re a friends of mine kaya naman kailangan mo ng makakasama rito,” sabi niya. “Babae ka pa naman.” “Kaya ko naman ang sarili ko,” ngumiti ako sa kaniya. “No, kahit na anong pangungulit mo ay maiiwan dito si Dylan para samahan ka, at saka don’t call him Architect just call him Dylan.” “Baka ayaw talaga akong makasama ni Callista,” singit naman ni Dylan kaya naman kumibot ang gilid ng labi ko. “Hindi naman siguro, friendly si Cally at na gusto ka rin niyang makilala pang lalo dahil ikaw ang mapapangasawa ko, right Cally?” baling sa akin ni Rein habang nakangiti. Matigas ang ulo ko pero mas matigas ang kay Rein. Kahit kailan hindi kami nanalo sa kaniya ni Atreus. “Okay lang talaga,” sabi ko at tumang-tango. “Hindi ko naman kailangan ng makakasama.” “Shut up, Cally,” anito at binalingan ang nobyo. “Maiiwan ka rito, samahan mo si Cally and sa kaniya ka na rin sumabay sa pag-uwi.” Nagulat ako sa sinabi ni Rein kaya naman hindi ko naiwasang hindi mag-react. “What?” sabay na namang tanong namin ni Dylan. “Ano ba kayo, bingi ba kayo?” Napapairap na tanong ni Rein. “Final na, maiwan kayong dalawa rito.” “Magda-drive ka mag-isa?” tanong ni Dylan kay Rein. “No way! May magda-drive sa akin pauwi, si Patrick, nandito siya at siya ang makakasabay kong umuwi sa Bulacan dahil siya ang makaka-partner ko sa photo shoot na mangyayari at gagamitin namin ang kotse mo” mahabang k’wento ni Rein. “Rein,” tawag ni Dylan kay Rein. “Oh, c’mon, Dylan. Kahit dito na lang ay hayaan niyong magkakilala kayong dalawa lalo na at matagal-tagal kayong magsasama,” Rein said. “Aish, okay-okay. Basta siguraduhin mo na mag-iingat ka,” sagot n i Dylan. “Yes! Architect!” masayang ani Rein. “Ayan, Cally. May makakasama ka na,” nakangiting wika ni Rein sa akin kaya naman pilit akong ngumiti sa kaniya. “That’s good,” naisagot ko na lang. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang mag-stay rito kasama si Dylan. Pero hindi naman ako didikit sa kaniya. Magsasarili ako at bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na siya kilala. Si Dylan... Nag-iba na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD