CHAPTER 10

1317 Words
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa restaurant ni Rein at ngayon ay papunta kami kung saan. Papunta kami sa lugar kung saan p'wede kaming mag-over night ni Dylan. Sinusundan ko ang kotse ni Dylan pero ang pinagtataka ko kung bakit si Rein ay sa akin sumabay imbes na kay Dylan. "’Di ba nakakatawa!" Muli siyang tumawa dahil sa sinabi niya. Buti pa si Rein napapasaya 'yong sarili niya. Kapag si Rein ang nakak'wentuhan mo, mauubos ang laway mo sa kaniya. "Then that time he ask me kung p'wede niya akong ligawan then I said yes," k'wento niya pa. Kinuk'wento niya sa akin kung paano sila nagkakilala at nagkatuluyan ni Dylan, sinabi niya rin kung bakit hindi niya sinabi agad sa amin ni Atreus na si Dylan ang mapapangasawa niya. "Pero no'ng time na 'yon ay maraming nagkakagusto kay Dylan, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napili niya well kung ikukumpara naman ako sa mga babae na nagkakagusto kay Dylan ay masasabi kong ako na ang pinakamaganda," aniya at sinundan ng isang tawa kaya naman napailing ako. Maganda si Rein, sobrang ganda. "Kaya kapag may iba kaming babaeng kasama, kahit na kaibigan ko pa ay talagang tinatarayan ko sila lalo na kapag nakikita ko na nakatingin sila kay Dylan." Natawa ako sa sinabi niya. Grabe bakuran. Well, hindi ko rin naman siya masisisi dahil g'wapo nga naman si Dylan at alam ko na maraming nagkakagusto sa kaniya kaya gano'n na lang siya bakuran ni Rein. "How about me? Bakit hindi mo ako tinatarayan?" tanong ko sa kaniya dahil normal lang ang pagturing niya sa akin kahit na nand'yan lang si Dylan sa tabi namin. "St*pid, alam ko naman na iba ka sa mga babaeng nahuhumaling sa fiancéko at alam ko na may Atreus ka na at hindi tulad ni Dylan ang gusto mo sa mga lalaki, at alam ko rin naman na hindi katulad mo ang gusto ni Dylan, masyadong tahimik," sabi niya kaya naman natawa ako ng bahagya. Hindi mo sigurado, Rein. "At saka may tiwala ako sa'yo, Cally. Lalo na at matagal mong makakasama si Dylan sa trabaho, alam ko na hindi mo akong magagawang saktan." Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan ko. "Madalang ako makakapunta rito dahil busy rin ako, baka thrice a month or once a week?" Sobrang dalang. "Okay lang naman 'yon sa akin," sagot ko sa kaniya. "Ang mahalaga ay pupunta ka pa rin." "Yeah, at hindi ko rin naman matitiis si Dylan na hindi makita," saad niya at para bang kinikilig siya. Nagk'wento pa nang nagk'wento si Rein tungkol sa kanila ni Dylan at para bang wala na akong interest sa mga sinasabi niya hanggang sa may mabanggit siyang isang pangyayari na nagpakabog ng husto sa aking dibdib. "May naik'wento pa nga siyang girl na sobra niya raw kinabaliwan at kung hindi pa raw ako dumating sa buhay niya ay baka hindi pa rin siya makaka-move on do'n," k'wento niya habang umiikot ang mga mata na para bang naiirita. "Tapos tumira raw sa kanila 'yong girl, nahulog daw siya rito simula pa lang no'ng una but in the end umalis daw 'to ng walang paalam." Bumilis na naman ang t***k ng puso ko, humihigpit na rin ang pagkakahawak ko sa manibela at napakagat na rin ako sa labi ko. Wrong move, Rein. Nagbuga ako ng malalim na hininga upang mawala ang kaba sa dibdib ko. "Ang t*nga niya, sobrang t*nga ng girl na 'yon, isipin mo isang Enrique na nagkakagusto sa kaniya nagawa niya pang iwan, nakakaasar siya sobra. Kung ako sa kaniya no'ng mga oras na 'yon ay hin—" "Rein," tawag ko sa kaniya upang matigil siya sa pagsasalita niya. Ano bang karapatan mo? Ano bang karapatan mo na manghusga? Gusto kong itanong sa kaniya 'yan. Ngumiti ako nang pilit sa kaniya. "Huminto na si Dylan," ani ko at hininto na rin ang sasakyan namin. "Oh, nalibang na ako sa kakak'wento," natatawang wika niya bago bumaba at lumaba sa kotse ko. Ako naman ay hindi muna lumabas upang ikalma ang sarili ko. Nakakasar. Bakit parang kasalanan ko pa ang lahat? Kaasar. Papaluin ko sana ang manibela ng sasakyan ko pero pinigilan ko ang sarili ko at nagbuntong-hinga bago mapagpasyahan na sumunod kila Rein sa labas. Paglabas ko ng kotse ay naabutan ko silang magkatabi habang nakatayo at parang nag-uusap kaya naman dumistansya muna ako dahil baka makaabala pa ako sa kanila. Umikot ako sa likod ng sasakyan ni Dylan at tiningna ang bahay na hinintuan namin. Malaki ang bakuran pero ang bahay ay mukhang sakto lang para sa isang maliit na pamilya. Sinipat ko ito at napansin na para bang ang linis-linis ng paligid at para bang lagi itong nalilinis. Parang may nakatirang tao rito. Gusto ko sanang tanungin si Rein pero nakita ko na nag-uusap pa tin kaya naman napakibit-balikat na lamang ako. Sumandal ako sa kotse ni Dylan at nilibang ang sarili sa paligid. Kung dito kami mag-o-over night ni Dylan ay mas gugustuhin ko na lang na mag-hotel kaysa makasama siya sa iisang bahay. Pero nabanggit kasi ni Rein kanina na sa bayan pa ang hotel dito, ang nag-iisang hotel. Aish. "Magandang araw ho, may kailangan ho ba sila?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may isang babae ang nagsalita sa gilid ko. Tiningnan ko siya at masasabi ko na maganda siya kahit na mukhang nasa fifty years old na siya. "Sino ho, sila?" tanong nitong muli kaya naman bahagya kong sinulyapan sila Dylan at nakita ko na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila ni Rein. Hindi pa rin ba sila tapos? "A-ah, C-callista po." Sa sobrang kaba ko ay nagpakilala na lang ako. "Cony ho, ano ho bang maitutulong ko?" tanong niyang muli kaya naman napakamot ako sa aking ulo. "Ano... May mga kasama po ako, ayon po sila." Tinuro ko na lang sila Dylan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko rin naman kilala ang isang 'to. "Oh? Hindi ba at si Architect Enrique 'yon at si Madam Rein?" tanong nito sa akin kaya naman bahagya akong ngumiti at tumango sa kaniya. "Architect!" Agad na napalingon dila Rein sa p'westo namin nang tawagin siya ng babaeng nagpakilalang Cony. "Ate Cony!" nakangiting bati ni Rein dito bago lumapit at yumakap dito. "Nako, Madam, amoy pawis ho ako," nahihiyang wika ni Ate Cony. "Ate Cony," bati naman ni Dylan dito. "Architect, matagal-tagal din ho kayong hindi napasyal dito, bakit hindi naman kayo nagsabi na darating pala kayo sana ay nakapagluto man lang ako kahit na papaano!" "No need na, Ate Cony. Magpapaalam lang sana kami kung p'wedeng makitulog kami ng isang gabi rito ng kasama ko," sabi ni Dylan at tumingin sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "Nako! Hindi niyo na ho kailangan magpaalam, any time ho ay p'wedeng-p'wede kayo rito," masayang wika ni Ate Cony. "E, kayong tatlo lang ba? Wala na ba kayong ibang kasama?" tanong pa nito. "Actually, Ate Cony. Silang dalawa lang po ni Cally ang mag-o-over night dito dahil mamaya ho ay mauuna na ako sa kanila sa pagbalik sa Bulacan," singit ni Rein sa usapan. Wala akong masabi dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. "Ayy, gano'n ho ba, Madam, kung gano'n ay pumasok na tayo sa loob para naman ho makainom kayo ng malamig na buko." Nauna siyang maglakad kaya naman tiningnan ko sila Rein at hindi ko naman inaakala na nakatingin din pala sa akin si Dylan. Sandali kaming nagkatitigan bago sabay na nag-iwas ng tingin. "Tara na sa loob, Cally. Dito kayo matutulog ni Dylan, mababait naman sila at kakilala naman namin sila kaya wala kang dapat na ikabahala." Kahit na kakilala o kaibigan niyo pa sila, kung kasama ko nama si Dylan, hindi mapapanatag ang loob ko. Wala na akong ibang nagawa nang hilahin na ako ni Rein papasok sa loob ng bahay kung saan pumasok kanina si Ate Cony.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD