CHAPTER 39

4216 Words

“Ang galing mo talaga, para kang lumilipad kapag tumatalon ka,” sabi sa akin ni Kuya Chase habang nagkakainan kami. Hindi ko naman agad siya nasagot dahil may laman ang aking bibig. “Kung naipagpatuloy mo lang siguro ang paglalaro mo ng volleyball sa palagay ko ay nasa ibang bansa ka na at nakikipaglaban sa international.” Tumingin ako sa kaniya. “Siguro,” maikling sagot ko. Bumaling ako sa katabi ko. “Mamaya pala, may gagawin ka?” taanong ko rito. Agad naman siyang umiling sa akin dahil may laman ang kaniyang bibig. “Good to know, mamasyal tayo kapag natapos na ang program.” Ngumiti naman siya at tumango. Napatingin ako sa kaharap kong mag-jowa, ang sweet, sinusubuan ni Rein si Dylan samantalang ‘yong lalaki ay sasabog na ang mukha dahil sa sobrang pula. ‘Ngayon pa ba siya mahihiya?’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD