Buong magdamag akong hindi nakatulog, alam kong lasing na ako pero hindi ko magawang makatulog, nakailang balik na ako sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Icom. Hindi ko inaasahan na gano’n na pala ang pinagdaranan niya. Ano ba ang tamang term sa ganito? Tinaguan ng anak? Sigurado naman ako na alam ni Sandra ang bagay na ’yon. Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay Sandra. Napabuntonghininga na lang ako bago maisipang bumaba sa kusina upang magtimpla ng kape para naman matauhan ako at mawala ang lasing ko. Hilong-hilo na ako. Nakatulog na si Icom kaya madilim na ang paligid dahil lahat ng ilaw ay nakapatay. Sobrang dilim. Nangangapa ako sa dilim habang naglal

