Kakatapos ko lang kausapin si Ate Mia tungkol sa bagong hire na tutor para kay Zeus nang bumukas ang pinto ng banyo.
Mula roon ay mapang-akit na lumabas ang isang babaeng laman nang halos lahat ng mga billboard na nakapaligid sa sentro ng lungsod nitong kinaroroonan kong bansa.
Ipinatong ko ang hawak na cellphone sa bedside table na nasa kanang bahagi nang kinaroroonan kong kama. Nanatili ako sa prenteng pagkakahiga habang hindi hinihiwalay ang tingin sa babaeng papalapit sa'kin.
Nakasunod ang mainit kong tingin sa bawat imbay ng balakang nito bago ko mabagal na pinasadahan ang hubog ng katawan nito. Siguro nga ay kulang na lang sambahin ng halos lahat ng mga kalalakihan ang babaeng nasa harapan ko, pero halos ilang oras pa lang kaming magkasama ay tila ba nakaramdam na ako ng pagkasawa.
Tuluyan nang naglaho iyong nararamdaman kong libog para dito. Pansin kong hindi na bago sa'kin ang ganitong pakiramdam sa bawat babaeng nakakasama ko.
Ang bilis nawawala ng interes ko sa kanila tuwing matapos nilang maibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Sa loob ng limang taong pagiging single dad ko ay wala pang babaeng nagawang ipirme ang interes ko kahit na dalawang araw lang. Tila ba ang tanging silbi nila sa'kin ay parausan ng init ng katawan.
Tulad ngayon, kahit nandito ako sa ibang bansa para sa isang importanteng trabaho ay nagawa ko pa ring maisingit sa abala kong schedule ang maikama ang kasalukuyang pantasya ng halos lahat ng mga kalalakihan sa bahaging ito ng mundo.
Maganda naman si Micaela, mistula itong buhay na manika na blonde Caucasian. Pinagpala rin ito ng magandang katawan na unang umagaw sa atensiyon ko, pero matapos naming masubukan ang ilang posisyon ay biglang naglaho iyong hatid nitong init sa katawan ko.
Medyo stress ako sa kakatapos lang na meeting ko kanina kasama ang ilang inventors kaya nangangailangan talaga ako nang mapagbuntunan. Kanina pa humupa ang init ng katawan ko, pero mukhang may ibang plano itong kasama ko.
"Another round?" mapanghibong untag sa'kin ni Micaela nang nasa paanan na ito ng kamang kinaroronan ko.
Kahit ang paraan nang pagsasalita nito ay may halong pang-aakit. Gano'n pa man ay napuno ako ng pagkadismaya dahil wala man lang itong nakuhang reaksiyon mula sa katawan ko.
Dumako ang tingin ko sa
mamasa-masa pa nitong buhok na ilang ulit ko kaninang pinapulupot sa kamay ko habang marahas siyang binabayo nang patalikod.
Parang naririnig ko pa ang nasasarapan niyang mga sigaw dahil sa paraan nang pag-angkin ko sa kanya. She's wild, but I'm wilder kaya pareho talaga kaming nag-enjoy kanina.
Pinakiramdaman ko ang sariling katawan habang pinapanood ang mapanuksong na pagkatanggal ng suot na bathrobe ng babaeng kaharap. Hindi ko na sinundan ng tingin ang tuluyang pagbagsak ng bathrobe sa paanan nito dahil tumuon na ang tingin ko sa malulusog nitong dibdib habang kasalukuyan pang tayong-tayo ang namumula nitong u***g sanhi ng pagpapalang ginawa ko kanina sa mga ito.
Kahit malinaw ko pang naalala kung paanong tumirik ang mga mata niya no'ng eksperto kong nilaro-laro ang malulusog niyang dibdib ay wala pa rin akong nakuhang reaksiyon mula sa katawan ko.
Alam ko na kapag ganito ay hindi ko mapipilit ang sarili kong katawan. Talagang tuluyan nang nawala ang gana ko. Hudyart ko na ito upang bumalik sa nakabinbin kong mga trabaho.
"I'm sorry, but I have some important things to do," malumanay kong sagot sa lantarang paanyayang natanggap ko mula kay Micaela.
Gano'n man ay hindi pa rin ito tumigil at sumampa sa kama habang walang ni katiting na saplot sa katawan. Nahagip ng tingin ko ang ilang kiss mark na naiwan ko sa tiyan nito pababa, maging ang mga hita nito ay napapalamutian no'ng kaparehang mga marka.
Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay nang maalala kung paano niya sinabing hindi ako pwedeng mag-iwan ng marka sa alinmang parte ng kanyang katawan. Isa siya sa pinaka-in-demand na modelo sa kasalukuyan kaya nararapat lang ang request niyang iyon, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Tila naging invitation sa'kin ang pauna niyang paalala.
Well, hindi ko naman siya narinig na tumanggi o nagreklamo sa ginawa ko, sa halip ay tila ba gustong-gusto niyang mag-iwan ako ng marka sa buong parte ng kanyang katawan.
"One more time, Mr. de Aldana," puno ng pagnanasa niyang hiling nang tuluyang nakasampa sa ibabaw ko ang hubad niyang katawan. "I promise it'll be worth it."
Wala rin akong kahit na anong suot sa ilalim ng kumot na nakatakip sa baywang ko pababa kaya damang-dama ko ang malambot niyang katawan. Ang tanging reaksiyon naibigay ng katawan ko ay ang bahagyang pagkislot ng alaga ko at nangyari lang ito nang lumapat sa hubad kong dibdib ang mainit na mga labi ni Micaela.
Pinagbigyan ko ang sariling malunod sa mainit na pakiramdam na hatid ng isang magandang babaeng muli ay handang ialay ang sarili sa'kin.
Siguro kung no'ng kabataan ko nangyari ang ganito kung saan ay puno ako ng kapusukan ay kanina ko pa binaliktad ang posisyon namin at pinagbigyan ang babae, pero isa na akong ama ngayon at maraming babae nang nagdaan sa kamay ko. Tila ba tumabang na ang panlasa ko sa ganitong gawain at nag-iiba na ang mga priority ko.
Marahan kong hinawakan sa magkabilaang balikat ang mapang-akit na babae upang pigilan siya.
"I'm sorry, Micaela, but you really have to go," malamig kong kausap dito.
"You're joking, right?" hindi makapaniwala niyang bulalas. Lumarawan ang pagkadismaya sa kanyang mukha kahit na halatang pinipinigilan niya ito.
"No," walang gatol kong sagot.
Ilang sandali muna siyang natigilan bago gumuhit ang galit sa kanyang mukha at nagmamadaling umalis mula sa pagkakapatong sa'kin.
Pahinamad kong pinanood ang padaskol niyang kilos habang isa-isang sinusuot ang mga damit niyang hinubad ko kani-kanina lang.
Lihim na lang akong mapabuntong-hininga dahil sa dalas na nangyayari ang ganitong eksena nitong nakaraang mga araw ay nasasanay na ako. Wala nga akong nararamdamang ni katiting na simpatiya sa mga babaeng pinapaalis ko.
Malinaw naman ang usapan namin, no strings attached, just pure fun.
"I hope not to see you again, Mr. de Aldana," mahina pero matalim na pahayag ni Micaela matapos makapagbihis.
Pahablot nitong inabot ang dalang bag at akma nang lalapit sa pinto nang tawagin ko, "Micaela..." seryoso kong saad.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kislap ng pag-asang dumaan sa mga mata nito. Kahit na galit ito ay malinaw na muli itong bibigay kung gugustuhin kong amuhin. Inaasahan niya sigurong nagbago ang isip ko.
Natigil ito sa planong paglabas ng kinaroroonan naming hotel room at inaabangan ang sasabihin ko matapos sambitin ang kanyang pangalan.
Walang pagmamadali akong bumaba mula sa kama. Hindi ko binigyang pansin ang sariling kahubdan nang tuluyan akong makatayo.
Ramdam ko ang mainit niyang tinging nakasunod sa bawat galaw ko pero hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na lumapit sa study table kung saan naroon ang blank cheque na balak kong ibigay sa kanya.
May pirma ko na iyon, at ni minsan ay wala pang babaeng tumanggi o nanatiling galit sa'kin matapos kong abutan nito. Siguro isa rin sa dahilan nang pananabang ko sa mga babaeng nakapaligid sa'kin at nag-aagawan sa atensiyon ko ay ang pagkakaroon ng presyo ng mga ito. Maliban sa kung anong kaya kong gawin sa ibabaw ng kama ay habol din nila ang pera ko.
Hindi ko naman kailangang magbayad upang makakuha ng babae. I just want to give them a parting gift, because I never go with the same woman twice.
Dala ang tseke ay pumihit ako paharap kay Micaela. Nahuli ko pa ang paglunok nito habang nakatingin sa katawan ko. Hindi niya maikakaila ang pagnanasang nasa kanyang mga mata habang hindi maalis-alis ang paningin sa bagay na ilang beses ding nagpatirik sa kanyang mga mata.
Women!
"Here, take this," agaw ko sa pansin niya sabay abot ng hawak na tseke.
Tila wala sa sarili pa siyang napakurap-kurap sa iniabot ko. Ilang sandali pa muna bago nag-sink-in sa utak niya kung ano ito.
Tumalim ang tingin niya, at nahaluan ng galit ang paghahangad na nasa mukha niya.
"It's just a gift," malumanay kong wika bago pa niya maibuka ang kanyang mga labi at magpakawala ng maanghang na mga salita laban sa'kin.
"You can have anything you want," pagpapatuloy ko. "Accessories, a new car, maybe even a house in a fancy neighborhood if you're into it."
Saglit siyang natigilan na tila ba napaisip. Kahit na naroon pa rin iyong inis sa mukha niya ay halatang nagkainteres siya sa mga sinabi ko.
Kahit na ang katulad niyang sikat at kumikita nang hindi birong halaga ay hindi matatanggihan ang kaya kong ibigay.
"So it's true," maya-maya ay usal niya. "You're pretty generous with your women, huh?" pumapalatak niyang dugtong.
"I just like to spoil them, you know, make the last time memorable," balewala kong sagot.
Iyong huli kong naikama ay binigyan ko ng private yacht. Meron ding isa na binigyan ko ng private plane. Galante ako sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit naghahabol pa rin iyong iba, gusto nilang muling maranasan ang sarap sa piling ko.
Handa nilang ibalik ang naibigay ko basta muli ko lang silang pagbigyang matikman ang ligaya ako lang ang kayang magbigay. Tila bang wala pang makapantay sa kung anong kaya kong ibigay sa kanila kaya hindi nila ako malimot-limot.
Hindi naman sa pagyayabang pero expertise ko talaga ang magpatirik ng mata. Bawat babaeng nagdaan sa buhay ko ay tiyak na hahanap-hanapin ang galing ko.
"I'm going to accept that next time," maya-maya ay taas-noong pahayag ni Micaela.
Pinigilan kong magtaas ng kilay dahil sa pagtanggi nito. Halata namang gusto nitong tanggapin ang binigay ko. Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin gayong kani-kanina lang ay parang ayaw na niyang magkrus ulit ang landas namin.
"There's no next time, Micaela," matabang kong sabi.
"I'll try my luck," puno ng determinasyon niyang sagot.
Isang walang emosyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang tuluyan itong tumalikod upang tunguhin ang pintuan.
Good luck na lang talaga sa kanya.